*Kay Ate Let
Matamis ang kanyang ngiti, ang kanyang tawa magaang na parang walang alalahanin.
Magiliw niyang pinapatnubayan ang mga bagong silang sa kanilang durungawan.
Sa hirap at pagod, hindi man siya nakitaan ng pagkahapo, ng pagkagupo. Larawan siya ng isang masayang gerilya.
Wala siyang hininging kapalit sa kanyang pagsisilbi, dahil siguro'y napagsisilbihan din niya anu't anuman, at sa anumang paraan, ang kanyang sariling pakikibaka.
Ano kaya ang nasa isip niya sa huling sandali ng kanyang pakikibaka? Sa huling oras at minuto na siya'y walang dalawang isip na lumalaban?
Sana'y siya'y nakangiti. Pagkat sa kanyang palangiting labi, ay may sari-sari pa palang kulay ang mapulang rebolusyon.#
No comments:
Post a Comment