Monday, March 12, 2007
Paninibago
Nung minsan pagkatapos manuod ng sine, naisip kong makapaglakad pauwi. Ilang metro din ang layo, kilometro pa nga yata, pero ayos lang dahil may sunset.
May sunset, pero sa aking paa, ay mga yelo. Sa paligid ko ay puting yelo at malamig na mahalumigmig na hangin ang kaulayaw ko.
Nakakapanibago, pagkat dati sa Maynila, madami akong kasabay. Hindi ko sila kilala, pero masarap pag-isipan kung ano ang nasa kanilang isip sa mga oras na yun. Ah, malamang naghahanap din sila ng panahong pag-isipan ang buhay..
Malayo kung tutuusin ang bayan mula sa bahay, pero ang kagila-gilalas ay kung paano tumitilamsik ang sinag ng araw masagi ng mga nakahambalang na kahoy, sasakyan, poste ng kuryente..
Magkasing katulad ng sunset dito at sa Maynila, o sa Pilipinas...nakakapagpa-iyak. Malayo na nga ako sa Pilipinas..
Ang tanging kakampi ko sa sandaling iyon ay ang araw, na papalubog din isang sandali pa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment