Magkapatid bang ipinanganak ang luha at ulan? Nakikita ng mata ang pagtangis.
Panay ang ulan ngayon, dala ng bagyo. Masarap magkalipumpon sa kumot (parang bulaklak sa palad na tiniklop).
Ilang ulit ko ding tinititigan ang abuhin, magaygay nang alpombra ng bahay, bago maidlip. Ang ganitong pakiramdam, na nakatitig sa walang-pagsidlang malawak, ay ‘di katulad ng pagtanaw sa ilalim ng banging nakakalula.
Bagkus, para akong inaangat sa lapag.
Ilang araw nang umuulan. Mahangin, malamig at masarap sa lahat ang magkape. (At manuod ng sine (:
Ang lamig sa talampakan ng ulan. Magtampisaw!
Ang ulan, isang balabal na nagdudulot ng sakit-sakit sa lahat. Ang ubo at sipon ng isa’y hawa sa iba. Gayunpaman, masarap pa ring magkape, ng sama-sama.
No comments:
Post a Comment