Ang makahulugang parang kailan lang.
Kaka-bente singko ko pa lang. Para akong nag-uumpisa pa lang sa buhay. Gusto kong umpisahan ang mga panay sa himutok na hilig ko sa pagsusulat, pagguhit at litrato.
Isang taon na iyon, parang isang malikmata lang. At nasa punto na naman akong parang hinihingi ng panahon na isa-isahin kung anong naging katuturan ng nakaraang taon.
Hah! Gusto kong gawing sentimental ang entri na to, ayoko ng parang comparative analysis ng aking wish-list unang patak ng aking pagka-bente singko hanggang unang patak nang ako’y magbente seis.
Ano kayang kaibhan kung nagpakasal ako nang hindi bente-singko, kundi…trenta? Ano ang naging diprensya?
Marami ding kabaliwang pwedeng gawin ang limantaon. Lumilipad ang oras, lumiligwak ang distansya, lumulutang ang pagmamahal.
Ang bente singko ng buhay ko, totoong masaya, panahon ng pagpapasya.
Panahon ng marami akong nagawang pampersonal na mga bagay-bagay. Panahon ng sari-sari, mumunting pag-uumpisa. Isang nakaraang may makulay na pahina.
Pagpapakasal, pagbabagong-buhay, paglilipat-bahay, tuluy-tuloy na pagdama sa aking, present…
Ngayo’y ako’y a-bente seis. Ayokong isiping, ilang panahon na lang at ako’y talagang matanda na.
Parang umuurong ang aking pantog, nababahag ang buntot sa humaharap na mga taon, ng pagtanda. Na parang hanging darating at aalis.
Hm. Tsk. Oks. Lng. Yan.
Grrr. Brrr. (malamig sa Canada.)
No comments:
Post a Comment