Sunday, January 14, 2007

Korning entri

Minsan gusto mo sana ibang klase ng buhay ang meron ka.

Sana wala akong internet connection, dahil nauubos ang oras ko sa walang saysay na pag su-surf.

Pero nito lang, sinusubukang kong mag-sketch. Pero hindi lagi, siyempre kapag may ibang tao kang iisipin, o conscious ka na hindi mo pag-aari ang mundo, medyo may pag-aalangan kang ituluy-tuloy hanggang matapos.

Kasi sa sketch, kailangang dun lang ang oras mo, talaga. Kailangan kasing makita mo alin ang kailangang diliman, o diinan o alin ang may bahagyang anino.

Ang nakakatuwa, lumilipad ang isip mo habang nagsketch. Nakatalalang parang nakaduyan lang. Lumilipad din ang oras nang ‘di mo napapansin.

Minsan, gusto ko ding umiyak. Dahil hindi ko masarili ang kalayaan ko. Kaya mas gusto kong lumalabas, kasi sa labas, wala namang nakakakilala sa’yo.

Puwede mong gawin ang lahat ng gusto mong gawin, puwera lang ang maging, mas masaya nang konti, sana kung may kaibigan kang kakuwentuhan tungkol sa buhay.

Saka uuwi kayo, pagkatapos ng lakad, kanya-kanya na muna ng buhay.

Hindi ko tuloy alam, kung masaya, ba yung may sarili kang mundo.

Pero ang totoo, malungkot ngang mag-isa. Masarap ang may sariling kalayaan, pero malungkot pa rin sa pagtatapos ng araw.

Ang pakiramdam, kapag nakahiga, at nakatitig sa kisame, sana matapos na ang araw. Kapag kinabukasan na naman, sana matapos na ang araw na ito.

Para dumating na yung araw, na may makakasama na akong, yung hinding-hindi ako iiwan. Yung maghihintay sa akin at hihintayin ko tuwing may lakad, yung hindi magsasawa sa akin.

Gustung gusto kong dumating yung oras na, nasa matter-of-death ang problema niya, at, ako yung unang taong gusto niyang tumulong.

Ah, kailangan ko ng totoong kaibigan, kung hindi, mababaliw na ako talaga. Masarap mag-isa, pero kung lagi, nakakarindi.

Mahirap nga talagang humanap ng kaibigan no? Yung puwede mong kau-kausap, yung maiintindihan ka, yung parang walang pakialam sa kumplikado mong buhay pero kapag nasa bingit ka, o kailangan mong uminom, hinding hinding hindi siya hihindi sa’yo.

Hay, siguro yung ibang nagbabasa nito, iniisip na, ambabaw ko naman. Na mas madaming puwedeng problemahin sa mundo.

E ano naman? Siguro nga, e mababaw lang naman ang pangangailangan ko, ang may makasama sa kalokohan, etc.

Hala! Bente-singko na ako, pero parang hindi pa ako nagma-mature. Sa totoo lang, hindi ko yata kayang ganun-ganun na lang ako magma-mature.

Mahirap kayang maging seryoso, nakow! Nakakabaliw. Parang kang tangang nagpapaka-engot sa buhay.

Sana, sana. Bago ako tumandang tumanda, makahanap ako ng bestfriend talaga, yung pang habambuhay na bestfriend.

Siguro nga, hindi naman mahirap humanap ng kaibigan. Ang talagang mahirap, yung humanap ng ideyal sa'yong makakaibigan. O pareho. Haha :)

Hindi ba, okey yun? Haha, ang korni ng entry na ‘to. Hindi ko nga pinag-isipan mabuti, dahil ayoko munang mag-isip, gusto ko lang magsulat tungkol sa isip ko.

Mabuti na lang, nakakasulat ako. Aha! Siguro, ang pagsusulat, ang kasing-katulad ng bestfriend…

Okay, sobrang korni na neto. (Buntung-hininga)..

O, e di okey na ako, next time ulit :)

No comments: