Monday, December 25, 2006

buy a stabilo cd now, get yourself a rockin chair, open your beer and let the world shut up for a moment. let the songs, not the beer, drown you all over. >> link: http://www.stabilomusic.com/

Sunday, December 24, 2006

Hala! Bente-singko na ako!



Sa edad na kuwarenta daw nagsisimula ang buhay para sa lalaki. Ngunit ako, sa edad na bente-singko.

Gusto ko nang makapagsulat, gusto ko nang mag-sketch. Gusto ko nang sumubok ng isports. Gusto kong mag-invest sa property. Gusto ko nang mag-asawa. Gusto ko nang, magka-anak.

Paano kaya ang maging edad-bente-singko? Parang nasa kalagitnaan ka ng mundo. Nasa kalagitnaan ka ng iyong panahon. Nasa kalagitnaan ng iyong pagsasarili.Nasa gitna ng mga kontradiksyon.

Nasa gitna ka ng lahat ng pwersang nagpapaikot sa nagisnan mong mundo. Ang kailangan mo’y pumili bilang panandang-bato ng iyong pagiging bente-singko.

Hindi ka na nila tatawaging totoy pa rin, pagkat bente-singko ka na’t may karanasan na rin sa buhay. Marunong ka na rin nang kaunti, kahit papunta ka pa lang doon.

Kinakabahan ka tuloy, baka dahil sa sabik kang makita ang kahihinatnan mo’y malimutan mong, may oras pa. May panahon pa ng pag-iisip, maraming-marami.

Hindi maghihintay ang edad-medya, kahit alam mong nasa tabi-tabi lamang siya.

Ang importante, gusto mo ang dama ng iyong bagong panahon. Hindi ka na mag-iisa, pagkat kasama mo ang sarili mo, ngayon at kinabukasan.

Ang regalo ko sa sarili, hindi pagmamadali.

Pagkat gusto kong makita ang sigabo ng kalat-kalat na araw sa umaga, habang ako’y nag-uunat mula sa pamamahinga.

Ito ang simula ng bente-singko ng buhay ko.#

Sunday, December 17, 2006

May Isang Babae sa Lunsod

ni Jhong dela Cruz

(Writer's note: Ngayo'y ibinabahagi ko sa inyo ang isa sa mga pagtatangka kong muling makapagsulat. Balak kong makapgsulat ng isang maikling kuwento bawat buwan at mailathala dito. Salamat at masayang pagbabasa.)


Siguro'y hindi niya alam ang pupuntahan, o paano ito puntahan, kaya't palinga-linga siyang tila nawawala, isang matinis na araw sa kahabaan ng kalye Espanya.

No. 4 Sisa St., Espanya, Manila. ang palantandaan ng bahay ay berdeng gate at ang mismong tahanan ay bungad ng pasikot na looban. Magtanong siya kung kailangan, lalo kung abutan siya ng hapon. Babala na karaniwan sa isang bagong salta, mag-ingat sa lunsod.

Ang lunsod sa kanyang paningin ay mas mabait kaysa sa kuwento ng mga bumalik sa kanilang baryo. Niknik ng tao, sala-salabid ang daan, ang hulas ng sasakyan ay tila 'di mapatid na linya ng langgam. Mabaho ang daan, bahain, may dumi ng asong nagkalat sa maraming kanto at ang polusyon ng hangin. Ngunit iba ang dating sa kanya ng Maynila. Isa itong bagong paraiso kumpara sa payak na buhay sa baryo.

Ang kanyang pag-alis ay hindi bago sa kanilang lugar. Sa totoo lang, kilala ang kanilang lugar sa dami ng mga kababaihan at kalalakihang lumuluwas upang magtrabaho bilang kargador, katulong, sales girl, promo girl, at may kilala din siyang pumasok na sa prostitusyon.

Tiyak na hindi siya ang pinakahuli. Na'ron pa sa Minda, ang kababata niya na nagbabalak ding umalis at napangakuan niyang tutulungan oras na maiayos ang buhay sa Maynila.

Namimitig na ang kanyang kalamnan sa likod, sa batok at sa piye. Hawak niya ang isang sobre na naglalaman ng address ng bahay kung saan siya mangangatulong. Lukot pa iyon buhat nang magkapaalaman sa kanyang pamilyang iiwanan. Kahit memoryado niya'y gusto niyang makatiyak.

II.
Gusto na niyang layasan ang pagiging alila kina Mrs. Mijabr, ang bumbay na amo. Sukang-suka na siya, lalo na ang kanyang punong tainga, sa pagluluto ng mga maanghang na pagkain. At magmula nang dumating siya'y hindi pa siya nasusuwelduhan, lumipas ang limang buwan.

Alibugha ang kanyang among babae. Mausisa sa bawat gawin niya, inuungkat maging gawa-gawang kuwento o mga personal niyang lakad. Pinagdududahan ang paglapit-lapit sa kanya ng kanyang mister na talaga namang kaduda-duda, sa agwat pa lang ng kanilang edad na halos beynte.

Naaaliw siya samantala, sa palabirong mga anak ng kanyang amo. Kapwa mabibilog ang kanilang mga mata, kapwa may biloy at kapwa din makapal ang alun-along buhok. Masayahin ang mga bata. Kahit laging nasisigawan ng kanilang tunay na ina'y nakukuha pa ring masayang palipasin ang maghapon kasama siya.

Inihahatid niya sa iskwela ang panganay na walong taong gulang at ang kanyang ama ang sumusundo. Siya at among babae ang abalang naghahanda ng hapunan, upang pagdating ng dalawa'y kakain ang buong pamilya saka magpapahinga. Ngunit siya'y saka pa lamang makakakain matapos na mahugasan ang lahat ng kailangang hugasan mula platito hanggang pinaglutuan. Saka siya kakain ng pagkaing karaniwa'y tira.

Sabagay ayaw niya din naman ang pagkaing bumbay kahit lumipas na ang buwan na pare-parehong putahe ang kinakain ng pamilyang pinagsisilbihan.

III.
Inuuntag siya ni Nindong, matador sa palengkeng madalas niyang puntahan pagkatapos maihatid sa iskwela ang panganay na anak ng kanyang amo.

Sagutin na daw siya pagkat limang buwan na itong nanliligaw ngunit ni meryenda sa labas ay hindi ito mapa-oo. "Dahil ligaw-palengke ang alam mo!" ang lagi niyang isinisagot dito. Natuto na siya kahit paano ng buhay sa lunsod. Ayaw niya ng ligaw na dinadaan sa tawaran. Ayaw niyang isiping mababa na nga siya'y ganun pa rin sa larangan ng pakikipagmabutihan.

Niyayaya siya nitong mamasyal sila at kumain sa labas. Mag-out of town sa Baguio, Tagaytay o sa malapit n beach. O kahit magsimba na lang. Ngunit lagi siyang humihindi.

May isang araw na namalengke siya't muli siyang niyaya ni Nindong na magsimba sila. Kailangan daw niyang magpahinga naman, dahil tila wala itong day-off man lang. Sinabi niyang wala siyang perang magagamit kung lalabas sila. At mahigpit ang kanyang amo.

Subukan daw niya, pagkat birthday ni Nindong at sana'y mapagbigyan siya kahit man lang sa araw na yun. "Titignan ko pero 'di ako mangangako," sabi niya sa lalaking nangakong maghihintay sa isang kitaan.

Dumating ang Linggo ngunit hindi siya nakarating. Ayaw pumayag ng kanyang amo, pagkat araw daw iyon na naroon ang buong pamilya at kailangang nandun siya.

Sumunod na namalengke siya'y wala silang imikan ni Nindong. Ganundin nang sumunod pang araw. Hanggang iba na ang nagtinda sa kanya sa sumunod pang araw.

IV.
Martes ang araw ng kuhaan ng basura sa kalyeng iyon ng Maynila kaya't Lunes ng gabi pa lang ay inilalabas na niya ito.

Kung ilang araw na ring umuulan, laging nangungulimlim ang langit kahit sa gabi. Nagkalat sa estero ang mga basura, may mga asong laging nangangalkal sa mga ito, pala-alsa naman ang iba pang maliliit na dumi't nabubulok na materyal sa bahang nalilikha ng ulan.

Mabaho ang estero, mabaho ang mala-kumunoy na amoy na nanggagaling sa kaloob-looban ng tulad ng bahaging ito ng Maynila.

Sa ulanan niya inilabas ang mga basura. Hindi pa siya nakakalapit dito'y nagdilim ang kanyang paningin sa makapal, matipunong kamay na tumakip sa kanyang mukha, lumingkis sa kanyang mga bewang. Namamalisbis ang sasakyan.

Sinasakmal siya, nararamdaman niya ang bigat ng lalaki sa ibabaw niya. Nakatakip sa kanyang mata ang isang panyo, nakagapos ang kanyang mga kamay. May busal din ang kanyang bibig. Masakit sa likuran na nakasandig siya nang alangan sa malamig, sementadong dingding. Nakahubad siya't tila nalalapnos ang kanyang puwitan sa paulit-ulit na ginagawa ng lalaki.

Nalalasahan niya ang dugo ng kanyang dila sa busal sa pagtatangka niyang sumigaw. Napapaluha siya sa hindi niya maunawaang sakit, napapaigtad siya't sumisipa ang kanyang paa.

Dinadaluhong siya ng lalaki. Garalgal na ito't pagod sa paulit-ulit na ginagawa. Nang maramdamang siya'y nagkamalay ay mas mahigpit ang pagsakmal nito sa kanyang leeg. Kumaripas ang kamay sa mga bahagi ng maselang katawan ng babae. Nalalapnos ang bahaging iyon ng kanyang balat, dahil ngayo'y mas mabilis na dinadaluhong siya ng lalaki. Hanggang ito'y makaraos.

V.
Umaandap-andap ang ilaw sa paroo't parito ng matabang mukha ng doktor sa kailaliman ng gabi sa isang himpilan ng pulis sa Tondo.

Gusto niyang itanong sa doktor kung paano siya nakarating dito, pagkat makislot ang kanyang ala-ala. Magbaba siya ng tingin at nakikita niya ang kanyang mga sugat. Hindi matakpan ang mga iyon ng magulong ayos ng kanyang damit. Hindi siya umiiyak, ngunit panay ang labas ng sipon sa kanyang ilong.

Pinapahiga siya ng doktor, pilit tinitiyak na anuman ang gawin nito ay hindi siya masasaktan. May padaan-daang pulis sa labas ng maliit na klinik.

Natapos ang eksamen, saka siya binigyan ng pangunang-lunas sa kanyang mga sugat.

Nakatakas ba siya? Hindi niya alam. Ngunit naalala niyang pumapara siya ng mga sasakyan sa kahabaan ng C4. Bahagya siyang makalakad sa iniindang mga sakit sa katawan at mga tinamong galos. Nakikita niyang nakalugmok sa tulog ang ilang bata, o pamilya sa kalsadang iyon. Lugmok na tulad niya sa salaulang lunsod.

Hanggang lumuhod siya't tanging kamay na lamang ang bahagyang kumakaway sa lahat ng mapadaan. Nasisilaw siya sa mga sasakyan. Tila ito flash ng kamera na mabilis na nagpapakita ng nangyari.

Dumating ang mga nagpapatrolyang pulis at sumunod na kinunan siya ng statement sa himpilan at inalalayan sa kalapit na klinik upang ipatingin.

Dalawa hanggang tatlong araw pa bago lumabas ang resulta, habang nagsampa na ng kaso ang pulisya upang simulang hanapin ang gumawa noon sa kanya.

Gusto niyang umidlip. O uminom muna ng tubig bago umidlip. Pakiramdam niya'y noon lamang siya nauhaw nang sobra, sa pinakamahaba ring gabi ng kanyang tanang buhay.

VI.
Walong-libo't limandaan. Sahod niya sa anim na buwan nang pagpapa-alila kina Mrs. Mijabr.

Isa-isa niyang tinitiklop ang mga 'di naman gaanong nagamit na damit. Isinisilid niya sa maleta ang ilang bago-bagong piraso na galing sa kanyang amo. Mga ala-ala ng kanyang mga alaga. Samantala, maayos din niyang iiwan ang kuwarto, na pinagkasya lamang sa ilalim ng hagdan.

Isang linggo matapos ang nangyari sa kanya'y pinapaalis na siya ng kanyang mga amo. Alam niyang ayaw ng among lalaki ngunit mapilit lamang ang babae. Noong isang gabi'y naririnig niya silang nagtatalo. Malas umano ang babaeng napagsamantalahan ayon sa kanilang kultura. Walang magawa ang amo niyang lalaki pagkat maging siya'y tauhan lang din sa bahay na yun.

Dama niyang siya'y nakalaya, matapos ang limang buwan ng pagpapa-alila. Malilimutan din siya ng mga musmos pang alaga, pero siya'y hindi sa kanila. Marami siyang ibinilin sa panganay, na alagaan ang kapatid at maging matuwid sa aral. Piliting hindi muna makapangasawa, dahil sa maagang edad ay ipinareha na ng kanyang mga magulang sa kasosyo nila sa negosyo.

Ni hindi siya nalungkot sa pag-alis sa lugar na iyon. Ang mas malaking mundo ng Maynila ang hanap ngayon ng kanyang paa.

VII.
Walang gasinong tao sa terminal ng bus sa Cubao, maghahating-gabi ng Martes. Yakap-yakap niya ang lahat ng naipong gamit buhat nang lumuwas siya sa Maynila.

Nakangiti siya'ng nakatulala, pagkat unang beses siyang nakapamasyal kanina bago tuluyang nagpunta sa terminal. Namasyal siya sa Luneta at Manila Bay, kumain sa isang fast food sa Kalye Kalaw.

Bagong simoy ng hangin, na malaya niyang sinarili. Masigla ang kanyang lakad mula Kalaw hanggang maupo sa isang banda sa palibot ng lawa sa Luneta. Ah, masarap ikuyakoy ang mga paa, habang palinga-linga sa buong paligid. Magkakasintahan ang nakita niyang naroon, magkakapareha na may iisang tagpuan. May pami-pamilya at may tulad niyang nag-iisa lang.

Magaang ang kanyang pakiramdam, hanggang mapagmasdan ang paglubog ng araw sa daungan ng Maynila. Naluha siya, pagkat ngayon lamang niya naunawaan ang ilang bagay tungkol sa sarili. Na siya'y nag-iisang tumitindig sa kagubatan ng lunsod at siya'y lumaya.

Magiliw din ang lambong ng araw sa probinsya, sa isip niya. Alam niyang siya'y magbabalik sa kanilang bayan, nang walang pakialam kung siya ba'y nagtagumpay o hindi. Pagka't kahit paano'y naranasan niya ang ibang klase ng buhay kahit iyo'y 'di pangkaraniwan sa karanasan ng tulad niyang nanggaling sa nayon.

Malambing din naman ang paglubog ng araw sa kanyang bayan. Banayad ang hangin, at kumikislap na ginto ang dagat ng aanihing palay.

Doon niya sisimulan ang bagong buhay.

VIII.
Ang ngalan ng batang lalaki ay Manuel, siya ang ikalawang Manuel sa kanyang pamilya.

Ngunit siya'y naiiba sa unang Manuel na pangalan ng kanyang lolo. Matangos ang kanyang ilong, bilugin ang malalim na mga mata, alun-alon ang buhok at kayumanggi ang kanyang balat. Sa edad na trese ay kakatapos lamang sa elementarya at ngayo'y sa Maynila na magpapatuloy ng aral.

Dala siya ng kanyang ina sa biyahe. Humihilig siya sa kanyang balikat na parang sanggol ulit. Ayaw niyang iniiwan siya ng kanyang ina, maging sa CR tuwing humihinto ang bus.

Ang palikuran sa kanilang baryo, may tapis ng ginayak na kawayan at ang bubong ay pawid. Ngunit ang liguan ay sa ilog o kaya sa batis na inipon sa dike kung saan nakasuksok ang tubo ng kawayan---mga gawang-kamay ng kalalakihan sa kanilang baryo. Puwede ang sabay-sabay na paliligo nilang mga bata.

Ngayon, takot siyang mag-isa. Pinaghihintay niya sa labas ang kanyang ina, at binibilisan niya ang pag-ihi. Ngunit nang sumunod na paghinto ng bus, bumaba sila't muling umuhi, hindi niya nakita agad ang nanay paglabas. Namumula ang nangingitim niyang pisngi pagkat gustung-gusto na niya umiyak. Hindi siya umalis sa kanyang kinatayuan. Hanggang makita niya ang kanyang inang may bitbit na softdrink at nilagang saging.

Nangiti siya't tumakbo na tila sila'y papauwi.

IX.
Ang gusaling 3M ay matao, nakasagad sa maliit na tulay na nagpapakilala sa Quiapo. 3M na ang ibig sabihin ay Mijabr Mini-mart.

Kanina pa inip na inip si Manuel habang hinihintay ang kanyang ina na ngayo'y nakikipag-usap sa guwardiya kung maaari siyang papasukin sa opisina ng may-ari. Ayaw pumayag ng guwardiya, wala umano siyang appointment sa kanilang amo. Itinuturo siya ng kanyang ina, na kanyang sinamantala upang agad na pumasok sa opisina ng may-ari.

Lumipas ang ilang sandali at lumabas ang isang bumbay at kanyang ina. Hindi niya naunawaan ang sinabi ng lalaki, ngunit mahigpit ang hawak nito sa munti niyang mga kamay. Litong mukha ang nakikita niya sa kanyang harapan. Idinikit nito sa kanyang mukha ang kamay ng batang lalaki. Tila sila'y pinagbiyak na bunga at ang agwat lamang ay ilang taon.

Ngayo'y bitbit siyang papasok sa opisina, kasunod ang kanyang nanay. Nalilingunan niya sa likod ang inang nakangiti. Dala-dala ng guwardiya ang kanilang gamit.

Sa loob ng opisina, naratnan niya ang iba pang kahawig niya. Sing-kulay niya't sing-bilog ng kanyang mga mata. Dalawang batang babae kasama ng kanilang ina. Nakangiti sila lahat maliban sa ina, na nakamata lamang sa kanya at parang maiiyak.

Tila sila isang buong pamilya at siya ang bunso, ang hindi lamang kasali ay kanyang sariling ina.

X.
Nadidinig pa niya ang mahinay na yapak pababa, huminto sa tapat ng pinto ng kuwartong iyon na ipinagkasya lamang sa ilalim ng hagdan.

Pabulong na tinatawag ang kanyang pangalan, "Luella? Luella?" sa boses na tila kinakabahan. Nagtakip siya ng manipis na suot pantulog at pinagbuksan ang kanyang amo.

Nagpaubaya siya, sa masikip na kuwartong iyon sa ilalim ng hagdan. Naghahagilap siya ng dahilan ngunit walang maapuhap...ang tangi niyang naiisip ay alam niyang walang mangyayari sa isinampang kaso ng pulisya sa panghahalay sa kanya ilang gabi na ang nakakaraan, alam niyang matatabunan lamang iyon sa kangkungan ng mga krimen sa lunsod.

Magiliw siyang itinatahan ng papalubog na araw. Hindi niya mapigilang umiyak habang nasa bus papauwi.

Nakikita niya saan man siya tumingin ang mukha ng kanyang anak. Tama ba ang naging pasya niya? Magkikita sila ni Manuel, buwanan siyang dadalaw upang matingnan kung okey ba ang anak. Mahusay ding magsulat ang anak, anuman ang mangyari ay magkukuwento ito sa mga nangyayari sa kanya.

Lalo sa mga unang gabi na kapwa silang hirap makatulog sa kakaisip sa isa't isa.#

Tuesday, December 12, 2006

Untitled

Ganun pala kapag awang-awa ka sa sarili mo. Nakikisabay sa agos ng luha mo ang lahat ng nakatagong pagod at sakit, saka ka hihikbi nang pigil na pigil. Hanggang mag-umaga.

Mabuti pa nga sigurong mag-isa ka na lang muna sa mundo. Gusto mong tignan ang mundo nang diretso sa mata mula ngayon.

Marami silang umaagaw ng atensyon mo, mga problemang tinatanggap mo na lang. Hindi ka humihindi pagkat sobrang bait mo. Gusto mo lang naman ng masayang mundo, pero hindi ganun kadali. Mahirap pa sa inakala mo na basta tanggapin na lang.

Ngayon mo lamang nadama na puro hagupit ka ng mga bagyong nagdaan. At masakit, pero kailangan mong tumayo higit kaninuman, para sa sarili mo.

Nakikita mong nasa isang sulok ka lang ng mundo, at sila'y nakatitig sa'yo. Gusto mo ng pansamantalang espasyo. Kung sana'y madali lamang ang pagtakas, pero iyon ang lagi mong ginagawa. Ngayo'y kailangan mo silang titigan nang mata sa mata dahil eto ka. Eto ka lang, kung hindi mo sila mapasaya dahil sa'yong mga pagkukulang, pasensya na, pero 'eto ka lang.

At doon ka magsisimula, para sa iyong sarili. Hihingi ka ng pasensya pero hindi dahil marami kang hindi kayang gawin o pagkukulang, ngunit dahil hanggan doon lamang ang kaya mong gawin. Kung meron pa'y malugod mong iaalay sa kanila ang natitira pa, bakit hindi?

Pero para sa iyong sarili, sige hinga ka lang. Kailangan mo ding huminga, bakit ba?

Sa gayon ka higit na magiging malaya, at totoo, at masaya. Hanggang umaga.#

Saturday, December 09, 2006



Upang kahit paano'y hindi ka mag-isa, kasama mo ang hangin, araw, alon at tala...

Wednesday, December 06, 2006

RHB entry #2

Paikot-ikot nang ikot nang ikot ang mundo hanggang ika'y maidlip sa walang-hanggan.

Pero sa totoo lang, inis ka sa tuwing mangyayari yun pagkat gusto mo pang pagmasdan ang mundo---sa mata ng isang lasing. Ang hagod ng hangin sa mga dahon, ang ingay na nagagawa nuon, ang sigaw ng maliwanag na headlights ng mga sasakyan, ang senti ng kausap mo, pansin mong malinaw na malinaw ang ang kanyang mukha sa ilalim ng buwan.

Ah, masarap huminga ng malalim. Ayan,nasesenti ka na tuloy.

May mga bagay kang ayaw nang mabalikan, may mga bagay kang gustong maulit ulit, mayroon namang gustung-gusto mo nang makita, tulad ng anak o pamilyang masaya. Nangingiti ka, dahil alam mong kasing-gulo ng naghambalang na mga basyo ng bote o nagkalat na tirang pulutan, ang iyong present. Ganun talaga, ang tangi mo lang masasabi, tungkol sa buhay.

Gusto mo ang hangin sa labas. Gusto mong naaabala ang iyong mga mata sa ibang tao. Gusto mong ibaling ang iyong senti. Pinipilit mong maging dramatiko ang bawat mong makita, parang MTV o kaya naman eksena sa telesine. Maglalakad-lakad ka, at aaktong normal ang lahat.

Ilang tao ba ang lasing ngayon at nagsesenti din tungkol sa pag-ibig? (ano pa nga ba). Masarap din balikan ang mga pagsisimula at pagtatapos ng bawat isa mong pag-ibig. Mangingiti ka na lang sa mga kumplikasyong pinagdaanan mo at kung gaano ka kasaya (o kalungkot) at dumating ka sa punto ngayon na inaalala mo na lamang sila.

Hindi ko masisisi ang ilan na gusto lamang uminom para kunwari, mawala ang hinanakit sa pag-ibig. Kung may mas madaling paraan lamang para sa isang manginginom kaysa alak. Gaya ng pagsusulat.

Sa dulo ng isang araw, gusto mo ring uminom dahil pakiramdam mo'y pagod na pagod ka. Nakakapagod ang paulit-ulit mong ginagawa. Nananakit ang iyong mga kalamnan, mahapdi ang iyong sikmura sa gutom at lupaypay ang buo mong kaluluwa, sa pagod. Sa atin sa Pinas, masarap ang may inuuwiang pamilya. Salu-salo kung anuman ang magkasya sa hapag. Saka isang litro ng coke, ayos na tayo.

Ang ibang pagod at walang inuuwian kundi sarili, parang nauubusan ng lakas pag-uwi. Gusto lang kumain saka mahiga, ang iba'y gusto na lang humiga hanggang-hanggang.

Ang iba, sinasagad ang araw sa pag-inom kahit isang bote ng beer. Hanggang sila'y makatulog sa hilo at lungkot.#

Monday, November 27, 2006

RHB entry #1

Parang nalulunod ka sa lungkot na inilulutang sa saya. Naka-drugs kang parang hindi. Tila gusto mong magwala, itapon sa kadulu-duluhan ng mundo ang lahat, ang sarili mo pati. Maiiyak ka, marahil sa sobrang lungkot o saya, sa iyong kababawan. Pero higit sa lahat, sa ganitong state yata higit na naging malaya ka sa isip at kaluluwa.

Sabi ni Gelen*, sobra daw ako sa toma. Mapag-aya, o madaling maaya, o kaya naman nandadaya para lang makatagay.

Depensa ko naman, hindi ako lasenggero. Gusto kong uminom pero hindi araw-araw. Iinom kung kelan nasa mood. Kung may usapan, at hindi ako ang aareglo sa pantoma, sige lang ako. Kung kailangang pumatak, papatak kahit singko.

Usapin ng pera ang dispusisyon ko sa pag-inom. Nung nasa Maynila pa ako't salat na salat ang pera, madalang akong tomoma. Kapag trip lang, pampadulas. Pampamanhid sa kabaliwan ng buhay. Hindi naman pagtakas, lalo kung hindi naman madalas.

Ayoko ng inom sa bar, o disco dahil maingay, at binibilang mo ang boteng kaya ng bulsa mo. Kung mag-uusap kayo'y sigawan. Walang consistency ang ilaw. Madalas malikot, madilim at mapanlinlang sa totoong dama ng kausap. At, mahirap kausap ang cellphone ng kung ilang oras din, habang nag-aapuhap ng mapag-uusapan. Sa kumustahan, at kuwentuhan sa kung anu-anong nangyari kamakailan lang, hanggang dito lang ang nararating ng usapan.

Mas gusto ko ng toma na sa bahay lang, o habang nanunood ng senting pelikula. Mas gusto ko ng inom habang naliligo sa beach o pool. Mas gusto kong uminom ng mag-isa. Mas sanay akong uminom sa bote mismo at hindi sa baso. Tila unti-unting pagkilala sa ispiritu ng beer, habang unti-unti ring humahalo sa'yo ang kalasingan.

May inom kami ni Jopes na sa tindahan lang. Dalawang beses iyon minsan na buryung na buryong kami sa bahay. Maalinsangan at masarap magpalamig sa labas. Alala ko pa nung unang inom namin sa isang tindahan sa Krus na Ligas dahil in-indian kami ni Agatha. Yun pala'y naipit ito sa isa pang inuman bago sa oras ng aming usapan.

Alala ko din yun pagkat duda kami sa anawnsment niya nung gabing iyon, na sila na ng kanyang sinta ngayon. :)

Higit na natatandaan ang mga tomang may komedi. Marami noon nung nasa UP pa ako habang tumatanda kasama ng nagisnang barkada. May naglulupasay sa hagdan, may gustong umakyat sa rebulto ni Bonifacio, may nagda-dive sa mesa, may humihiga sa kalsada, may halatang nanananching at marami pang kakyemehan na sa inom lamang nailalabas.

At siyempre. Ala-ala ng mga inumang nagpapaiyak. (Part two yan)

RHB ang paborito kong inumin. Swabe sa lalamunan lalo kung malamig. Manlalaban ka sa mabilis na pagkalasing. Nakakadalawa lamang ako't lumilikwad na ang aking bituka. May sariling hilo ding nilalabanan ang mga tuhod. Makatatlo ka'y iikot na ang iyong mata sa antok at kalasingan.

Ito ang state na ayaw na ayaw ko sa inuman. Kaya't gusto ko ng inom na may pinagkakaabalahan. Hindi rin epektib sa akin ang pagkanta o videoke, pagkat pumapangit ang boses habang sinasagad ang inom.

Talagang nakakasuka ang pagsusuka. Parang metro mo iyon na tanda ng iyong limitasyon. Hindi alam nila Gelen, ngunit dalawang bote lamang ng red horse ay nasusuka na ako't pilit na pilit ang pag-aktong normal at wala pang tama. Alin sa dalawa, magaling akong uminom o magaling akong umarte.

Pinakamasarap laging inuman kapag si tatay ang ka-one-on-one ko. Tatay at anak, maski paano'y seryoso ang pag-uusap at may pagka-heart-to-heart. Siguro'y kay tatay ko namana ang hilig sa beer.

Pero siya, mapili sa inumin. Gusto pa yung stateside. O basta inuming de-klase kahit hindi siya sanay dito wala siyang dalawang-isip na inumin.

Ah, pag-inom. Nung nakaraan lang, bahagi ng summary ko ng mga gusto kong gawin sa buhay ang uminom ng paborito kong beer---kasabay ng mga simpleng pangarap na magsulat, maggitara, mamuhay sa beach, magbiyahe...

Masama bang gustuhin ang isang simpleng bagay lang? Ang matandang manunulat ngang si Nick Joaquin, kaulayaw ang kanyang paboritong beer habang pinapanawan ng sariling ispiritu.#

Tagay ito kay Kuya, na tiyak na umiinom ngayong araw na kanyang kaarawan.

Friday, November 24, 2006

Oyayi para kay Nanay


Kung babalik lang ang mga taon, kung puwede lang hilahin pabalik ang panahon, siguro'y ginawa ko na.

Mga panahon kung saan higit na nadama ni ina ang saysay niya sa mundong ito. Ang papel ng isang karaniwang nanay na buong puso niyang sinarili hanggang bawat isa sa kanyang mga anak ay magkayapak at kusang maghanap ng kanilang mga pugad.

Siguro'y isa-isa niya kaming tinititigan kapag nakahiga kaming parang hinilerang lumpiya dati sa pagtulog. Siguro'y iniisip niya kung magiging ano kami paglaki. O paano kami kinabukasan kung walang maisalang sa hapag-kaninan. O magpasalamat dahil dumating kaming lahat sa buhay niya.

Tinatapik-tapik niya ang sa may bandang puwitan ko, para lamang makatulog. Minsan may kahalo pa iyong kanta. Kung sa ilang paslit kailangan niyang gawin iyon, hanggang sa siya ang pinakahuling mahimbing. Siya rin ang mauunang magigising kinabukasan, para asikasuhin ang mga ate. Si tatay ang pinakahuli, buhat sa pagtatraysikel sa nakaraang madaling-araw.

Kung ano ang tira sa nakaraang gabi, siya niyang ihahanda sa umagahan. Madalas, tuyo na may kamatis, o pritong itlog at pan de sal, at sinangag. Higit sa lahat, may mainit na kape sa dambuhalang tasa para sa lahat.

Si nanay ang kamay na bakal sa bahay. Namamalo at nanghahabol ng pamalo. Makirot ang kanyang kurot. Basta siya ang bosing sa bahay, hindi si tatay.

Binabaha kami parati pagsapit ng tag-ulan. Doble-doble ang hirap nuon para sa kanya. Kailangang iakyat ang lutuan, ang mga pagkakainan, ang pansamantalang palikuran, kung maaaring ang buong banggerahan ay kaya niyang buhatin siguro'y gagawin niya. At ang kanyang mga halaman, kailangang maiwan at mababad sa baha. Basta't lahat kami ay ligtas na nakasampa sa aming munting dampa hanggang humupa ang baha.

Kapag ganitong umuulan at kahit ang elementarya's binabaha rin, lumalakad siya upang sunduin ako. Malakas ang hangin at ulan, ngunit nasa labas siya ng aming kuwarto hinihintay na matapos ang klase. Kung swerteng masalubong si tatay ay makakalibre kami ng sakay pauwi. Kundi ay lusong kami sa baha, ulanan at malamig na haplit ng hangin hanggang bahay.

Siguro'y ipinagmamalaki din niya ako kahit paano. Sa buong panahon ko sa elementarya at hayskul ay lagi siyang umaakyat sa stage upang magsabit ng medalya. Mas sa kanya ang karangalan at hindi sa akin. Nakakatawa, si tatay ang umaangkin sa minana ko daw na talino niya.

May panahon ding nagloko si tatay. Mabigat na dinala iyon ni nanay. Doon ko natatandaang nagsimula siyang maging sumpungin o magagalitin. Dinadaan sa sigarilyo o beer ang dinadalang hinanakit.

Ngunit noon din siya nagpasyang kumayod nang siya lamang upang itaguyod kami. Nagtinda siya ng balut, katu-katulong ang dalawang ate. Minsan ako ang nagbabantay, dalawang puwesto sa harapan ng botika sa bayan. Pagkat paslit ay nahihiya pa akong gawin ito, na baka makita ako ng mga kaklase at maharap sa tukso.

Hindi ko tuloy matandaan kung paano kami nagkikita kapag umaga na. Darating siya ng madaling araw na, sila ate ang mag-aasikaso sa agahan, at kami naman ay diretso iskwela. Habang lumalaki kami'y naiiwan siyang mag-isa sa pagtitinda. Ang mga ate ay may kanya-kanyang trabaho upang iraos ang pagkokolehiyo. Hanggang lumuwas sila sa ibang bansa at nahinto ang pagtitinda ni nanay.

Lumipas ang mga taon at pati kami'y nasa bansa ngayon.

Sabi niya'y di tulad ng dati, hindi na siya makangiti tuwing umaga. wala siyang halamanang tinutubigan pagkagising. Wala siyang katsismisan sa maliit naming patio dahil hindi uso ang tsismisan dito. Higit sa lahat hindi na niya iniintindi ang aming bunsong kapatid. Ngunit makakapagtiis siya, hanggang dumating ang panahon ng pagbabalik. Narito ang lahat ng kanyang kailangan, mas magaan kung tutuusin ang buhay dito, ngunit wala dito ang mga kailangan niya upang madamang buhay siya sa araw-araw.

Ipapasyal ko si nanay bukas, sa araw ng sweldo ko, kahit hindi siya mamalikmata sa bago niyang makikita.#

Tungkol sa buhay, ano pa nga ba?

Siguro, maraming maraming oras ang nasasayang ng mga tao sa pag-iisip tungkol sa buhay.

Ako, maupo lang ako sa bus, tumutulay na sa isip ko ang kasalukuyan kong buhay. Uminom lang ako ng kape sumasabay sa halimuyak ng caffeine ang mga pinagdaanan ko. Manood lang ako ng korning pelikula nagsesenti ako sa buhay. Lalo pa kapag nakakainom ako ng paborito kong beer (rhb, koda o daglit sa red horse beer).

Kapag nataon na may masayang pag-uusap, yung tipong tila nadadama mo lahat ng senses sa katawan mo, napapaisip ka sa buhay. Ako, medyo alangan akong sumobra sa mga sasabihin, may konting editing pa. Minsan naman kapag ganun kasarap ang usapan, nawawalan ako ng pakialam sa nangyayari sa paligid at parang flash ng kamera, nakikita ko ang bawat eksena ng buhay ko.

Kanina, nagsusumbong ang pamangkin kong lalaki. "Im having a bad dream," humihikbi pa siya. Tinanong ko kung gusto bang nasa kuwarto niya ako hanggang makatulog siya. Um-oo naman. May malamlam, mapag-ala-alang lights na meron siya sa kanyang kuwarto.

Habang nakahiga sa tabi niya, naalala ko ang kaparehong mga ilaw na ganuon. Ilaw ng gasera, ang makislot na ilaw na nabubuhay lamang sa mga bahay na walang kuryente.

Sa dulang, nagsasalo kami nuon nila nanay at tatay, buong pamilya dahil wala pa kaming kuryente. Napapamura ako ngayon dahil wala akong mahagilap na malinaw na ala-ala tungkol diyan, pero tiyak kong minsan tulad ng dati, kumakain kami ng buong pamilya sa harap ng gasera. Ang mga ate, ang kuya, ako, si bunso at sila nanay at tatay.

Ngayon, may kanya-kanya na kaming buhay. Ako, tulad ng dalawa ko pang ate, pilit lumilikha ng sariling buhay.

Nagdadamdam si nanay, dahil si Ate Vina, ang pangatlong panganay na anak, ay nasa ibang probinsya dito sa Canada at tila wala nang balak bumalik pa dito sa Red Deer. Gusto ng unang dalawang panganay na ate, na sana andito kasama namin siya nila tatay at nanay, na bagong salta lamang. Para daw makapagsarili kami, makabili ng bahay o anuman. Sa akin, gustuhin ko man na andito siya, may sarili siyang buhay na kailangan niyang pagpasyahan. Naiinggit tuloy ako sa mga puti minsan, pagkat kusa silang umaalis sa kanlungan ng tahanan pagsapit ng 18 taon, habang tayo'y magkapamilya na't magkasariling apo'y sama-sama pa rin sa iisang bahay.
Paano na nga ba sila nanay at tatay ngayong may tinatahak nang mga sariling buhay ang kanilang mga anak? Alin na ngang pahina ang sunod nilang dapat puntahan? Ah, babalik at babalik sila sa pusod ng luma, munti naming tahanan.

Babalik din naman kami isang araw sa tahanang iyon. Kaming lahat, magulo, maingay ngunit masaya. Masayang-masaya sa mga pinili naming buhay. At pagdating ng panahon na iyon, sila nanay at tatay naman ang mapapaisip ng buod ng pinili nilang buhay...mangingiti sila.

Naiisip kong magsarili na, 2 buwan matapos kaming lumuwas dito. Sabi ko sa girlfriend ko nung isang araw sa email, "I'm happy about myself, gusto ko lang maging simple alam mo un. Kilala mo naman ako diba? kung isusummarize ko lang ang sarili ko that would be: 1. laid back 2. simple 3.anti-social 4.deviant 5.carefree 6.malapit sa maliliit na tao. pagdating sa pagmamahal, i am 1. loyal 2.mapagtiis 3.thoughtful 4.committed. pagdating sa mga gusto kong gawin sa buhay 1.magsulat (my part of reb) 2.maggitara 3.kumanta 4.mag-beach 5.magkape 6.uminom ng beer 7. manuod ng movie.pagdating sa pamilya ko, i can be caring but i can take them forgranted and just mind myself (but most of the time, hindi ko sila matiis) at the same time."

Ang punto, ito ako at ito ang buhay ko, ngayon. Malungkot ang pansamantalang pagkakalayo ng mga pamilya sa totoo lang. Ibang usapin din naman kapag nanay ang nahiwalay upang makapagtrabaho lamang sa ibang bansa, o maski tatay. Ngunit kapag anak ang humiwalay (mag-aral sa malayo, maghanap ng trabaho sa Maynila, mag-OFW muna, mag-seaman etc.) marahil iyon na ang simula ng kanyang pagpalaot.

Kung sa sarili kong anak, siguro magdadamdam din ako. Ilang taon mong kapiling, umiyak sayo't humilig sa balikat mo pagka't siya'y natututo sa sariling mga problema, ngayo'y aalis upang hanapin ang sariling buhay.

Naalala ko tuloy ang linyang "ang anak ay hindi mo anak, siya'y anak ng panahon etc." sa pelikulang dekada sitenta. Siguro nga'y masakit na masakit na tanggapin iyon ng isang magulang. Ngunit dahil ako'y isa pa lamang anak, magpapasya ako batay sa gusto kong kahinatnan ng sarili kong buhay sampung taon mula ngayon.

Ah, buhay. Ang mahalaga'y buhay pa ako't humihinga. Gusto ko lang madamang buhay nga ako't nakakapagpasya.

Simula ngayon, may sumpa ako sa buhay. Ilang taon na nga ako? Beynte-kuwatro. (Inis ako lagi sa mga matatandang nagsasabing batang-bata pa ako). Tatakdaan ko siya kung ano ang dikta ng aking pandama. Ayokong intindihin ang pakiramdam ng malaking pagsisisi ng iba dahil hinayaan nilang may magpaikot ng sarili nilang buhay, ayokong dumating ako sa puntong iyon. May mga nagsasabi ring, may sariling isip ang panahon at mga pagkakataon.

Ha'mo ang panahon na manggulo sa buhay ng may buhay, pagkat yan ang kanyang papel sa buhay. Sa kadulu-duluhan, muli kang mag-iisip tungkol sa buhay mo. Naging mali-mali man ang pasya mo, mas malaki mang bahagi ang malungkot at miserable, posible pa ring may makita kang munting saya.


Ang sabi nga, ang importante ay buhay ka pa't humihinga. Walang huli pagka't di naghihintay ang iyong katapusan.#

Monday, November 20, 2006

Pahimakas ng isang henerasyon

jhong,

saang probinsya? baguio--summer resort yon a : )

kung pakinggan kita, napaka-apologetic mo sa sitwasyon mo. parang ibang-iba ka sa karaniwan, e ang dami namang mahirap na filipino. kung writers naman, at lalo pa nga ba sa filipino, lalo ka nang ordinaryo. kung babasahin mo ang bakgrawn ng maraming manunulat, sa katunayan ay ang major writers sa filipino--edgar reyes, dominador mirasol, atbp.--mga ordinaryong pamilya ang pinagmulan. kahit si f. sionil jose, paborito niyang ikuwento, noong bata pa siya, para lang makapagbasa sa gabi, sa ilaw ng poste siya. etc., etc.

yang pagsusulat, kung talagang gusto, maidaraos iyan. may sinusulat na itatago muna. puwedeng balikan, rebisahin. puwedeng matapos, puwedeng hindi na. posibleng mag-umpisa ng bago--na matatapos at magugustuhan. paulit-ulit ang proseso. puwedeng magustuhan mo, na ikaw lang pala. puwedeng magustuhan ng iba.

maglathala. sumali sa kontes. may kontes na ikaw lang ang may pakontes, ikaw rin ang kasali. kung hindi ggawin ang pagsusulat, paano mapapraktis? paano magiging manunulat.

sa totoo lang, madaling maging manunulat. mas ayoko, mas mahihirapan akong maging sundalo. o embalsamador (mahina ang sikmura ko, at matatakutin ako). maging kargador. maging matadero. maging prosti--mahirap magka-aids.

naroromantisays din naman natin ang pagsusulat, ang maging manunulat. iniuugnay natin sa kahirapan. pero may iba rin namang trabaho, propesyon na kaugnay rin ng kahirapan. hal., metro aide. mas mahirap ang magkalkal sa payatas.

ang sarap ngang magsulat e. syempre, panahon ngayon ng laptop. pero ako, wala akong makinilya sa unang dalawang kuwento ko. kaya sulat-kamay lang.

nitong manalo ako sa manila critics circle, may isang young writer from ust, siya ang nanalo sa novel, english. nangiti ako, dala-dala niya ang notebooks, ordinary lahat, ipinakita niya sa audience. iyon ang kanyang nobela! kuwento niya sa acceptance speech, sa klase niya sa ust, bored na bored siya sa isang subject, at sa subject na iyon, wala siyang ginawa kundi magsulat sa notbuk ng kanyang nobela!

interesting, di ba? iniisip ko, paano kaya hindi siya nahalata ng prof niya? at ang tiyaga niya, sulat-kamay sa panahon ng computer at laptop?!

si rizal, sinulat ang nobela niya malayo sa convenience ng ancestral house nila sa laguna--wala na siyang pera, walang heater ang kuwarto niya sa europe. napunta na ako sa europe, at kahit may heater, ginaw na ginaw ako, kaya alam ko ang feeling ng isang filipino na hindi sanay sa pamatay na winter, kung paano magyelo ang dugo sa isang kuwartong walang heater.

kung tutuusin, sa akin, madaling magsulat, kaysa maging isang sundalong kailangang pumatay ng tao, etsetera, etsetera...

kumusta?

ms fanny/mam fanny : )

Sunday, November 12, 2006

Aking Mundo

kapag nakatanaw ako sa labas ng pinto ng dyip, alam kong gusto ko ang nakikita ko.kuntento ako kahit anuman ang maabutan ng aking tingin.dahil may pamilyar, masarap na pakiramdam na nasa pusod ako ng lugar na malapit saken.

ang ragasa ng tao, sa dyip, sa bus, sa mrt, sa SM, sa UP, sa Recto, sa Quiapo, ang araw-araw na hulas ng kanilang mundo. ng aking mundo. tang 'na maraming tao sa Maynila, niknik ng mga tao sa Maynila, iba iba, pare-parehong mukha. gusto kong sabihin na lahat sila'y may pamilyar na mukha ng taghirap.

nadidinig ko ang iyak ng aking tsinelas dati, kapag nasa UP ako.sasakay ako mula Pantranco, magbabayad ng diyes pesos, madadaanan ang maraming sosyal na putahan, isang mall, ilang botika, at lumalaki na nagiging higante ang mga billboards. unti-unting maninikip sa may parang u-turn sa quezon av kung saan walang Jollibee at nagkalat ang ukayan.kapag umuulan, humuhulas ang patak mula sa itaas ng matarik na overpass.dadaanan ang ilang opisina ng gubyerno na nabubukbok, di maikaila na kahit sila'y inaanay ng mismo nilang pinagsisilbihan.Napocor, children's center, national housing, agri dept, dar, q city hall.

hay philcoa na.ilang saglit pa'y alam mong nasa UP ka na.dati, may masarap na pakiramdam ang pagpasok pasok sa UP.kung saan, alam mong libre ka, welkam ka.wala kang ipag-aalala sa iisipin ng ibang tao.malaya kang sabihin ang isip mo, masigla ang debate na umaabot sa puntong may kanya-kanyang kahon ang mga tao.ang usapin ng malayang isipan, idinudugtong kaagad sa pagiging rebelde.na siyang mali.

maraming masarap gawin sa UP.ang totoo, balak kong mag-aral pagbalik ko 2 taon mula ngayon.kating kati na ako sa maaari kong matutunan, na labas sa kahon.

kapag nakatunganga ako sa kisame bago matulog, dun ako relaks na relaks.nakalapat kasi ang likod sa matigas na sapin sa sahig na kinumutan ng regalong malong.magiging abala ang electric fan maya-maya, dahil masarap ang alinsangan kahit hanggang madaling araw.wala akong pakialam, pero kakanta ako sa saliw ng aking gitara.nagugutom ako pero wala ding pakialam ang aking sikmura pagkat, nasa alapaap ako.

alapaap, wala hindi hihindi sa eraserheads.paulit-ulit man, sa computer, sa gitara, sa banyo o sa kuwarto, masarap pa ring awitin ang etc.

iba't ibang mukha ng taghirap, walang ibang magsusulat tungkol sa kanila kundi kami.kaming pinili na bigyan ng espesyal na espasyo ang kanilang usapin.ah, masarap silang kasalo sa rally o martsa.hindi mo sila kilala, pero ipinakikilala nila sayo ang kanilang digma.nakangiti ka sa kanila, dahil masarap ang ngiting pabalik na nagmula sa walang-wala.yun na lang kasi ang kaya nilang ibigay, at ikaw, kahit walang-wala ka din ay magbibigay ka ng lahat ng iyong lakas, pagod, iyak, frustrations, at saya.

ang totoo, sa sarili mo, nagdududa ka talaga kung matutulungan mo ba sila.kung may patutunguhan ba talaga ang paulit-ulit mong ipinapaliwanag sa kanila.kung hanggang kailan mo kayang balikatin ang hirap ng pinili mong desisyon.pero sa dulo ng mga bagay-bagay, hindi mo sila maiiwan.

hay, magtatapos na ang araw.pero hindi pa ang pakikibaka.sa pansariling buhay at buhay ng iba.gusto ko pa rin namang maniwala,pagkat ano nga ba ang saysay ng nakahubad na si Oble kundi pag-aalay at pag-aalay?

Friday, October 27, 2006

Daniel

Matagal ko nang gustong alayan si kuya ng aking kuwento. Ngunit mas alam niya ang kuwentong ito, 'di pa man nasisimulan.

Dahil siguro magbibisperas na naman ng Nobyembre 1. Tipikal na Pinoy: sa tuwing araw ng mga patay lamang nakakaalala sa lumipas na kaanak, mas nagdidiwang kaysa nagluluksa pagkat ganun ang mga Pinoy. Sa kabilang banda, lagi kong naalala si kuya. May mga panahon pa ring bumabalik ang pakiramdam ng nawalan, hindi lang ng kapatid higit, ng kuya. Ng mas matibay na masasandalan.

Hindi marupok si kuya. Pagkat unang lalaki sa pitong magkakapatid, natural na kamay na bakal ang turing sa sarili. Nasusunod ang gusto, napapa-oo ang lahat dahil siya ang panganay na lalaki. Dinadaan sa tipuno, sa sindak ng boses at sa simpleng katotohanang siya ay matanda, kaya't may sinasabi sa bawat desisyon ng pamilya.

Ang totoo, may mas higit na panganay na lalaki sa kanya. Dangan lamang at namatay sa maagang edad na 3 taon, dulot ng kumbulsyon na 'di agad na naagapan nila nanay sa hirap ng buhay. Siya si Dennis, si Kuya Dennis.

Kapag nagmamarakulyo si kuya, dala madalas ng kalasingan, hinahanap niya si Kuya Dennis. Sinisisi niya ito sa maagang pagkamatay. Nanghihinayang siya sa maaaring nagawa niya upang mapigilan ang pagloloko ni tatay. Iniiyakan niya ito kahit hindi niya naabutan nang buhay, pagkat si Kuya Dennis ang pinaka-panganay sa aming magkakapatid. Tila siya nagluluksa; ngunit pagluluksa 'di dahil sa kuyang namatay kundi sa kinahinatnan ng pamilya.

Malambing si kuya, nasa loob ang bait. Masayahing tulad naming lahat, mapagbiro at may sariling paraan ng pagpapakita ng pagmamahal. Bagama't nakatapos ng marine engineering (o seaman), sa construction worker siya nakadidiskarte ng pera. Sa maliit niyang kita linggo-linggo, ay nailalabas niya ang buong pamilya sa Jollibee. Walang ibang nakakagawa nito sa magkakapatid kundi siya lang. Nagbibigay din upang punan ang mga kulang sa padala nila ate, na kapwa OFW na noon sa Hong Kong.

Alam ko ang saya ng may kuya. Sumusuporta sa mga hilig ko, namimili minsan ng gamit at nanlilibre sa sine. Hindi ko alam kung kahit minsan ba'y napasalamatan ko siya sa bawat pabor na ibigay niya.

Kasabay nito, ay madalas siyang mapaaway, maghamon ng layas sa bahay at malasing. Kaya't takot ang namayani sa akin (sa amin) sa tuwing siya'y ganito.

Naalala ko noong huling araw ko siyang nakitang buhay. Birthday ng isa kong pinsan at umuwi ako mula UP (sa Baguio) pagkatapos ng ROTC. Naalala kong binati niya ako sa Ingles, "There's my brother." Pasuray-suray pa siya sa pinto ng kusina, hindi ko alam kung nasagot ko ba siya. Iyon na ang huli.

Hindi na siya kinagabihan. Si nanay, pagkat siya nga ang may anak, ay may ibang kutob sa sarili. Nang hindi bumalik kinagabihan, madaling araw ay pinaghanap sa mga bahay sa kabilang kalsada. Ang tangi niyang nakuha ay ang tsinelas na gamit ni kuya nang umalis nang nakalipas na gabi.

Alas-onse. Dumating si nanay na umaatungayaw habang nasa banyo ako't naliligo. Jong, jong awanen ni manong mun...nakita da kanu nga natay idya'y pa-yas... (Wala na si kuya mo, nakitang patay sa may ilog). Nanginginig akong lumabas, lito sa dapat isagot o itanong. Lumabas ako ng bahay at sa kalsada'y naglipana ang mga kabaryo. May isang nagtanong kung may kuwintas daw ba si kuya na ganito, at tinuro nga kung saan ang bangkay na nakita.

May inanod na bangkay ilang metro din ang layo mula sa pinagliguan ni kuya. Kaya ipinagtanong pa kung si kuya ba iyon ay dahil alsado na ang katawan ng bangkay, at may mumunting kagat ng isda sa iba't ibang bahagi ng katawan. Lito ang atungayaw ni nanay, ipinagtatanong kung ano ang gagawin sa bangkay.

Sumama ako sa isang tito upang tingnan ang bangkay. Ngunit tumanggi akong lapitan sa mismong pampang kung saan itinabi ang bangkay upang kunan ng awtopsiya. Ang tito ang tumingin at kahit siya'y hindi niya makilala si kuya matapos ang kinahinatnan.

Ako ang naatasang magbalita kay ate, isang tita ang nagkusang magbalita sa mga ate sa abroad, habang ang isa ko pang ate ay walang malay na nasa biyahe pauwi sa amin mula Maynila.

May malaking bukol, mahapdi, mainit na nakakasugat sa lalamunan tuwing pinipigil ko ang iyak. Lalo sa tuwing makikita ko si nanay na tulala, o nasa may pinto, may hawak na larawan ni kuya at tinatawag niya ito ng paulit-ulit. Nang paulit-ulit hanggang mamaos sa magdamag.

Paulit-ulit din, na sa bawat bisitang dumaan sa burol ay ikinikwento ni nanay ang mga huling ala-ala niya kay kuya. Ang mga pagsisisi niya, ang mga panghihinayang ng mga tao sa maaaring nagawa pa ni kuya. Mula noon ay lagi nang gustong nakatitig sa labas ni nanay tuwing maghahapon, at umiinom ng isang bote ng serbesa bilang pampalimot.

Ngayo'y suot-suot ko ang singsing ni kuya, ang tangi kong ala-ala sa kanya. Sa tuwing may magtatanong kung kasal o engaged na ako, sinasabi kong sa namatay kong kuya ang singsing.

Bente-tres anyos siya nang pumanaw, dapat sana'y magbebente-nuwebe siya sa ika-27 ng Nobyembre.

Gaya niyang nagluksa sa panganay naming kuya, naiisip ko pa rin siya at iniiyakan. Hinihingan ng payo o tulong kung nasan man siya ngayon. Pagkat siya'y aking kuya, hanggang-hanggang.#

Tuesday, October 24, 2006

Entri #4

Nakikita ko si Tatay, at nakikita ko ay buong pusong pagpupursige at pagsisilbi.

Ngayon, isa siyang bagong tao. O dati na siyang ganito, ngayon lang niya higit na naipapakita. Bumabawi sa mga panahon ng makasariling pagdedesisyon,at pansamantalang pagkawalay sa mga anak.

Magiliw niyang ginagampanan ang papel bilang lolo. Kahit man ang tawag sa kanya'y grandpa, o kaya'y Low-Low, sa himig at bigkas ng mumunti, puting mga dila. Nakikipagtagisan siya ng biro sa mga apo, pauntol-untol niyang nabibigkas ang mga salitang istranghero. Napapa- o whay may san? siya, o kaya'y Dont go der o kaya'y ya ya ya?
Tila siya munting bata na natututo. At natutuwa siya sa ganito, sa bagong nasumpungang mundo.

Kagabi, magiliw din niyang inihimbing ang munting anghel ni ate. Dinuduyan duyan niya ito, at kinakantahan ng oyaying siya lang ang nakakaintindi. At maya-maya pa'y napahimbing niya ang paslit sa kanyang bisig, hanggang sa siya naman ang mahimbing sa hagdan habang hinihintay na dumating ang ate.

Mapayapang pakiramdam ang pagpapatulog sa bata, kahit ika'y mapapahimbing sa oyayi ng kanyang pintig na lumilikha ng mumunting bayo sa iyong dibdib. Naisip ko kung ginawa ba ni tatay sa akin noong ako ang munting paslit, ang iduyan hanggang makatulog. Naalala kong ako ang kanyang paboritong anak na lalaki, pagkat ako ang kanyang junior. Dinala niya ako sa barberya minsan, at nang halos ako'y kalbo na, alam kong umatangayaw ako habang daan pauwi. Naliligo siya sa sapa habang kalong niya ako, nakakarating kami dito gamit ang bulok niyang bisikleta. At dahil kabo siya sa huweteng, marami akong baryang pambili ng kendi, holen, lollipop...

Unti-unti na ring nalalagas ang kung anumang galit sa dibdib ko kay tatay.

Noong nakaraan ay ginigising niya ako ng mas maaga sa aking relo. Minsan nama'y siya mismo ang naglinis ng putik sa gamit kong sapatos sa trabaho.

Sa katunayan, gusto kong abutan niya ang magiging apo niya sa akin. Makikinig ako sa mga payo niya, pero hindi ako papayag na manahin ng anak ko ang pagkamahangin ng kanyang lolo.

Kanina'y napagod si tatay sa unang araw ng kanyang unang trabaho dito. Paano'y apat na oras siyang nagvacuum ng hallway sa isang otel, bahagi ng kanyang training bilang housekeeper. Ngunit apat na oras sa apat na palapag na walang pahinga. Sabi niya'y gustuhin man niyang uminom man lang dahil uhaw siya'y nahiya siyang gawin. Hindi siya makapagtanong ng susunod na gagawin pagkat nahihiya siya. Ilang araw din siyang hindi mapakali. Si ate, agad na sumugod sa otel. Hindi na pababalikin na si tatay matapos ang isang maghapon ng pagtatrabaho nang walang pahinga. Nagsusumbong si tatay sa kotse habang pauwi sila...

Naiisip niya ang kanyang kakulangan, at siguro'y mga pagkukulang. Gusto kong sabihin na husto na tay. Hayaan mo na sila pagka't kayang-kaya natin sila. Tama ang iyong ginagawa. Huwag ka nang mag-alala, ako nang bahala.

Sa kabilang banda, gusto ko ring mahalukay niya ang nasumpungang bagong mundo. Gaano man ito ka-estranghero.

Si tatay, larawan ng nakalipas at isang bagong mukha. Gusto ko nga sanang makisabay kay ate, nang sabihin niyang im so proud of you, kay tatay matapos matanggap sa trabaho. Pagkat yun ang totoo, pagkatapos ng lahat.#

Entri # 3

Marami na daw ang namatay sa lungkot. Nalulungkot ako para sa ibang tao, at para sa sarili.

Kapag tinititigan ko si nanay, alam kong malungkot siya. Naaalala niya si iyong, ang bunso niya anak, baka kung napano na siya ngayong milya-milya ang layo nila ngayon. Malungkot din siguro si tatay, o buryong na sa dinatnang buhay dito sa ibang bansa.

Minsan nasabi ni nanay, mas mabuti pa nga siguro na nasa Pilipinas siya. Dito, hindi niya kailangang problemahin ang lulutuin sa maghapon, ang tangi niyang problema (na mabilis niya ding natututunan) ay maghanda ng kakainin gamit ang mga de-motor sa kusina. Mas magaan ang buhay dito, pero nananabik siya sa kinamihasnang buhay sa Pilipinas.

Dati, madalas din siyang malungkot. Malayo kami sa kanya, at sa tuwing nakatitig siya sa labas ng bahay tuwing gabi, alam kong iniisip niya ang namatay kong kuya bilang pampalipas oras. Kung ilang araw din sa loob ng ilang taon niyang dinadala ito.

Tuwing bumibiyahe ako pauwi mula sa kolehiyo, pakiramdam ko'y dumarating ako upang iligtas siya sa kalungkutang iyon. Lingguhan kung umuwi ako galing U.P., upang kumuha lamang ng allowance at maglaba ng damit.

Sa tuwing ganito, mauupo kami at magkukuwentuhan. Pero mas madalas na siya ang naglalabas ng mga saloobin niya. Tungkol sa asawa, sa bunso naming kapatid, at mga bagong tsismis sa baryo. Ang lagi kong inuungot sa kanya, ay magluto ng gulay na Ilocano, pagkat walang pinakamasarap na dinengdeng kundi ang kay nanay lang.

Malungkot din si Iyong, ang bunso naming kapatid. May panahon sigurong gusto niyang pag-isipan ang mga hindi niya dapat ginawa. Malungkot siya para sa mga anak at asawa, at tinatangay siya ng lungkot na iyon upang takasan sa pamamagitan ng muling pagbubuhay-binata. Marami siyang gusto, at may mga kaya siyang gawin na hindi ko kaya. Doon siya nakakasumpong ng silbi, kay nanay at sa pamilya. Gusto man naming sagutin ang mga tanong niya kung gaano at paano naging miserable ang buhay niya, alam niyang hindi namin iyon kailanman masasagot.

Si Ate Vina, siguro'y narahuyo lamang siya ng hirap ng pagiging titser sa Pilipinas, at ng marangyang buhay sa ibang bansa. Pakiramdam niya siguro'y wala na siyang mababalikan pa. Ano nga naman ang saya? Kahit saan naman makikita yan, huwag lang maging mapaghanap. Gusto na niyang tumanda, gusto na niyang takdaan ang sarili at sundin ang mga gustong mangyari sa buhay. Parang solusyon sa Matematika ang buhay, trabaho+pera+kotse+bahay+pamilya=buhay na marangya. Ekwals saya.

Gaano nga ba kalungkot ang mga tao? At paano sila tinatangay nito patungo sa tiyak na, pagkamatay? Ng buhay at kaluluwa?

Nilalabanan ko ang malungkot, baka ikamatay ko ito. Ngunit sa tuwing gagawin ko ito, mas lalo akong nadadala. Pilit kong iniiwas sa pamamagitan ng mga trabaho sa magdamag. Pero hindi, sa tuwing umuuwi ako'y nakikita ko sa maraming blangkong upuan sa sinasakyang bus ang kawalan. Gusto at ayaw kong mag-isa.

Pamilyar ang ganitong pakiramdam, lalo dati sa tuwing napapatitig ako sa gagad na kisame, bago matulog. Malungkot nga ba ako? Masaya? At tila tinatangay ako upang lumutang kasabay ng mga alalahanin sa buhay na walang kaparis sa lungkot, at saya.#

Monday, October 23, 2006

Pren



Pare, pre, pare ko, tol, etc. Gasgas na sabi-sabi pero totoo naman kasi, na masarap magkaroon ng kaibigan.

Mapili ako pagdating sa kaibigan, yung totoong kaibigan. O mas, barkada. Kasa-kasama. Higit sa anupaman, kaibigang ang turing ay tila kapatid na rin. Madali sa akin ang makibagay, pero ang hindi ang makipagkaibigan.

Loner ako, anti-social lalo na kapag bago sa akin ang isang mukha, isang lugar, isang panahon. Mahirap yun, sa totoo lang. Pero sanay na din kasi, mahirap makatagpo ng taong simpleg mga bagay lang ang nakakapagpaligaya sa kanya sa buong mundo. Mahirap makatagpo ng taong kayang sumilip sa labas ng bintana ng tren kasabay mo at kumaway sa daluyong ng buhay.

Nung hayskul, may itinuring akong bestfriend. Madali akong ma-insecure, natural sa akin ito. Nangibang-bansa siya tulad ko, magkita kami ngayon panibagong pagkakakilanlan na naman. Pero simpleng mga buhay at simpleng mga pangarap lang ang nagbigkis sa amin, habang unti-unti namang nagiging problematiko sa paligid ng aming mundo.

Ang dalawa ay naging tatlo, o apat pa nga. Si Mark, si Moises at ako (si Nemesio ahaha!). Napapa-oo namin ang buong klase sa tibay ng aming samahan. Magkakasama din kami sa school paper, sa mga project at iba pang mga lakad. Minsa'y nasasabit sa kanya-kanyang grupo, pero kapag nagsama ay tiyak na riot. Masarap ang humalakhak, masarap ang may kaibigan.

Sa UP, ang barkada ay pagtakas. Pailanlang sa magdamagang inom, tawanan at iyakan. Na masarap balikan sa tuwing magsasama. Ngayo'y malayong-malayo na ako sa kanila, maging sila'y tiyak kong may sarili nang buhay na inaasikaso.

Paglabas ng akademya, kaibigan pa rin ang nakapagpasaya sa mahirap na buhay tibak. Mga tibak din, kaya't ang problema sa pagkilos ay inihahabi sa mangilan-ngilang pagtakas sa gawain. O isinasabay sa gawain.

Minsan pagkatapos ng isang mob, nagkayayaan kami ni Agatha at Jopes na kumain muna saglit. Iyon na ang simula ng pagkakaibigang nauwi sa mas malalim pang pagsasamahan. Takot nga ng isang nakatatanda, na baka bumuo kami ng "saturday night group" na labas (at labag pa nga) sa termino ng paggampan.

Ngayon pilitin ko ma'y dapat akong mag-isa. Isang bagong bagong mundo ang meron ako ngayon. (Bukod sa mahirap ang umingles nang umingles). Malungkot ang kumain nang mag-isa, maglakad pauwi nang mag-isa at lumibot sa mall nang mag-isa. Sanayan lang, tol, ika ni Jopes.

Mabibilang lang sa mga daliri ng kamay ang itinuring kong kaibigan, pagkat simple lang ang pinili kong mundo. Kuntento akong isipin na sila ang higit kong kinailangan sa buhay.

Para kina Mark, Moises, Misael, Kris, Ervin, Mur, Maps, Henry, Leigh, Jun, Carlito, Dang, Shane, Mafe, Jopes, Agatha.

Monday, October 16, 2006

First Snow

Sa bahaging ito ng mundo, 'di lang mahirap ang gumising sa isang natural na tamad. Ang naninigas na ugat, lalong maninigas, habang dumadapo ang santalaksang tinatawag na snow pagkatapos na pagkatapos ng taglagas.

Pero kailangang salubungin sa nakakapanginig na lamig ng umaga ang hinayupak. Ni hindi ko inasahan, hindi ko man lang napaghandaan. Ganun marahil ang pakiramdam ng ekstra-ordinaryo---hindi mo pilit masalubong dahil, iyon na nga nilalamig ka na. Wala kang maisip na iba dahil ang utak mo, naghahalukipkip din sa nginig. At kamay pati, 'di mapakaling makatagpo ng mainit na bahagi ng katawan.

Naisip kong magpayong. Bakit hindi? Sa science class, ulan din naman ang snow. Ang diperensya lang, ang mga butil na dapat sana'y tubig ay yelong bumabalot sa buong paligid. Natutunaw din at nakakapamasa sa katawan. Kung nagkataong mayron ako, mabilis pa sa alas-kuwatrong nakatingala yun sa langit, mapagtawanan man.

Namumutiktik sa puti ang paligid. Dumaan ang kotse't maski sa sinag ay mumunting tila mumo ng kanin ang bumabagsak. Puting kanin! At mga magsasaka, siguro'y hindi na sila kailangan pang magbabad sa linang upang makapag-ani. O tanging suyod na panghagod sa mga kakanin sa umaga, tanghalit gabi.

Habang maghapon ay patingin-tingin ako sa labas. Sa loob-loob ko, 'di maalis ang pag-aalala. Anong gagawin ko sa hinayupak? Anong hindi ko kayang gawin? Paano kung lumakas pa't maging dambuhalang tila bato na? 'Di ba magtatapos ang araw na titila din ito tulad ng malakas na ulan sa Pinas? O tuluy-tuloy na akong matabunan ng ekstrangherong kung tawagin ay snow?

Nasa ibabaw ka ng mundong yelo. O kiniskis na yelo para sa halu-halo. Ang langit samantala, ay madilim din tulad ng sa paparating at nakalipas na ulan. Ang kalamnan maging sa'yong talampakan ay nanginginig din na tila laman ng isdang inimbak sa yelo ng ilang buwan.

Naninikip din ang hininga, dahil malamig na hangin nasasagap ng ilong at ibinubuga. May mga bahagi sa katawanan na tila naninigas na, at kailangan nang umabot sa pupuntahan upang mainitan.

Gaya ng nasabi ko na, paborito ko ang tag-init. Kahit nanlalagkit sa singit at kile-kile ayos lang dahil pinakamasarap ang malamig na inuming tubig. Iba pa rin ang halumigmig sa sariling bansa, ang simoy ng Paskong paparating.

Kanina'y payak na ambon na lamang ang sumasalunga, pauwi ako. Napansin kong tapos na nga pala ang paninilaw ng mga puno sa lunsod, na senyales ng paparating na puting unos.#

Friday, October 13, 2006

Friday, October 06, 2006

Maging Tatay


Ilang taon ko na din siguro kinimkim to: tagong muhi sa tatay ko. Ngayon ko na lamang higit pang nakita dahil sa kabilang banda, ngayon naman ako natutuwa sa kanya.

Siguro'y binulag ako ng pagtanggap kong may sarili din siyang buhay na dapat niyang piliin. Nagkamali man, ang lahat ay bahagi ng sarili niyang pagpapasya.

Ang madalang kong maramdaman, ginusto man niyang ipadama noon, na may tatay ako ay naipapakita niya sa mga apo. Palibhasa'y malayo sa kinamihasnang buhay sa Pilipinas kaya't walang ibang pagpipilian kundi akuin ang papel ng mga anak sa pagbabantay sa mga apo.

Habang ang kanilang nanay ay nasa trabaho. Ginagawa ang lahat maialis lamang sa mga bata ang pagkawalay sa nanay. Nagpapasuso din (sa bote) ng gatas kung kailangan. Nagpapakain ng ekstraherong mga pagkain (yogurt, cereal, spaghetti) sa umagahan, tanghalian o hapunan.

Limang apo, na pulos may dugo at anyong dayuhan. At dilang dayuhan! Kahit bali-balikong Ingles ay ikinatutuwa ng mga bata at nauunawaan pa nga. Tuloy, baka hindi siya masabik sa naiwang dalawang apo sa Pinas.

Kalong ko kanina ang sanggol pang anak ni ate. Masarap magpatahan ng baby, nakikipamangka sa mga musmos na pintig ng puso niya. Marahan din ang dampi ng munti niyang kamao sa dibdib ko. Masintang ilaw, magiliw na indak at disimuladong oyayi at mahimbing siya sa piling ko, hanggang dumating ang kanyang nanay.

Ang lundo ng pagiging tatay. Hayskul ko pang pinagpapantasyahang maging tatay. Ang mapuyat sa gabi, magpalit ng diaper, magbiyahe sa bus kalong ang anak. Ang umiyak at mamatay para sa karugtong na buhay. Magiging bahagi siya ng buhay ko, ng buhay namin ng aking mahal, sa hinaharap at hanggang wakas pa.

Maningning na talinhaga ng pagmamahal na wagas.

Sunday, October 01, 2006

Ika-1 ng Oktubre, dosmilsais

I run the house today, like in the past days. Gray, pointed clouds give dim lights. This makes houses here more like un-alive. And so a few machines that sort out life easier. That’s what they do; this is what this place does to people. Into the winter, they go cold and rusty, like their hearts who had numbed to listen to people. Colder it is going to be right after October.

Subok lang kung marunong ba ako sumulat sa Ingles. Not so bad I guess. (Syet na malagkit)

Pagtatangka yan na ilarawan ang mundo dito, sa kabilang ibayo. Kung sa bayang pinanggalingan ay mainit na tila bulkan, dito’y malamig na abong papawirin ang nagpapadilim.

Ilang linggo pa’y babagsak ang kinagigiliwan ng lahat, lalo ng mga tao sa bayang pinanggalingan. ‘Di ba’t munting pag-ulan ng yelo lamang ay nababalita na sa TV sa Pinas? Kung dito’y hagupitin ng bagyo ang mga punong pino at mga tao’t kanilang ari-arian, tiyak na malaking balita.

Sa atin ay normal na pala-bagyo. Ang bagyong Milenyo, tila tagibang. Damit na sukat sa mga bagong dugo ng aking panahon na unti-unti, maski sa magkabilang dulo, ay nagiging manhid o palamasid.

Marami ang nagigising sa bagyo, na inaaararo ang kanilang bubong, o mismong bahay ang nahuhukay ng malakas na kaaway. Kailagan pa ba nito upang malinaw na makita na sa langit, sandamakmak na kontradiksyon ang naglalaban.

Ang sigwa ng buhay, ‘di mo alam kung ‘san ka tatangayin. Ngayon na’ron ka, bukas nasa kabila. Buti’t ang mga Pinoy, natural na kapit-sa-patalim. Palibhasa’y habang buhay na ‘atang pinagdadamutan kaya’t ang paglaban ay dugo ang kailangang kapalit.

Maraming ibig-sabihin ang unang araw ng Oktubre. Sa Pilipinas, maski ang nakatanghod sa mantika ay binabago ang ugali, ng bahay at buhay dahil paparating ang Pasko, sa paghihintay na makatanggap ng regalo. Pagkalipas ng unang araw, umpisa na ng ratsada ng buhay ko dito sa kabilang ibayo.

Ang tanong na kailan, o hanggang kailan ang pinakamatagal sagutin, pagkat siya din ba’y naghihintay? Lilipas naman ang Oktubre, at darating tayo sa paroroonan.

Friday, September 29, 2006

Sunken

Sunken Garden, UP. Mis ko na Yupi.

Bus, maaliwalas

Ang una kong pagsakay sa bus, maaliwalas.

Kahit manginig-mangilo ang kamay ko sa maagang sikat ng umaga, habang nag-hihintay sa loob ng 30 minutong pag-sigida ng bus.

Malinaw na malinaw ang Maynila: haragan ang mga hari ng kalsadang pinaiikot ng mga namamanginoong tsuper. At kundoktor na walang kasing tapang.

Sana'y may dyip dito, naibulong ko ng ilang beses. Dahil kung magkameron, malamang ay kanina pako nakarating sa serye ng aking biyahe.

Sa dyip o bus sa Pilipinas, magkakamukha ang mga tao. Dito'y iba-iba (madalas pa ngang higante ng ilang ulit sa akin ang mga pasahero) at palabati, lalo ang mga matatanda.

Pagsalubong ng isang maaaliwalas na araw.

Ang larawan sa bawat bintana ng bus ay tila anggulo sa kamera: malamig din ang syudad, nagkukulay-dilaw sa mga dahon ng punong naghahanda para sa taglamig, at sikat ng araw na tila 'di matapos na umaga.

Ilang ulit pa? Na mananabik sa hari ng kalsada ng salaulang lunsod?

Tuesday, September 26, 2006

pasensya-post-sa-mga-gustong-magcomment-pero-istrikto-daw-puwede-na-thank-you

Buhay

Bali-balikong daang-bakal ang buhay Pinoy. Ang nagsampirang bahay ay tanawing nasa puso ng reyalidad.

PS. Minsan ko nang na-post ang larawang ito ngunit ngayo'y ibinabalik ko upang muling tanawin

Sunday, September 24, 2006

Ibang Mundo

Lunes ngayon sa Pinas, isang linggo matapos kaming bumyahe upang mangibang-bansa.

Abstrakto pa ang lahat, mula sa kung paano gumamit ng ganto-at-ganung makinarya, at kung saan hahantong itong pangingibang-bayan.

May ibang mundo dito, 180 degri ang pinagkaiba sa alumpihit na lipunang pinanggalingan. Kung paanong nilibot ng sinakyang eroplano ang dagat pasipiko, ganun din ang layo sa mundong sinilangan.

Simula sa de-motor na gamit sa kusina. Walang gasinong lakas na nauubos dahil kuryente ang nagdidikta sa pagtimpla ng kape, paghugas ng pinggan, paglalaba ng damit, at pag-iinit ng pagkain.

Palagay ko'y sanlaksang makina ang nagpapa-ikot sa mga modernong pagawaan ng sanlaksang kagamitang 'di maubos ng mga taga-rito.

Sabi ng mga ate, mabuti't nandito kami. Ngayo'y 'di masasayang ang pagkaing sa tagal na naimbak ay sa basurahan din ang tuloy. 'Di lamang nakapanghihinayang ang pagkain, kundi ang lakas na iniambag para sa lumikha ng mga yon.

Sa umaga, parang ghost town ang buong paligid. Walang tao kang makikita, na nakatambay sa may kanto, o nagti-tsismisan sa umaga. Nakikipagtitigan ka sa mga bahay na walang buhay dahil pare-pareho lamang ang itsura.

Ni ang tanong ng cashier sa department store, "how are you? are you good?" ay malamig pa sa hangin na lalong nag-papaalala sa alinsangan ng buhay sa Maynila.

Kanya-kanya umano ang buhay dito. Malakas ang loob ng mga Pinoy dito, sa kuwento nila ate. Napagkakatiwalaan sa sipag at tiyaga. Kaya umaasenso. Pero ako, pinanabikan ko ang simpatya ng mahirap sa kapwa mahirap sa Pinas.

Nananabik na'ko kahit sa malabusaw na mundo ng mahirap sa Maynila. Kahit ganito, may santalaksang buhay na magkakakapit-kamay sa tanang rebolusyon.

Saturday, September 16, 2006

‘Di Natatapos ang Dapithapon

Malaya, malawak, dramatiko, magiliw, marahan, mapanuyo, mapula at samu’t sari. Hay, wala talagang katulad ang sunset sa Pilipinas.

Madalas akong tangayin ng emosyon sa tuwing minamasdan, sinasabayang lumubog ang araw sa dapithapon. Tinatangay ang lahat-lahat sa akin, mga ala-ala at damdaming ‘di mapasubalian.

Karamay mo ang buong senaryo anumang damdamin meron ka, kahit ang hanging nagmumula sa dagat at nagtutulak sa mga alon. Tinatangay nang paunti-unti ang mga hinanakit mo upang lunurin sa kabilang ilaya ng mundo na ‘di mo abot-tanaw.

Bumabalik-balik ang mga ala-ala. Masarap pagtampisawan kahit ang pinakamasakit sa buhay.

Para sa lahat, ay pasasalamat, at pangakong magbabalik. Isang pahina sa buhay ko ang muling mabubuklat na magiliw kong maikukuwento sa inyo isang dapithapon.

ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA AKING MAHAL

Sa mahal ko, pinakamahalaga ka sa akin. Tiyak na malungkot doon habang magkalayo tayo. ‘Di ko mapapangako ang hindi pag-iyak, kung sa ganitong paraan ay maibsan man lang ang pananabik na muling makita ka.

Naging napakabuti mo sa akin. Sa iyong pag-unawa nakakatagpo ako ng linaw sa buhay. Hindi ko matitiis na tuluyan kang mawala sa buhay ko, hindi ko kaya. Magsasara akong tila pinto, na walang pandamdam sa malungkot na pamamaalam.

Kaya kong talikuran ang lahat, pero hindi ikaw. Masaya ako na napagsisilbihan ka, napapagaan nang bahagya ang gawain mo.

Ngayo’y panatag ko nang nalilingunan ang mga pinagdaanan natin. Sa hirap at ginhawa, ika nga. Masarap isiping kasama kita sa lahat ng iyon, pinili mong harapin ang mga sakripisyo kahit napakahirap para sa’yo. At dahil dun lalo kang napamahal sa akin.

Sa tuwing minamasdan ka, napapaiyak ako. Dalisay ang alay mong pagmamahal, kaya’t ikamamatay ko kung ako mismo ang magkamali at talikuran itong pag-iibigan.

Walang saysay ang bawat sunset, kung tuluyan kang maglalaho. ‘Di ko gugustuhing antayin ang tila walang hanggang paglubog ng araw kung kinabukasa’y walang bukang-liwayway na darating, dahil wala ka na.

Umaasa akong kakayanin natin ang mga pagsubok, gaya ng dati, kung ang kapalit nito ay buhay na pinakaaasam.

‘Di kita kayang talikuran. ‘Di kita matitiis. Pagka’t hindi ko kaya. Masarap ang mabuhay at sumalubong sa mga daluyong na kasama ka.

Mahal kita ng buong buhay ko. Wala akong ibang nanaisin kundi makapiling ka, bawat sandali nitong maikling buhay.

Mag-ingat ka mahal ko…maraming dapithapon na tayong napagmasdan at ang bukang-liwayway ng bagong araw ay kumakaway sa atin sa hinaharap.


(Ang larawan ay kuha mula sa telepono, ika-29 ng Abril sa baybayin ng La Union)

Kayumangging paningin

Palasing-singang kayumanggi ang matang ito ng tarsier. Hindi alam ng mata ng kamera kung sa kanya ba nakatingin ang munting nilalang. Ang tiyak lang, tila sanay ang hayop sa mapaglarong lente. (Kuha mula sa telepono, Bohol, ika-20 ng Mayo)

Dear Ate Kat

Ate Ko,

Matanda ka sa'ken ng higit isang buwan lang pero magiliw kitang tinatawag na ate, dahil masarap ang pakiramdam.

Tingin mula sa malayo, ikaw ang nakakakita sa hindi ko makita noon. Ang mundo natin sa UP, sa session road, sa Cabinet Hills o sa apat-at-mabahong-sulok ng OutcroP ay lumigwak pa dahil kinaya nating tignan ang mga bagay-bagay labas sa pulitika, paloob sa isang pagkakaunawaang tayo lang ang nakakaalam.

Dangan kasi, gusto nating magsulat nang magsulat hanggang lumutang ang mga letra, salita. At pag-ibig, pag-alala, pag-iyak, pagtawa at ligaya. May hiraya ang bawat nating pag-uusap na nakatanghod sa kape o mainit na noodles.

Kung susukatin, siguro'y milya-milya na rin ang nabiyahe nating magkasama -sa paglalakad, pagsakay sa dyip o pagtakbo- katulad ng pagkakapatirang namamagitan sa atin.

Gusto kong langhapin ang dati nating halakhak. 'Di ba't mas gusto nating tumanghod sa kape, pagmasdan ang ulang malamig, o magbabad sa mga kuwentong nagsampiran sa araw-araw nating pagkikita?

Mapapabuti ka, alam ko. Pagka't alam mo kung paano ang magpasya. Maging malaya ka sana sa mga bagay na nakakapagpaligaya sa'yo.

Mahal kita, ate ko. Gusto kong lumipas ang mga araw, na hindi nagpilat ang pag-alis ko. Basta isang araw uupo na lang ako sa isang tabi, na may hawak na dalawang tasa ng kape, kasama ka upang magsalo sa mga bagong kuwento-kuwento ng ating buhay.

May hiraya ang bawat nating pag-uusap. Hinding-hindi ko matitiis yun. Babalik ako, pagkat walang ibang ateng katulad mo sa kabilang dulo ng mundo.

Salamat, salamat. Sa ating pagsusulat.

En

Tuesday, September 12, 2006

My La Union

Panahon ng pangarap, ang magiliw na pagsapit ng dapit-hapon sa baybay. Nakuwento ko na dati pang may affinity ako sa summer, sunset...etc tungkol sa araw. (Kuha mula sa telepono, ika-29 ng Abril)

Monday, September 11, 2006

Luntiang paningin

Kaya paborito ko ang green. Sa lahat ng kulay ito ang nakaka-relaks talaga. Walang gustong maniwala mga mata ko 'to. Kinunan ko 'to sa kamera ng aking telepono, at dahon ng bugambilya ang preskong kulay.

Friday, September 08, 2006

Mikase

Ako kase.

Wala, gusto ko lang na may masisi sa mga bagay na ‘di ko hawak. Kung nalulungkot ang ibang tao, nagagalit o nanliliit dahil sa mga bagay na ‘di nila hawak, ako ang dapat sisihin.

Kung puwede nga lang, inako ko na ang lahat ng masama sa paligid ko. Manlulumo ako’t maiiyak sa isang tabi, pero hihinga ng konti, iiyak ng konti, tingin sa langit, hinga ulit, at tapos na.

Kung ganun kadali ang mabuhay…
Isang linggo mula ngayon may sasambulat. Na parang bula. Mawawala.

Ako kase.

Siguro hindi na lang ako magsasalita, mas masakit sa lalamunan yun, at masikip sa dibdib. Ang pag-iyak, lalong nakaka-antig.

Sige lang, kase naman.

Saturday, September 02, 2006

Una kong Setyembre

Unang araw ng Setyembre, at malamig pa sa nakapangingilong yelo ang bumuhos sa ordinaryong araw ng Biyernes.

Dumating ang pinakahihintay; inaasahang kagulat-gulat pa rin na parang hedlayn sa pahina ng diyaryo. Ala-alang pagkasakit-sakit nung unang karanasan*, ngayon nama’y giyera-pataning emosyon na sa una’y lungkot na ‘di mapasubalian.

May birtud ang sariling bayan. Kaya nga’t ipinangako ko nang sa maraming ulit ay babalik at babalik ako kung sakali man. Ang hindi mapipigilan, bagkus inaasahan din nama’y matagal nang pinaghandaan (ngunit pagkahandang nauwi din naman sa di mawawaang lungkot, at ginhawa.)

Nagsisisi na nga ba ako? Hindi siguro. Hindi ko pa alam. Gusto kong magsilbi, hindi nga.

Sa malao’t madali, may mga pagkakataong dumarating sa isang tao. Ito’y bahagi lamang ng makitid niyang mundo. Kumbinsido na akong hindi’t hindi sa ibang bansa akoy mahihimlay. Hinding-hindi.

Pagka’t maraming dapat balikan. Itong pagbabalik na hindi pangangailangang dapat tugunan lang. Itong pagpapasya sa habang buhay na pagpapaubaya, para sa iba.

May maghihintay. Kung hindi marami, tiyak may isang gustong makapiling upang buuin ang buhay na mapagpasya.

Dito man o sa ibayo, may Setyembreng umaalis, may Setyembreng bumabalik. Kaya’t hindi huli ang unang araw kong ito ng Setyembre.

*Panaklot sa dibdib ang pagkamatay ni Kuya, na isang masamang balitang sa kawad ipinahatid sa isang ate

Thursday, August 24, 2006

Miss ang araw

Masarap gawin maging sa tag-ulan ang magkape

Walang pagtatangi, namimis ko talaga ang araw sa tag-init.

Hay, ang araw na mainit.

Madalas kasing napapanaginipan ko; at ayaw mawaglit

Ang ituktok ng talon

Mas mataas ang guryon

Na kumikiwal sa hangin

At naghahamon sa lawin

Hay, ang pakiramdam

Sa lilim ng dalampasigan

Yungyong ng kawayan

At bulong ng amihan

Tinatangay ako

Painlan-lang…

Saturday, August 19, 2006



Walang Pagkukulang*

WALA kang pagkukulang bagkus;
Ika’y sobra
Sobra sa aking inaasahang pagbuhos
Ng Tala
Ng Alon
Ng Ulan
Ng Buwan

Ng Sinag
Ng Takipsilim na
Nakakapagpaiyak sa akin
Sa Musmos kong
Damdamin

Mahal kita.
Walang pagkukulang.

Ang singkit mong mga
Mata ng aking kaluluwa
Nais kong makita
Hanggang kabilang-dulo ng mundo
(Kung saan man yun)

Aasahan kong ang mga talulot
Ng Payak
At Masalimuot
Na lambing; siphayo
Nitong pagmamahalan.

Walang pagkukulang.
Walang Hangganan.


*Alay sa’yo sa ika-19 ng Agosto

Evidences, Testimonies, Point to Accused U.S. Marine

As the prosecution panel in the Subic rape case trial ends its presentation of witnesses and evidence, its lawyers are confident that they have pieced out the puzzle showing the four accused U.S. Marines guilty.

BY JHONG DELA CRUZ
Bulatlat

Prosecution lawyers in the Subic rape case ended their presentation on Aug. 17, with a police expert confirming that the DNA sample found in the Filipina victim’s underwear indeed belonged to principal accused Lance Corporal Daniel Smith.

Lead prosecutor Evalyn Ursua expressed confidence their evidences and the witnesses’ testimonies had pieced out the puzzle of the fateful Nov. 1, 2005 when four U.S. Marines allegedly raped a 22-year-old Filipino woman.

Also accused with Smith are Lance Corporals Dominic Duplantis and Keith Silkwood and Staff Sergeant Chad Carpentier.

23rd witness
The prosecution presented its 23rd witness, Sr. Inspector Edmar dela Torre who conducted the matching of both DNA samples extracted from the victim’s panties and Smith’s blood.

Tested at the Philippine National Police Crime Laboratory, Dela Torre said the samples were of “primary match,” resulting in a 10 percent accuracy rate. The DNA sample obtained from the victim’s underwear had not been contaminated, bearing no such indication during the test, dela Torre told the court.

The analyst received the samples on June 26 from the evidence custodian. His findings, he told the court, revealed that the “DNA is that of Daniel Smith.” The defense refused to further ask questions during the cross-examination.

Meanwhile, before the police analyst took the witness stand, the Makati Regional Trial Court Branch 139 recalled Dr. Rolando Ortiz, medico-legal officer at the James L. Gordon Hospital who examined “Nicole” on Nov. 3, 2005.

The court had ordered Ortiz to testify again to explain the history-taking procedure he had conducted with “Nicole.” The procedure involves inquiring about past and present sexual relationships of victims of sexual assault.

Ursua opposed this saying having sex in the past would not indicate that there was no rape because the assault could happen even inside a marriage. She cited section 6 of the Rape Shield Law which said that “in prosecutions for rape, evidence of complainant's past sexual conduct, opinion thereof or his/her reputation, shall not be admitted unless, and only to the extent that the court finds that such evidence is material and relevant to the case.”

Fishing expedition
The victim, a Zamboanga native, told the doctor she last had a consensual sexual intercourse with her boyfriend two years ago, Ortiz said.

The defense argued old-healed lacerations in both sides of the labia minora, if proven there had been such activity before the alleged rape, the findings might change in the medico-legal procedure.

But Ursua asked the court to reconsider the question saying the defense panel is engaged in a “fishing expedition” because the answer might have no boundaries and that this would only “humiliate” the complainant.

Asked why there was no spermatozoa found in the vagina by Judge Benjamin Pozon during the court’s clarificatory questions, Dr. Ortiz answered because there might have been no ejaculation at all, or that the accused had used condom during the alleged sexual assault.

Earlier, Ortiz had testified the reddish contusions on both sides of the labia minora were caused by “a blunt object applied with force.” He re-affirmed the findings when asked by Pozon whether it might have been caused by illness, and:

“Contusions may be caused when a woman’s private part is not lubricated, or [if her] thighs are closed injury could occur during the penetration,” he said.

Corroborated
After 23 witnesses, the prosecution concluded they were very satisfied with how the proceedings for their evidences and witness testimonies corroborated the claim of the complainant.

The victim had earlier testified she was too drunk to fight Smith during the sexual assault. She described him as heavy when she gained consciousness and found out he was on top of her.

She was having a vacation with her two sisters at the former U.S. naval base when, according to her, she was intoxicated by alcoholic drinks.

She only remembered refusing Smith’s insistence to get out of the Neptune Club, a popular nightspot at the Freeport. Later she knew she was taken inside the van where she claimed to have been raped at the backseat.

On July 11, leading forensic expert Dr. Raquel Fortun confirmed that the injuries sustained by Nicole indicate that rape and not consensual sex took place on the night of Nov. 1 last year. This is because in a normal consensual sexual activity, injuries in the genitalia are unusual, she said.

Less than 10
The court will resume hearing on Sept. 11 when the defense panel will present its side.

Last June, Ursua filed a petition for certiorari seeking full custody of the four U.S. servicemen involved in the rape case. If granted, this would prevent the soldiers from “getting off the hook,” since the case would no longer follow the one year allowable case hearing for U.S. soldiers in the country. The prosecution is battling the December 29 deadline of the court proceedings.

If proven guilty, the accused would be meted out a 40-year imprisonment. Bulatlat

Sunday, August 13, 2006

Lack of Justice Sickens the Poor
2 rights lawyers decry breakdown of law under Arroyo


“The poor should have a way to use the justice system for their benefit. The high price of pursuing justice makes the poor choose to evade it.” – FLAG lawyer Jose Manuel Diokno

By Jhong dela Cruz
Bulatlat

The relatives of 21-year-old Jonas “Chukoy” Nucum and his brother, Tonton, could only gnash their teeth in anger over their death. They couldn’t immediately bring to court the victims’ alleged killers and they don’t trust the prevailing justice system in the country.

Chukoy died instantly when his throat was slit-open with a knife by a gang member in the urban poor community of Bambang, Tondo on June 2. He was a member of the militant youth Anakbayan (nation’s youth) at the time of his death.

Family shock did not end with Chukoy’s killing. An ex-policeman fired a warning shot in a youth ramble that ensued after the killing. A bullet hit Tonton, 19-year-old brother of Chukoy, when he dashed to take his brother to the Jose Reyes Memorial Hospital. Tonton, also an active member of Anakbayan, also died.

Marietta Nucum, 42, the victims’ aunt, said in a Bulatlat interview, “Hindi kami umaasa na mabigyan ng katarungan yung mga bata” (We’re not hoping justice will be served in the brothers’ killing).

What adds to Marietta’s doubt that justice will be served for her nephews is that persons implicated in the killings are reportedly protected by an influential businessman in Tondo, home to several slum communities which, according to police reports, also remains crime-infested.

In the killings of Chukoy and Tonton, it took their kin two months before they could file formal complaints against the suspects on August 2.

Wenceslao Nucum, father of the victims, said they had filed criminal charges against one Noli also known as (a.k.a.) “Buddha” and Paul Vinirao, for two counts of murder.

Homicide
Nucum said the Bambang police station tried to reduce the charges to homicide. He opposed this, he said, insisting that the accounts of the killing clearly spelled murder. “We’re awaiting subpoena to be issued against the suspects,” he said in Filipino.

Murder suspect Vinirao used to be active with the Philippine Constabulary (PC), now the Philippine National Police (PNP). At the height of youth activism during martial law, he was reportedly involved in the arrests and disappearances of organizers of people’s organizations in Tindalo, Tondo.

Vinirao is now a “right hand” of a former PC man who now runs a chain of medical supply shops in Ermita, Manila. Noli, Chukoy’s alleged killer, also works for the shop owner. The suspects’ link to the businessman, who is apparently influential in Tondo, might elude them from being prosecuted, Nucum said.

“Areglo” has also come into play in the victims’ case. “Areglo” is an extra-legal deal that involves money aimed at silencing a victim or his relatives.

“They tried to bribe us with money,” Nucum said, declining to state an amount. Also, the other party has lobbied with village officials, particularly the chairman, to settle the case through “areglo” to which Chairman Ben Fernando refused. Tonton was serving as baranggay tanod (village security) at the time of his death.

The Nucum brothers’ killings happened amid the spate of politically-motivated murders that, to date, have claimed 725 lives across the country. Among those killed were leaders and members from Anakbayan, League of Filipino Students and other youth-student organizations.

Military
Although the military is widely believed to be behind the killings, not one suspect has been arrested and complaints against many suspects have not been pursued by law enforcement and justice authorities. Like many of the victim’s relatives, those of the Nucum brothers are pessimistic about the outcome of the two cases.

Two prominent human rights lawyers tend to share this public sentiment. Lawyer Manuel Jose Diokno, chair of Free Legal Assistance Group (FLAG), laments that no change has taken place in the judicial system especially since 2001 when President Gloria Macapagal-Arroyo was installed into office.

Diokno told Bulatlat that the widening economic gap between the rich and poor is tied to how the land’s judicial system upholds the poor’s rights. In pursuit of justice, the poor are pushed to the edge, even choosing to get justice in their own hands, Diokno said in an interview.

“Wala kaming nakikitang pagbabago sa hustisya natin sa bansa mula nang maluklok sa puwesto si Arroyo” (We don’t see any change in the country’s justice since Arroyo came into power), he said. The bias of the law for those who could pay and against those who cannot has not changed, he said.

Another lawyer, Neri Colmenares of the Counsels for the Defense of Civil Liberties (CODAL) said the institutions that are supposed to uphold the integrity of justice have been eroded by the personal favors of the administration.

“The role of the judiciary, the prosecution and the investigation do not function well to provide justice for the poor,” he said in a phone interview. “Normally, our justice system does not work for the poor, but now it has worsened because it has been used against perceived enemies of the government,” he added.

Accessibility
Diokno said that the first step toward reform in the justice system is to make it accessible to the poor.

“The poor should have a way to use the justice system for their benefit,” he said. “The high price of pursuing justice makes the poor choose to evade it.”

Many poor people languish in jail simply because they are poor, Colmenares maintained. “They cannot afford the service of lawyers,” he said.

Processes and proceedings in a criminal or civil case that normally takes three years upon filing entail huge amount of money.

According to the CODAL lawyer, acceptance fee for hiring private lawyers is pegged at P30,000, with lawyer’s fee ranging P2,000-P3,000 for every hearing. The court conducts at least six to 10 hearings for a case a year.

Investigation and basic evidence gathering would cost a complainant P20,000-P30,000, as well as court fees, which include payments for transcript and docket fee.

The complainant would pay up the same amount if the defendant files an appeal after conviction.

In attending to the court’s hearings, and in keeping the witnesses, an aggrieved party would also need some P20,000-P30,000.

Pro bono legal assistance provided by “overworked but underpaid” fiscals from the Public Attorneys Office, also comes at a price. Although they are prohibited from collecting fees, some public counsels ask for payment between P5,000-P10,000.

Money talks
But being poor should not be a factor to prove acquittal or guilt, said Colmenares. Long-time imprisonment on grounds of being unable to afford an attorney is itself injustice, he said.

In the remaining three-and-a-half years of Arroyo, rights lawyers foresee the judicial system would deteriorate.

“Kung walang pagbabago sa paglilitis ng kaso dito, lalo lang lalala ang sitwasyon natin…kung sira ang legal system wala na tayong mapupuntahan. Ganun ang nakikita naming direksyon sa ilalim ni Arroyo,” said Diokno. The FLAG chair handles the case of the Tagaytay 5, who were detained on suspicion of being involved in a recent coup plot. Bulatlat

dance

Friday, August 11, 2006

AETA


IN CENTURIES OVER, AETAS WERE REGARDED AS CLASSIC MINORITY. TODAY, THEIR BEING MINORITY HAS PROPELLED THEM TO TAKE UP ARMS TO SURVIVE.TEXT AND PHOTOS BY JHONG DELA CRUZ

A tribe member prefers not to sit on the issues that confront his sector, often regarded as 'monitority'

The Aetas put up a ritual called 'talbeg' where they butchered a pig to denounce the spate of killings that has already claimed 725 lives. At least 72 have been killed belonging to indigenous tribes

Aeta women are warriors too, coming to the protest to fight destructive development projects...

...And kids too

Straight from Zambales, Aetas picket the government's environment department

Peering through a gate, this Aeta kid had seen the excesses of development projects to tribes at early age

Now beyond the kitchen and their houses, these Aeta mothers also trooped to the protest

The string instrument played by a mother, is known traditionally as "gitaha"

Shyly, youngsters, in tow by their mothers, join the protest

Monday, July 31, 2006

Kanor

Nung isang araw ko lang nalaman na kasama na sa listahan ng mga binura laban sa aktibismo si Kanor, isang kakilala.

Pangalawang tagapangulo siya ng Bayan-Pangasinan. Nabaril nung Pebrero pa at sa ospital na binawian ng buhay, sa gitna ng kumplikasyon. Lagpas limang buwan bago nakarating sakin ang balita.

Kung paano? Sinu-surveillance ng militar ang tagapangulo ng Bayan-Pangasinan, Fr. Terry. Lumabas sa ilang report sa internet na siya naman ngayon ang mainit sa mata ng militar sa Pangasinan, matapos na patayin si Apo Jose, tagapangulo ng kilusang magsasaka sa probinsya, at kanyang pangkalahatang kalihim.

Nung isang buwan ay dinukot si Jay, organisador ng Piston, sa Pangasinan. Inilabas siya kasama ng tatlong iba, matapos ang ilang araw na torture sa kamay ng militar sa Pampanga.

Iba pag kakilala ang biktima ng pamamaslang. Dati, tila istadistika lang sa dating ng mga pangalawang itinumba ng punglo. Ngayo'y oras-oras na nakikipagtitigan sa bala ang mga kasama. At ang pangamba sa buhay, ngayo'y ramdam ng kahit 'di personal na kakilala.

Nabubuhay ako sa panahong maraming dapat isulat, maraming humihingi ng hustisya dahil hindi sila magawaran ng umiiral na estado ng mga buhong at palalo. Kung nakakamatay lang ang mura.

Si Kuya Kanor, masayahin dahil tabatsoy. Eksentriko sa istilo ng pamumuhay. Pero tibak pa rin ang turing. Si Apo, matibay na sandigan ng mga magsasaka sa Pangasinan.

At si Fr. Terry, na pangalawang tatay ko sa turing. Nang batiin ko siya ng happy fathers' day nung nakaraang taon, ganito ang kanyang sinabi sa text, "Salamat po sa pagbati. Ingat lagi."

"Ingat lagi, mga kasama. Walang ibang salalayan ng ligtas na pagkilos kundi tayo at ating mga sarili...

Thursday, July 27, 2006

Ulan

Magkapatid bang ipinanganak ang luha at ulan? Nakikita ng mata ang pagtangis.

Panay ang ulan ngayon, dala ng bagyo. Masarap magkalipumpon sa kumot (parang bulaklak sa palad na tiniklop).

Ilang ulit ko ding tinititigan ang abuhin, magaygay nang alpombra ng bahay, bago maidlip. Ang ganitong pakiramdam, na nakatitig sa walang-pagsidlang malawak, ay ‘di katulad ng pagtanaw sa ilalim ng banging nakakalula.

Bagkus, para akong inaangat sa lapag.

Ilang araw nang umuulan. Mahangin, malamig at masarap sa lahat ang magkape. (At manuod ng sine (:

Ang lamig sa talampakan ng ulan. Magtampisaw!

Ang ulan, isang balabal na nagdudulot ng sakit-sakit sa lahat. Ang ubo at sipon ng isa’y hawa sa iba. Gayunpaman, masarap pa ring magkape, ng sama-sama.

Saturday, July 15, 2006

Nicole’s Testimony Strong and Unimpeached ― Prosecution

BY JHONG DELA CRUZ
Bulatlat

Her family, lawyers and supporters hugged her and heaved a sigh of relief as Nicole, the 22 year-old Filipina complainant in the Subic rape case, emerged without a tear from the witness stand.

Nicole filed rape charges against main accused Lance Corporal Daniel Smith and three more U.S. Marines namely, Lance Corporals Dominic Duplantis and Keith Silkwood and Staff Sergeant Chad Carpentier, who allegedly cheered while Smith allegedly raped Nicole inside a cruising van at Subic Bay Freeport on Nov. 1.

Nicole’s private lawyer Evalyn Ursua maintained that Nicole’s testimony accusing the four U.S. Marines of rape remains strong.

“They failed to destroy Nicole’s statement,” she said.

Ursua concluded that the defense failed to disprove Nicole’s testimony when it chose not to further throw questions during the cross-examination.

This, after only Patricia Formosa, lawyer of main accused Smith, questioned Nicole on the issues of intoxication and her relationship with U.S. servicemen. The court session lasted for only about 40 minutes.

The defense, headed by lawyer Jose Justiniano, told reporters after the session that Nicole’s testimony was “unreliable”.

Ashamed


Nicole was composed during Friday’s direct examination, compared to the three previous trial days when she narrated the events leading to her alleged rape, which caused her “re-traumatization”.

Formosa asked Nicole to recall the lapses of time in between the drinks that the 22-year old Filipina took on the night of November 1 when the alleged rape occurred. Nicole drunk at least six times at Neptune bar when she was dragged outside by Smith into a waiting van.

Nicole, who begun her direct testimony on July 6, testified that she was too drunk to fight off the sexual assault that happened inside a cruising van.

Asked whether she thought of settling in the U.S., Nicole clarified she would go there only to finally settle with her boyfriend Brian Goodrich. Nicole revealed in her testimony yesterday, that her case has hampered her from processing her papers to the U.S.

But it was Judge Benjamin Pozon’s clarificatory questioning that pushed Nicole at the brink of tears during Friday’s court session.

Pozon asked the details of how Nicole struggled to prevent Smith from assaulting her, and how she subsequently reported to authorities about the alleged rape.

Nicole could only recall that she fought and shouted. But being scared, weak and dizzy from intoxication, her efforts failed.

The judge further asked how Smith played with Nicole’s breast during the assault. The victim looked down and whispered, “Nahihiya ako.” (I am ashamed.)

“How did Smith kiss you on the neck and lips?” asked Pozon.

Nicole answered, “Basta hinalikan lang niya ako.” (All I remembered was that he kissed me.)

When a guard of the Neptune club saw how she was “dumped like a pig” from the van, Pozon asked why she didn’t immediately told him what happened.

She only told the guard that Smith did something “bad” to her. Asked what she meant by “something bad” she told the court, “Rape.”

“Hindi naman ako proud na sabihin sa mga tao na na-rape ako,” (I am not proud to tell other people that I was raped.) she said.

On July 17, the prosecution is set to present Timoteo Soriano, the driver of the rented Starex van where the crime took place. Soriano told authorities during the pre-trial investigation that what happened was gang-rape. But he later recanted his statement and claimed that he was only forced to say so.

The prosecution has presented 20 witnesses, including Nicole, and will present five more in the next trial dates. The panel had originally prepared 40 witnesses, but the number was reduced to 25, because some witnesses would only give supporting testimonies.

Less traumatic

Dr. June Pagaduan-Lopez, a psychiatrist and Nicole’s therapist, heaved a sigh of relief after the short cross-examination.

“We felt relieved because it is now over, it’s less traumatic for Nicole,” said Pagaduan-Lopez.

She asserted that though Nicole suffers from selective memory, it is but natural for victims of sexual assault.

“There are patients who could not remember what happened to them and only through counseling, in the process of recovering, are they able to recall everything,” she said. These patients, she told Bulatlat, would stay “blank” and suffer for long time.

Earlier, she said, Nicole also had to face her anger at the violator who, Lopez noted, has removed from the victim her sense of self-control. She also has to confront her anger at herself for allowing the assault to happen.

This explains Nicole’s sudden outburst the week that she took the witness stand. During Monday’s hearing, Nicole hit Smith with her bag when the latter reportedly tripped her upon entering the courtroom. On Thursday, Nicole told the court she wanted to kill her perpetrators if she could because they destroyed her dignity.

Ryan, 23, Nicole’s older brother said in an interview that the family could now relax after weeks of prayers for his sister.

Ryan said he chose to be with Nicole during the court sessions. His job as sales management officer in a manufacturing company had already been affected by the case.

“Our family even got closer because of this case…our support for her (Nicole) cause remain strong,” he said. Bulatlat