Sunday, January 07, 2007

Drowing Pad


Na-miss ko bigla ang pag-sketch. Nakahiligan ko ito dati pa, ngunit dahil alang gamit, alang oras, ngayon ko lang muling nasubukan. Si Justin ito, pamangkin ko.

Nami-miss ko din magsulat ng mga entring pam-blog, pang-senti. Ngayon, hindi ako makapagsulat. Mas nakaka-engganyo ang mag-sketch. Mas nakaka-relaks sa pag-iisip.

Nag-se-serf din ako sa internet, kung paano ang charcoal sketching. Isang ka-trabaho din ang nagpayo sa akin, unang gawin ay gumuhit ng awtlayn para sa mukha. Bilugan, oblong o parihaba depende sa mukhang iguguhit. Saka gumuhit ng mas manipis na oblong para sa mata, isa pa para sa bibig. Mula taas, gumuhit naman ng oblong sa gitna, pababa, para sa ilong.

Tignang maigi kung nasaan ang madidilim na parte ng referens, yun ang iguhit at hindi ang mga linya. Ang mga bahaging nasisinagan o nakukublihan ng liwanag, yun ang bigyan ng higit na pansin. Kung saan nanggagaling ang liwanag, yun ang gawing punto-de-bista.

Sa internet naman, iguhit ang ulo kung saan ito naka-kiling. Gawing mas malaki ito kesa sa nakikita. Saka gumuhit ng malaking T, saka krus sa gitnang bahagi ng T, at isa pang mas maliit na krus. Ang itaas ang magsisilbing di-markasyon o kilay, sa pagitan ng noo at mata. Ang dalawang maliit na krus ang magsisilbing ilong at bibig.

Unang iguhit ang mata, ang puti ng mata ay hindi puti. Ang itim na bilog ay hindi rin panay na itim. May maliit na kudlit, o tala, sa gitna ng mata. Ang talang ito ang palatandaan ng saya, o lungkot. Unti-unting nawawala daw ang talang ito sa isang taong naka-durog.

Ang itim, ang abuhin, ang puti, iyon ang lilikha ng sketch. Meron kayang salitang Filipino sa sketch? O sketching? O sketches?

Nami-miss ko tuloy ang magsulat.#

No comments: