sunset 2
Sa istasyon ng MRT, mula Ayala ay naalala kong bumagsak ang unang mga patak ng ulan ng Mayo sa Quezon Avenue. Naalala kong kabilang ako sa mga nagmamadali, sa mga nakipagsiksikan papalabas ng MRT nang ang mahinhing patak ay naging silakbo, pamatay na pananda ng tag-ulan.
Ilan ang nakapayong ngunit mas marami ang hindi handa, na kasama kong lumilim pa muna upang maghintay sa pagkatagal-tagal (habambuhay?)...
Yun na, tapos na nga ang tag-araw, ang pinakamahal ko sa lahat ng panahon. Lumipas nang hindi man lang napansin, umalis nang hindi man lang tinapos ang seryeng ito tungkol sa kanya.
At bago pa tumila, nagdesisyon akong siluin ang ngayo'y mabining ambon, gamit ang isang folder bilang salakot.
Hindi bale, malapit na ang Disyembre.
No comments:
Post a Comment