Saturday, November 17, 2007

Kapag Pagod si Tatay...


Nakasalampak sa sofa si tatay, pagkagaling sa kanyang trabaho. Para siyang pagod, pagod sa pag-iisip, siguro ng kanyang pagtanda, ng kanyang mga pinagkatandaan.

Sabado ng gabi, isinilang ang isa pang bagong sanggol na lalaki sa aming pamilya. Ang pinakahihintay na anak ng bunso kong kapatid. Natuwa si tatay, pagkat alam niyang sa Pilipinas, magiging malapit na malapit silang mag-lolo, kahit ngayon sila'y magkalayo.

Nagdadamdam siya sa mga apo niya dito sa kabilang dako ng mundo. Wala silang bahid ng pagka-Pinoy, na maski paano, puwede niyang sabihing apo niya sa dugo at kulay ang mga ito. Ang mga mumunti, dilang dayuhan, ay malayo ang agwat sa kanya kahit sila'y magkalapit lang.

Napapangarap ko ang una kong junior. :) Pipilitin kong lumaki siyang malapit sa kanyang pusong Pinoy. Para masaya silang pareho, nasan man sila ng kanyang lolo, magkalapit man o magkalayo.#

No comments: