Friday, April 20, 2007

Munting Pintig


Justin. Kuha mula sa telepono, Marso 2007.

Hindi na ako makahintay na madinig ko sa bibig ng aking magiging anak, "Tatay!"

Alam niya kayang bahagi siya ng aking present?

Kung kaya ako halos mamatay sa snow araw-araw, ay para sa kanyang magiging nanay, at sa kanya?

Kung kaya ako napupuyat sa gabi, pagkauwi sa trabaho, ay dahil bumubuo ako ng pantasya ng aming magiging pamilya?

Na kahit wala pa siya'y dama ko na sa ngayon na karugtong siya ng pintig ng aking puso?

Magiging mabuti akong tatay, anak. Masayang mabuhay sa mundo, anak, ngunit maghanda ka. Ang nanay at tatay ay nandito para sa'yo, at marahan ka naming hinihintay...#

1 comment:

Anonymous said...

uhaaaaaaaaaa! uhaaaaaaaaaa!

ilan ba gusto mo? isa lang? bakit sumagi sa isip mo yan ngayon?

talagang maghintay ka dahil ako ang master...haha!

be gentle sa akin =)

helo kay norman..pakisabi behave sya..hehe