Sunday, December 23, 2007

Ikaw

Gusto kong sabihing, mahal kita nang buong buhay ko…at ikaw ang nakakapagpangiti sa akin.
Para kang tala na tinatanaw ko sa aking bintana; hindi ako namamalikmata
Sa aking pag-alala. Pagkat ikaw ri’y nakatingin
Sa paslit kong damdamin.
‘Di na ako iibig nang katulad ng ganito.
Pagkat mayron nang kakambal ang bulong sa aking puso
Sabik ito sa impit na hagikgikan, habang lumilipad sa loob ng kumot
Ang kiliti, ang mga kuwento, ang malalambing mong
Pagsuyo.
Lagi kitang inaalala nasaan mang panig ako
Isang kudlit sa malawak na himpapawid
Na ikaw ang kasing-kahulugan.#

1 comment:

Anonymous said...

ang sweet naman...tenk yu po =)

(pasingit..CINDY: pano naman ako Norman? hikhik)