Thursday, December 27, 2007

Flickr

This is a test post from flickr, a fancy photo sharing thing.

Sunday, December 23, 2007

Ikaw

Gusto kong sabihing, mahal kita nang buong buhay ko…at ikaw ang nakakapagpangiti sa akin.
Para kang tala na tinatanaw ko sa aking bintana; hindi ako namamalikmata
Sa aking pag-alala. Pagkat ikaw ri’y nakatingin
Sa paslit kong damdamin.
‘Di na ako iibig nang katulad ng ganito.
Pagkat mayron nang kakambal ang bulong sa aking puso
Sabik ito sa impit na hagikgikan, habang lumilipad sa loob ng kumot
Ang kiliti, ang mga kuwento, ang malalambing mong
Pagsuyo.
Lagi kitang inaalala nasaan mang panig ako
Isang kudlit sa malawak na himpapawid
Na ikaw ang kasing-kahulugan.#

Saturday, December 22, 2007

Beer-dey

Ang makahulugang parang kailan lang.

Kaka-bente singko ko pa lang. Para akong nag-uumpisa pa lang sa buhay. Gusto kong umpisahan ang mga panay sa himutok na hilig ko sa pagsusulat, pagguhit at litrato.

Isang taon na iyon, parang isang malikmata lang. At nasa punto na naman akong parang hinihingi ng panahon na isa-isahin kung anong naging katuturan ng nakaraang taon.

Hah! Gusto kong gawing sentimental ang entri na to, ayoko ng parang comparative analysis ng aking wish-list unang patak ng aking pagka-bente singko hanggang unang patak nang ako’y magbente seis.

Ano kayang kaibhan kung nagpakasal ako nang hindi bente-singko, kundi…trenta? Ano ang naging diprensya?

Marami ding kabaliwang pwedeng gawin ang limantaon. Lumilipad ang oras, lumiligwak ang distansya, lumulutang ang pagmamahal.

Ang bente singko ng buhay ko, totoong masaya, panahon ng pagpapasya.

Panahon ng marami akong nagawang pampersonal na mga bagay-bagay. Panahon ng sari-sari, mumunting pag-uumpisa. Isang nakaraang may makulay na pahina.

Pagpapakasal, pagbabagong-buhay, paglilipat-bahay, tuluy-tuloy na pagdama sa aking, present…

Ngayo’y ako’y a-bente seis. Ayokong isiping, ilang panahon na lang at ako’y talagang matanda na.

Parang umuurong ang aking pantog, nababahag ang buntot sa humaharap na mga taon, ng pagtanda. Na parang hanging darating at aalis.

Hm. Tsk. Oks. Lng. Yan.

Grrr. Brrr. (malamig sa Canada.)

Wednesday, December 19, 2007

Team Canada!

Taken Dec. 15, 2007 Olds, Alberta, Canada

Sunday, December 16, 2007

Buhay may asawa #1


Nalalaloko talaga ang buhay ano? Nagtatanong na nagtatapat na sabi ni Ryan, pinsan ko sa tatay.

Sabi niya, paano nagkaanak nga siya noong Hunyo, hindi naman niya kasama. Nakauwi siya ilang linggo pagkapanganak ng asawa upang pabinyagan ang anak. Ilang libo din daw ang nagastos nila sa binyag na ang nakapunta lang ay nanay niya, kuya saka isa pang kapatid.

Magka-edad kami ni Ryan. Laki silang Tondo at dumadalaw lamang sa aming probinsya kapag nataong walang pasukan o kaya tuwing magpapa-Pasko. Natatandaan ko pa siya at ng kuya niyang si Randy na payat, at may mumunting kagat ng lamok (sa iskwater sila lumaki) sa maraming bahagi ng katawan. Hindi nila maitago ang mga iyon dahil sila’y mapuputi, na tanda rin na sila’y laki sa lunsod.

Hindi kami naging malapit na magpinsan noon dahil sa madalang nilang pagdalaw.

Saka na lang kami nakapagpalagayan nang magkita kami dito sa Canada, sa araw ng libing ng kanilang tatay. Sa mga buwan na bagong salta kami nasa Pilipinas sila ni tita. Nauna pang umuwi ang kanyang ina, at saka siya, ngunit habang nandoon ay nalaman na naming buntis ang kanyang asawa.

Sa pana-panahong pagkikita namin tuwing may pampamilyang okasyon, na madalas ay bertdey ng mga anak sa magkabilang-panig, ay nakakapagkuwentuhan kami lalo na ng ibalita kong balak ko na ring magpakasal.

At iyon na nga. Nang huli kaming magkita ay sa bertdey ng kanyang pamangkin, at bago iyon, ay sa bertdey naman ng aking pamangkin. Nagpapayo siya tungkol sa ma-prosesong paraan ng pagkuha sa asawa. Pagkat siya’y ay magiisan-taon na ding kumukuha sa kanyang asawa, at naging doble na nang mabuntis nga ito't makapanganak.

Noong sa bertdey ng pamangkin ko, habang bumabangka ako sa magic sing, at panabay na umiinom ng aking beer, nagbiro siyang iba talaga ang malayo sa asawa. Pareho kaming natawa, sa aming parehong sitwasyon.

Sa kanya’y mas mabigat ang alalahanin. Ang kanyang asawa, na swerte niyang nasamahan sa halos buong panahon ng kanyang pagbubuntis, at ang kanyang bagong silang na junior ay matagal-tagal na din niyang hinihintay.

Nakukuwento lamang sa kanya na maayos naman ang paglaki ng bata.

Nagsesenti siya noong nakaraan naming pagbisita sa kanila. Iba raw ang Pasko sa atin. Walang-dalawang isip akong sumang-ayon sa kanya. Hindi ko alam kung dala iyon na siya’y malayo sa kanyang mag-ina, o dahil malungkot ang Pasko dito sa ibang bansa, o parehong ganuon.

Iyon pala’y balak niyang magpakasal sila sa simbahan ng kanyang asawa Disyembre ng 2009. Buong pamilya ang nagbabalak na makauwi. Si tita ang nagbalita sa akin, na para na ring pag-imbita.

Ang akin naman, wala pang Pasko na nagkasama kami ng aking mahal. Umalis ako kaagad matapos naming magpakasal. Gusto ko na rin maranasan kung ano ba ang buhay na katabi ang asawa, pagkat halos yata buong buhay namin ng aking mahal ay magkalayo kami. Alam ko na ang buhay na malayo sa asawa, naiinip na akong maranasan ang maging asawa, at sa kalaunan, ay maging tatay.#

Friday, December 14, 2007

Isang pahimakas



Maayos naman ako, wag kang mag-alala

Kung tatanungin mo ako, okey naman. Siguro.
Marami-rami namang nabago sa’ken. Kahit papaano.
Hindi pa rin ako nakakapagsulat ng kuwento.
Pero alam mo kung ano?
Meron saking nabago.
Litrato.

Kasi nahihiya ako.
Hindi naman ako magaling, at para akong tange.
Nagmamagaling kunware.
Kung aling anggulo ang makate
Sa lente ng aking kamera.

Anu-ano naman ang mga pinagkukunan mo?
Kahit anu-ano. Lang. Muna. Sa ngayon.
Pero wag kang mag-alala.
Ang pangarap kong
I-aanggulo

Ay ang kining sa kanilang mga mata
Ang dayukdok nilang pag-asa
Ang magdamag nilang paglikha
Ang munti nilang saya
At kanilang pakikibaka.

Hindi na nga sila makapaghintay, alam ko.
(Paano ko ba sasabihing pasensya muna?)

Saturday, December 08, 2007

White krismas



Si ate ito, na unang makakaranas ng winter sa kanyang tanang-buhay.

Sabi ng mga tao dito sa Canada, "We don't put up decors not until Christmas is 2 or 3 days close...it makes us sick if we have them up way too early."

Sabi ko naman, "Back home, we begin our Christmas, late in September. It just keeps building up and doesn't stop until the kings' day in January."

At sabi nila, "That's crazy."

At sabi ko naman, "Yeah, I know. I guess we are just happy people."

Na totoo. Ang snow dito, hindi mo makakatuwaan, kahit magpa-Pasko.

Marami pa rin ang mas gusto ay hanging magpa-Pasko sa Pilipinas. Me snow man o wala, mas gusto ko pa ring bumalik sa panahong ganito, na ang hatid ng malamig na snow ay pangungulila, at pag-iisa.#

Thursday, November 29, 2007

Baka sakali



Sana lang ay matunaw ng araw na ito sa piktyur ang yelo dito.

Saturday, November 17, 2007

Kapag Pagod si Tatay...


Nakasalampak sa sofa si tatay, pagkagaling sa kanyang trabaho. Para siyang pagod, pagod sa pag-iisip, siguro ng kanyang pagtanda, ng kanyang mga pinagkatandaan.

Sabado ng gabi, isinilang ang isa pang bagong sanggol na lalaki sa aming pamilya. Ang pinakahihintay na anak ng bunso kong kapatid. Natuwa si tatay, pagkat alam niyang sa Pilipinas, magiging malapit na malapit silang mag-lolo, kahit ngayon sila'y magkalayo.

Nagdadamdam siya sa mga apo niya dito sa kabilang dako ng mundo. Wala silang bahid ng pagka-Pinoy, na maski paano, puwede niyang sabihing apo niya sa dugo at kulay ang mga ito. Ang mga mumunti, dilang dayuhan, ay malayo ang agwat sa kanya kahit sila'y magkalapit lang.

Napapangarap ko ang una kong junior. :) Pipilitin kong lumaki siyang malapit sa kanyang pusong Pinoy. Para masaya silang pareho, nasan man sila ng kanyang lolo, magkalapit man o magkalayo.#

Wednesday, October 31, 2007

Pagpupugay

*Kay Ate Let


Matamis ang kanyang ngiti, ang kanyang tawa magaang na parang walang alalahanin.

Magiliw niyang pinapatnubayan ang mga bagong silang sa kanilang durungawan.

Sa hirap at pagod, hindi man siya nakitaan ng pagkahapo, ng pagkagupo. Larawan siya ng isang masayang gerilya.

Wala siyang hininging kapalit sa kanyang pagsisilbi, dahil siguro'y napagsisilbihan din niya anu't anuman, at sa anumang paraan, ang kanyang sariling pakikibaka.

Ano kaya ang nasa isip niya sa huling sandali ng kanyang pakikibaka? Sa huling oras at minuto na siya'y walang dalawang isip na lumalaban?

Sana'y siya'y nakangiti. Pagkat sa kanyang palangiting labi, ay may sari-sari pa palang kulay ang mapulang rebolusyon.#

Sunday, October 21, 2007

Pusong Pauwi



Ang mga hapon, na masarap isipin. May kabiyak at mga anak na naghihintay. Tahanang masaya, ekstra-ordinaryong pamilya. :)

Wednesday, October 10, 2007

My goal...

How to Be a Great Husband
from wikiHow
The most challenging and rewarding things you'll ever do...A woman needs to feel as though she is the love of your life.

1. Tell her you love her when you hang up the phone with her, leave her, and generally as much as possible without being annoying or cheapening the phrase. You never know when your time is up so always remember to make sure she knows how much you love her!

2. Always greet your wife with a hug and kiss that says that you're happy to see her and do the same when you leave her to say you will miss her.

3. Be her greatest supporter. Be someone she knows that she can always count on. Be there for her when she has had a long day. Listen to her with attentive eyes and ears. Back her up "100" percent! Be prepared to talk with her about how she feels, (and, yes, how you feel, too).

4. Talk to her about things that interest you, too - don't worry too much that she'll be bored - she'll be thrilled that you want to share your hobbies with her. If possible, try to find an aspect of your interest that she can join in with (if she doesn't already). The efforts you make to help her enjoy what you enjoy will pay off enormously!

5. Nurture your wife. Little things go a long way! For example, making breakfast, making her coffee/cocoa, giving her back rubs - anything to make her feel comfy and loved. Mutual service promotes mutual respect.

6. Give her space. Let's face it, we can't be face to face 24 hours a day. We all need our alone time, even if it's for just 10 minutes, if you give her that respect, she will do the same for you but on the flipside always make sure you give her enough time alone with you. Most relationships call for at least 2 times a week having a few hours together alone.

7. Understand that your personal relationship, aside from any children, should be more important to you than your other family members, work etc. Treat her as such. If you're worried about looking independent in front of them, then talk with your wife and set clear expectations about what decisions you can make without each other, and what decisions must absolutely be discussed. But also, ask yourself why you feel you should look independent instead of married. It may not be hard to say "Let me talk this over with my other half".

8. Wash the dishes- use the power tools together.

9.Don't show her even the mildest forms of contempt. Contempt is poison in a relationship. You don't have to act like you like what she said or did, but do not take on an attitude of superiority, even subtly in passing, such as momentary smirking, sighs of disgust or eye-rolling.

10. Be honest! Nothing will destroy a relationship faster than dishonesty. Even if its a little lie, or not telling her where you're going, or that you're going at all it really causes disconnection. You both feel it. SO just don't lie. ALWAYS tell her the truth.

Tips

1. When she's upset, listen, listen, listen. Resist the urge to offer advice unless she asks for it, and don't get defensive. Just listen, and show her that you are trying to understand.

2. Husbands and Wives live together but make sure you spend enough time on her turf as you do your own. Make her see that wherever you are you feel like home when you are with her.

3. Women love a home-cooked meal. Find your inner Jacques Pépin.

4. Offer your wife a massage (or foot rub, or back scratch...) when she's had a bad day.

5. PRAISE your wife in public, but if you notice something you'd like to criticise, please FIND a PRIVATE moment.In public make sure everyone around you knows she is your girl!Hold hands whenever possible, kiss, hug, a tap on the butt. To her you are letting everyone know your off the market

6. A nice romantic gesture goes a long way! Even if it's a little love note to start the day. Light some candles, run a hot bath, wash her hair. These are just a few ideas.

7. Be aware that she may not perceive love the SAME way you do. Quality Time, Gifts, Physical Touch, Verbal Affirmation, and Acts of Service are the different "Love Languages" you and your wife might have -- make sure you find out what hers is, and speak her "love language"!

8. Show up at her work or home with just a flower or two this will brighten her day and you will make her feel like she is the most important woman in the world.

Warnings

1. Discuss your values together and make sure that they are compatible before doing something permanent.

2. Discuss your financial dreams together and research and plan to achieve them together.

3. Make sure that you both continue to grow and change; you may drift apart, but you may also become a better and more exciting person with each growth spurt you undergo.

4. Continue spending time with her alone and cherishing her.

5. Make sure you tell her you find her attractive and why. Discuss her strengths.

6. Never sneak around whether it be on your home/cell phones or out in every day life, giving your attentions to another woman. If you'd like an open relationship, discuss it with her first, so she should have part in what she wants for herself; she may agree or disagree!

7. Avoid petty put-downs.

8. Never stop trying to sweep her off her feet.

If your wife is ever missing something in the emotional department, not getting affection, words of love, emotion from you then she may be vulnerable to a man who offers any or all of those things!

Saturday, September 29, 2007

Hello, Canada



Ah, ibang-iba talaga ang umaga dito sa ibang bansa. Iba na ang salubong ng umaga sa Canada.

Kuha ko ito, gamit ang aking camera, sa unang araw ng pagsasarili namin ni tatay, dito sa Canada.

Ang bago naming lugar ay basement na akala ko nung una'y maliit, madilim at dahil basement nga, na tulugan lamang at hindi talagang tirahan. Na siya kong ipinagkamali.

Ang totoo, masaya ako sa itinatakbo ng mga pangyayari. Ikinasal kami ng aking mahal, nagsarili kami ni tatay ng lugar, at kaunting pagsisikap pa at panahon, siguro'y magiging maayos din ang aking *karera. (Pakitignan: The Many Faces of Boracay, The Haven for Tourist, Bulatlat.com)

*Pinaka-madaling trabaho yata ang pagiging potograper. Kahit wala pa akong subok, may ibang himig ang nakikita mo ang ganda ng iyong kuha at kasabay nuon, na naikukuwento mo ng maikli (sa pamamagitan ng caption) ang ibig sabihin ng kuha mo.

Gusto kong maging isang photojournalist. Gusto kong maging isang environmental-photojournalist. Gusto kong maging activist, habang-buhay.


Hindi naging madali ang paglipas ng isang taon, ng ilang taon. Marami-rami ding umaga (karamiha'y panget) ang kailangang harapin.

Mula sa basement, lumalagos sa maliliit na pagitan ng blinds ang sikat ng araw. Ah, dito pala ang direksyon ng pagsikat nito. Kaysarap isipin, dahil masarap maghanda ng almusal, masarap mag-almusal, masarap maglinis. Ang malambing, gintong sikat ng araw.

Kulang na lang si nanay. Kanina'y tinawagan namin siya ni tatay, pagkat kinailangan daw na ipa-tsek up sa doktor dahil sa mag-iisang buwan nang ubo. Umuwi siyang luhaan, sumaya lamang nang muling makita ang mga apo sa Pilipinas at makapunta sa aking kasal. Sa sulat pa nga niya kay tatay, naghihinanakit at hindi na raw gusto pang bumalik dito.

Pero, nag-iiba ang simoy ng hangin. Kanina'y ok na daw siyang makabalik, para naman meron kaming tagaluto, tagasaing, tagalaba ni tatay.

Pero sa tingin ko'y magiging maayos sila ni tatay, kahit sila lamang dalawa. Si tatay, tila ngayon lang ipinapakitang kaya niyang maging nanay, kung noon na nagkataong wala ang nanay. Nakakapagluto, nakakapaghugas, gumigising sa akin kapag kailangang maghanda sa trabaho. Na hindi niya nagagawa noon.

Higit sa lahat, mas pinaninindigan niya ngayong siya'y may naiiwan pang responsibilidad, sa aming bunsong kapatid. Lalo kay nanay (at sa isa pa niyang asawa).

Kaya kanina'y ibinili ko siya ng polo-shirt. Gusto daw niyang bilhin, kaso kulang siya sa pera. Sabi ko, "Ako na 'tay."

Ang bagong lugar na ito, na may hatid na bagong araw kada umaga. Masaya, malaya.#

Tuesday, September 18, 2007

Boracay



Hindi ko inasam na makapunta dito, kung hindi dahil sa "pulot-gata" namin ng aking mahal.

Higit na masarap ang biyahe papunta at pauwi, pagkat parang kinakadkad ang bawat talulot na maghahatid sa amin sa paraisong (demonyo) tinatawag na Boracay. Tatlong sakay, tatlong klase ng sasakyan na inabot lamang ng halos apat na oras ay nakarating na kami sa, kumbaga sa babae, ay mala-porselanang (pagkat makinang nasa malayo pa lang) pasigan ng isla ng Boracay.

Masikip, parang iskwater sa loob, ang mga nagsisiksikang maliliit at malalaking otel at resort na nakapalibot sa Station 1, 2 at 3. Sa gabi, kanya-kanyang paanyaya sila, sa saliw ng buffet, pagkaing seafood, drinks at tugtuging maharot o kaya'y malandi.

Parang nagsasarili ang boracay pagkat narito halos ang lahat ng mga banyagang tao sa mundo. Kahit ang mga Pinoy ay banyaga dahil sila'y hindi naman tagarito, kung hindi dahil sa alok ng trabaho, rangya at alindog ng isla na hindi nila maangkin (dahil wala silang panahon). Sabagay, nariyang naghihintay lamang ang isla sa kanila.

Kami ng mahal ko ay naron para, magpahinga. Sa isang buwang pakikipagtunggali namin sa oras, pagod at pera upang, maging isa.

Kung kami lamang ay masarap mabuhay sandali sa isla. Pero hindi namin katulad ang maraming Pilipino doon, na tagasilbi lamang, ng mga banyaga at ng isla.#

Thursday, August 02, 2007

Biyaheng Pauwi


Kasimbilis lang ng hangin ang panahon. Para pa akong nawawala nung una, ngayo'y ako'y pabalik na.

Hindi ko na kayang tapusin ang isang taon, gusto nang bumalik ng aking mga paa. Mas malalaki na din sila, kaya nang
tawirin ang magkabilang panig ng mundo. Higit lalo ngayong sanay na sanay sila sa hirap, at may alam nang kahit paano
sa buhay.

Bi-biyahe na akong pauwi. Pasalubong ko ay ngiti sa labi.

Ngingitian ko ang mga bagong manong na tindero sa tabi, pagkat wala niyan dito. Silang mababait na tangi lamang gusto
ay, rumaos sa isang araw. Ngingitian ko sila manang, na malambing pa sa lutong-bahay ang ngiting pabalik.

Nakukunsensya din akong sa sarili ko'y alam ko na ang ibig sabihin ng kumportableng buhay. Baka hindi ko na sila mabalikan.
Baka maiwanan ko sila sa aking biyahe. Hindi ko pa masabi.

Pansamantala, ako'y pauwi na. Hindi na ako mag-iisa.

Sunday, July 22, 2007

Wednesday, July 11, 2007

Araw


(Jhong dela Cruz photo, July 7, 2007, Old Mc Donald Lake, Alberta, CA)

Sunday, June 17, 2007

'Tay


Siguro, mahirap ding trabaho ang pagiging tatay.

Si tatay, parang kaibigan ko na ngayon. Parang kabarkada. Ano kayang pakiramdam niya, na marunong na akong tumayo sa sarili kong paa?

Maiging hindi na niya ako kailangan pang asikasuhin. Pero ang mga tatay, katulad ng nanay, siguro'y hindi mapakali sa kahihinatnan ng buhay ng kanilang punla.

Gusto niyang naron siya sa tabi ko sa aking espesyal na araw. Sa araw na iyon, marahil mabubunutan na siya ng tinik. Ah, nakapag-asawa na ang aking anak, ang tangi niyang masasabi.

Ngayo'y hihintayin na lamang niyang makita ang kanyang mga apo. Kanina nga, habang nasa restoran, panay ang asikaso niya sa mga apo kina ate. Father's day iyon, para sa kanya. Pero ang isip niya'y sa mga apo.

Anak kelan ka kaya darating? Huwag kang mag-alala, kakalungin kita kahit malaki ka na. Ang una mong matutunan sa akin ay kung paano ngumiti. Siyempre, eksayted din akong turuan kang maglakad, magsalita.

Natatakot nga akong makita kang madapa, masaktan habang natututo. Pero dahil tatay ako, pagagalitan muna kita. Siyempre galit-galitan lamang naman iyon. Magiging malambing ako sayo pagkaraan.

Hay, ilang taon na lang mag-iisang araw ka na, sa lilim ng iyong magiging nanay. Ilang taon, magsa-siyam na buwan ka na. Kung sana nga'y makikita ko ang bawat mong makita, ang bawat mong madama.

Pero sa ngayon anak, ang unang araw mo sa labas ng mundo, aantayin ko.

Pangako.

Thursday, May 31, 2007

Naaalala...



Masarap ang mga ala-ala, parang malamig na ulan na basta bubuhos na lang hanggang malunod ka sa lungkot, sa saya.

Pero masarap ang mga ala-ala, siguro'y kapag ayaw mo nang ngumiti, nakakakiliting ala-ala lamang ang makakapangiti sa'yo.

Masayang mga ala-ala, ng nasa bahay lang. Ng pauwi...

Ang ala-ala ng biyahe...

Maraming ala-ala ng pag-iisa, siyempre...

Yun ang pinakamasakit na mga ala-ala. Na ika'y mag-isa.

Ang iyak ng aking mga tsinelas, sa damuhan sa UP. O dyip na patungong Rotonda...

Ang mainam na yakap ng tubao sa init o lamig....

Ang layo ng nararating ng samyo ng aroma ng kape...

Ah, ala-ala. Masaya.

Tuesday, May 29, 2007

Saturday, May 12, 2007

Sunday, May 06, 2007

Bakpak

Simula nang matuto akong maging tibak, natutunan ko na ding mamuhay sa maliit kong bakpak.

Parang simbolo iyon na isa na akong bagong tao. Kasabay ng ilan ding pagbabago pa sa sarili: nahilig magsuot ng tubao kahit wala namang rali, magsuot ng lontang sira na (levis), tsinelas na sira din, manipis na t-shirt, saka siyempre, bakpak.

Para akong mamumundok anumang oras.

May masarap na pakiramdam ang laging diskusyon, saanman, kahit sa rali. Masarap ang mag-usap tungkol sa personal at panlipunang pulitika. Masarap ang mag-isip tungkol sa simpleng pamumuhay.

May masarap na pakiramdam ang gabi-gabing pag-aayos ng laman ng bakpak. Ng paulit-ulit na pagtutupi ng mga damit, ng pagsisinsin ng mga babasahin, ng pagtatabi ng mga importanteng panlinis ng katawan, sa loob ng bakpak.

Kaya't pag nakita ka ng mundo'y, iisa ang tingin sa'yo ng lahat. Isa kang tibak. Ganito ka mag-isip, kaya't ganyan ka, manamit. Ganito ka ka-tapang, kaya't ganyan ang istayl mo. Bulok.

Wala ka namang gustong patunayan, hindi ka rin naman naghahamon ng debate. May lugar ang mga bagay-bagay sa mundo. Gaya ng mga maliliit, importanteng bagay at gamit sa loob ng bakpak mo. Nakasilid sa dapat nilang pagsidlan.

Kaya't kapag nilabas mo sila isa-isa, ang gusto mo lang sabihin,

"Gusto ko ng simpleng buhay, kaya ako ganito. Lahat tayo ganun ang gusto. Ang diprensya nga lang, ang gusto ko'y unahin muna ang sa mga wala. Kaya't hindi madali. Malay mo, sa ibang pagkakataon, mauna ka pa sa'kin ng ilang hakbang.

Pero sa ngayon, hayaan mo muna akong mamuhay ng ganito. Hindi madali, pero ito ang aking pinili."

Wednesday, April 25, 2007

Pinas 2006






Mendiola











La Union








Quezon City










Bay area






Quiapo











Bohol

Friday, April 20, 2007

Munting Pintig


Justin. Kuha mula sa telepono, Marso 2007.

Hindi na ako makahintay na madinig ko sa bibig ng aking magiging anak, "Tatay!"

Alam niya kayang bahagi siya ng aking present?

Kung kaya ako halos mamatay sa snow araw-araw, ay para sa kanyang magiging nanay, at sa kanya?

Kung kaya ako napupuyat sa gabi, pagkauwi sa trabaho, ay dahil bumubuo ako ng pantasya ng aming magiging pamilya?

Na kahit wala pa siya'y dama ko na sa ngayon na karugtong siya ng pintig ng aking puso?

Magiging mabuti akong tatay, anak. Masayang mabuhay sa mundo, anak, ngunit maghanda ka. Ang nanay at tatay ay nandito para sa'yo, at marahan ka naming hinihintay...#

Saturday, April 07, 2007

Isang Buwan Matapos




Gumaganda na rin ang paglubog ng araw dito sa kabilang bintana ng daigdig.

Sa katunayan, alas nuwebe na ng hapon ay lumulubog pa lamang ang araw. Malamig pa rin siyempre, pero masarap masinagan ng papalubog na araw.

Na laging nagpapaalala, tapos na naman ang isang araw sa buhay mo. Ano bang nagawa mo't hindi nagawa upang sumulong ng konti pag-ikot ulit ng mundo?

Ah, walang oras na pag-isipan iyon. Pagkat pagod ka't tuyo ang isip mo, sa maghapong pagpapakapagod. Kaya't kahit manibalang, masarap na tumameme lang, sa papalubog na araw. Ngumiti, ngumalay, dahil ilang saglit pa, uuwi ka na rin.

Doon sa tinatawag mong pansamantalang tahanan. Kung saan saglit kang magpapahinga.

Kapag nagigising ako ng maagang maaga dahil kailangan kong pumasok, tila pareho lamang ang sikat ng papagising na araw at ang papalubog. Makalat na sigabo, magkaagaw na pula at dilaw, abuhing daigdig. Gusto mong tumingalang ang nakikita ay kisame ng bahay pagkat nakatihaya, at nagpapahinga.

Pero hindi, gising ka na't nakapagkape. Antayin mo na lamang na humapon hanggang makatulog habang gabi.#

Monday, March 12, 2007

Paninibago



Nung minsan pagkatapos manuod ng sine, naisip kong makapaglakad pauwi. Ilang metro din ang layo, kilometro pa nga yata, pero ayos lang dahil may sunset.

May sunset, pero sa aking paa, ay mga yelo. Sa paligid ko ay puting yelo at malamig na mahalumigmig na hangin ang kaulayaw ko.

Nakakapanibago, pagkat dati sa Maynila, madami akong kasabay. Hindi ko sila kilala, pero masarap pag-isipan kung ano ang nasa kanilang isip sa mga oras na yun. Ah, malamang naghahanap din sila ng panahong pag-isipan ang buhay..

Malayo kung tutuusin ang bayan mula sa bahay, pero ang kagila-gilalas ay kung paano tumitilamsik ang sinag ng araw masagi ng mga nakahambalang na kahoy, sasakyan, poste ng kuryente..

Magkasing katulad ng sunset dito at sa Maynila, o sa Pilipinas...nakakapagpa-iyak. Malayo na nga ako sa Pilipinas..

Ang tanging kakampi ko sa sandaling iyon ay ang araw, na papalubog din isang sandali pa.

Thursday, February 22, 2007

Pocketbook Project (Intro)

May isang bahagi sa sarili niya na gustong baguhin ng lahat ng tao. May kakaiba sa kanya na umaakit sa kanila at kumportable siya sa kaibhang iyon. Papauwi siya galing ng Maynila at tila gusto niyang maiyak. Kapag bumibiyahe siya'y nakakadama siya ng lungkot, ngunit tinitiyak niyang masaya naman ang kanyang naiwanan. Hindi siya nawala nang tuluyan kundi, tila nagbakasyon lang.

Humahagulgol na siya maya-maya at nagmumura. Sinisipa ang upuan sa harap niya. "Put-ang ina...put--ang ina..." Maraming nangyari bago siya umalis at hindi niya maisa-isa pa. Hindi niya alam ang dadatnan sa kanyang pupuntahan ngunit mas handa siyang harapin ito kaysa sa kanyang naiwan.

Magmamadaling-araw, ayon sa sigabo ng kalat-kalat na sinag ng araw. Hindi na siya nakatulog buhat sa Maynila. Si Milena ang babaeng gusto niyang sumalubong sa kanya pagkatapos ng biyahe, ngunit wala ang babae sa pupuntahan. Hindi bale na, naisip niya, maghihintay ang panahon kung siya'y talagang para sa kanya.


itutuloy.

Sunday, February 11, 2007

Hindi ko maintindihan ang sarili ko nitong mga nakaraang araw.

Paikot-ikot sa utak ko ang ganito: There’s more to life…there’s more to life…

Kesa sa aking present. Hindi ako sanay sa rutinaryong buhay. Nasasawa din naman ako sa panay na walang ginagawa. Hindi ko maipirmi ang sarili ko.

Pero, totoong there’s more to life. Kaya mahirap ang tumatanda, dahil kailangang magplano ng bawat oras. Ngunit hindi sarili ang nagdidikta ng kahihinatnan sa bandang huli.

Tinititigan ka ng mata sa mata ng buong mundo: Ika’y isa din lamang nilalang na walag pinagkaiba sa lahat. Mamumuhay kang parang bulag, dahil kumbinsido ka na sa dapat mong kapulutan.

Mamumuhay kang de-kuwerdas ng oras. May signature ang bawat mong gamit. Ilang buwan lang ay magkaka-kotse ka na. At magkakabahay. Kumportable ang iyong buhay.

There’s more to this fucking life. I’m restless and I’m feeling tired getting so, old. I wish this part of my time will soon pass away, fade away. I want to wake up on the day when I could sense life itself. Or make sense of it, at least.

Wednesday, January 31, 2007

Haywey


Gaano ba kasimple ang buhay dati?

Naalala kong umuuwi akong may hawak-hawak na supot ng coke at inihaw na mais, kahit maalikabok ang daan. Enjoy ako, lalo kapag tag-init at ma-trapik. Ang mga mukha ng mga taong pagod sa biyahe, nakasilip sa akin na inggit na inggit.

Inggit silang pagmasdan mula sa bus o sa dyip na may isang taong naglalakad lang at tila alang pakialam sa init at alikabok. Ang daan na yun, halos 30 metro ang layo mula palengke hanggang sa krus-na-kalye, na tagpuan ng mga biyahero mula norte patungong Maynila.

Maraming maliliit na tindahan na nagsara na, dahil lalakihan daw ang lapad ng kalye. Makitid kasi ito kung tutuusin, kasya lang ang isa’t kalahating sasakyan. Tama, ang isa’y kalahati lamang dahil ang kalahati nito ay nakatagilid at halos mahulog na. Ito ang pangunahing daan sa munting lunsod.

Inabot ng isang taong nagtitiis ang mga tao, lalo ang mga biyahero, sa nilalagareng daan. Kapag nagsisikip na ang trapik dito, parang parada naman ng mga taong bumababa para maglakad na lang. Sayang ang limampisong pamasahe!

Sa maliit naming bayan, maraming maraming maraming traysikel. Pagta-traysikel ang pinakabatayang trabaho dito, lalo ng mga nagbibinatang ayaw nang mag-aral, o mga tatay na hindi naman nakapag-aral. Ang traysikel din ang nagsisilbing, ‘kotse’ ng mga pamilya. Gamit sa araw-araw na pamamalengke, panunood ng sine, pamamasyal sa beach.

Sa katunayan, dalawang henerasyon sa pamilya namin ang nagta-traysikel. Dalawang tito, at si tatay, ang nagtraysikel. Si tatay, huminto nang maging kabo sa jueteng. Si uncle Eddie ay bumibiyahe pa rin, maging nuong pumalaot ang tita Lourdes, at hindi na nagbalik pa, sampung taon na ang lumipas. Si uncle Od naman, ay hindi na nagdadalas bumiyahe, matapos na magpunta sa Japan si Mailyn, malapit kong pinsan.

Ikalawang henerasyon ang bunso naming kapatid at isa ko pang pinsan, si Onyor. Si Iyong kapatid ko, binigyan ng pagkakataong makapaghanapbuhay ng mga ate sa pamamagitan ng traysikel, ngunit dalawang taon lang ata nagtraysikel, huminto dahil sa kapabayaan. Iyon na lang ang tangi niya sanang sandalan, kung natuto lamang siya.

Ako, kuntento na akong maglakad lang. Hah! Simpleng simple lang ang kaligayahan. Uulitin ko pa rin yun, ang kaibhan nga lang ay tiyak na wala na ang alikabuking daan. Ang maganda'y naroon pa rin ang trapik, at mga tindero ng mais sa daan.#

Thursday, January 25, 2007

Excerpt from Stabilo's song Rain Awhile
------------------
And I want my pain back
And I want the world to see
There’s nothing you can choose
Nothing you can lose
Except your free will to be...

So believe in yourself
Don’t wait for ground to break
Wait for ground

It's ok to feel alone
It's ok to feel not strong
Once in a while


'Cause I keep telling myself what to feel
I play make believe until it's real
Oh most of the time
Because time was never too friendly to me
Somehow change just avoided to greet me
No, oh completely
And so when reality's taken its toll
Just pretend that you are not in control
Oh complacency
And so no

It's okay feel alone
It's okay to feel not strong
Oh once in a while

Wednesday, January 17, 2007


Mahal Kita Ng Higit Pa sa Buhay Ko
Gusto kitang batiin mahal ko Sa ispesyal nating araw At sa maraming-marami pang araw Na ganito tayo kasaya;Magkalayo't magkalapit Dumalaw at humupa ang bagyo Lumabo man ang paningin IKAW-At wala nang iba pa-Ang Tangi Kong Mamahalin

Sunday, January 14, 2007

Korning entri

Minsan gusto mo sana ibang klase ng buhay ang meron ka.

Sana wala akong internet connection, dahil nauubos ang oras ko sa walang saysay na pag su-surf.

Pero nito lang, sinusubukang kong mag-sketch. Pero hindi lagi, siyempre kapag may ibang tao kang iisipin, o conscious ka na hindi mo pag-aari ang mundo, medyo may pag-aalangan kang ituluy-tuloy hanggang matapos.

Kasi sa sketch, kailangang dun lang ang oras mo, talaga. Kailangan kasing makita mo alin ang kailangang diliman, o diinan o alin ang may bahagyang anino.

Ang nakakatuwa, lumilipad ang isip mo habang nagsketch. Nakatalalang parang nakaduyan lang. Lumilipad din ang oras nang ‘di mo napapansin.

Minsan, gusto ko ding umiyak. Dahil hindi ko masarili ang kalayaan ko. Kaya mas gusto kong lumalabas, kasi sa labas, wala namang nakakakilala sa’yo.

Puwede mong gawin ang lahat ng gusto mong gawin, puwera lang ang maging, mas masaya nang konti, sana kung may kaibigan kang kakuwentuhan tungkol sa buhay.

Saka uuwi kayo, pagkatapos ng lakad, kanya-kanya na muna ng buhay.

Hindi ko tuloy alam, kung masaya, ba yung may sarili kang mundo.

Pero ang totoo, malungkot ngang mag-isa. Masarap ang may sariling kalayaan, pero malungkot pa rin sa pagtatapos ng araw.

Ang pakiramdam, kapag nakahiga, at nakatitig sa kisame, sana matapos na ang araw. Kapag kinabukasan na naman, sana matapos na ang araw na ito.

Para dumating na yung araw, na may makakasama na akong, yung hinding-hindi ako iiwan. Yung maghihintay sa akin at hihintayin ko tuwing may lakad, yung hindi magsasawa sa akin.

Gustung gusto kong dumating yung oras na, nasa matter-of-death ang problema niya, at, ako yung unang taong gusto niyang tumulong.

Ah, kailangan ko ng totoong kaibigan, kung hindi, mababaliw na ako talaga. Masarap mag-isa, pero kung lagi, nakakarindi.

Mahirap nga talagang humanap ng kaibigan no? Yung puwede mong kau-kausap, yung maiintindihan ka, yung parang walang pakialam sa kumplikado mong buhay pero kapag nasa bingit ka, o kailangan mong uminom, hinding hinding hindi siya hihindi sa’yo.

Hay, siguro yung ibang nagbabasa nito, iniisip na, ambabaw ko naman. Na mas madaming puwedeng problemahin sa mundo.

E ano naman? Siguro nga, e mababaw lang naman ang pangangailangan ko, ang may makasama sa kalokohan, etc.

Hala! Bente-singko na ako, pero parang hindi pa ako nagma-mature. Sa totoo lang, hindi ko yata kayang ganun-ganun na lang ako magma-mature.

Mahirap kayang maging seryoso, nakow! Nakakabaliw. Parang kang tangang nagpapaka-engot sa buhay.

Sana, sana. Bago ako tumandang tumanda, makahanap ako ng bestfriend talaga, yung pang habambuhay na bestfriend.

Siguro nga, hindi naman mahirap humanap ng kaibigan. Ang talagang mahirap, yung humanap ng ideyal sa'yong makakaibigan. O pareho. Haha :)

Hindi ba, okey yun? Haha, ang korni ng entry na ‘to. Hindi ko nga pinag-isipan mabuti, dahil ayoko munang mag-isip, gusto ko lang magsulat tungkol sa isip ko.

Mabuti na lang, nakakasulat ako. Aha! Siguro, ang pagsusulat, ang kasing-katulad ng bestfriend…

Okay, sobrang korni na neto. (Buntung-hininga)..

O, e di okey na ako, next time ulit :)

Tuesday, January 09, 2007

Tula para kay Gloria

O U S T.
Sabi ko na nga ba't
'Di ka mapagkakatiwalaan
Pangalan mo pa lang
Ulam na
Ng mga buwaya,
Ganid na imperyalista.

Pero hayan ka't nagdiriwang
Sa peke mong pangalan
Pagkat ika'y presidente ika mo
Eh kung bumaba ka kaya
Sa iyong puno?
Ah, hindi.
Higit ka pa
Sa kapit-tuko.


Takot kang sa iyong pagbaba
Malusaw kang parang kandila
Sa apoy na nalikha
Ng muhing bayan.

Sunday, January 07, 2007

Drowing Pad


Na-miss ko bigla ang pag-sketch. Nakahiligan ko ito dati pa, ngunit dahil alang gamit, alang oras, ngayon ko lang muling nasubukan. Si Justin ito, pamangkin ko.

Nami-miss ko din magsulat ng mga entring pam-blog, pang-senti. Ngayon, hindi ako makapagsulat. Mas nakaka-engganyo ang mag-sketch. Mas nakaka-relaks sa pag-iisip.

Nag-se-serf din ako sa internet, kung paano ang charcoal sketching. Isang ka-trabaho din ang nagpayo sa akin, unang gawin ay gumuhit ng awtlayn para sa mukha. Bilugan, oblong o parihaba depende sa mukhang iguguhit. Saka gumuhit ng mas manipis na oblong para sa mata, isa pa para sa bibig. Mula taas, gumuhit naman ng oblong sa gitna, pababa, para sa ilong.

Tignang maigi kung nasaan ang madidilim na parte ng referens, yun ang iguhit at hindi ang mga linya. Ang mga bahaging nasisinagan o nakukublihan ng liwanag, yun ang bigyan ng higit na pansin. Kung saan nanggagaling ang liwanag, yun ang gawing punto-de-bista.

Sa internet naman, iguhit ang ulo kung saan ito naka-kiling. Gawing mas malaki ito kesa sa nakikita. Saka gumuhit ng malaking T, saka krus sa gitnang bahagi ng T, at isa pang mas maliit na krus. Ang itaas ang magsisilbing di-markasyon o kilay, sa pagitan ng noo at mata. Ang dalawang maliit na krus ang magsisilbing ilong at bibig.

Unang iguhit ang mata, ang puti ng mata ay hindi puti. Ang itim na bilog ay hindi rin panay na itim. May maliit na kudlit, o tala, sa gitna ng mata. Ang talang ito ang palatandaan ng saya, o lungkot. Unti-unting nawawala daw ang talang ito sa isang taong naka-durog.

Ang itim, ang abuhin, ang puti, iyon ang lilikha ng sketch. Meron kayang salitang Filipino sa sketch? O sketching? O sketches?

Nami-miss ko tuloy ang magsulat.#

Wednesday, January 03, 2007

Keh-na-duh




Kuha sa telepono, Setyembre, 2006. Gaya ng halumigmig na sumalubong sa aming pagdating, kahit sa malayo ay mukhang yelo na ang tanawing ito. Magandang bansa ang Canada.