Maaga akong nagising kanina, maski na makislot ang simula ng tulog ko ng nakaraang gabi. Hindi sa problema, tingin ko'y maayos akong bumangon upang humarap sa bagong araw.
'Di katulad ng dati, "stress free" ang umagang iyon. Ang kailangan ko lang gawin, magkape, maligo at pagkatapos ay lumarga. Walang pag-alaala, walang pagmamadali, kahit buntong hininga ay inilibre sa isang araw na hindi kailangang makipagkarera sa oras at trabaho.
Pagkat, wala na akong trabaho. Noong biyernes lang, malungkot na hindi, ang importante'y habang wala pa akong trabaho, ako'y "malaya" sa sarili kong paraan at depinisyon.
Kanina sa counter ng isang maliit na shop sa Philcoa ay tumangging ipamigay ng libre ng ale ang isa piraso ng paper clip, para sa mga papeles na tiket ko upang makahanap ng trabaho... "Baka po mabilang ng kostumer na bibili, makukulangan po ng isa" ang sabi niyang nakangiti. Wala siyang pakialam pagkat siya'y may sariling trabahong inaasikaso at iyo'y siguruhing walang na-'shop lift' sa kanyang mga paninda,na pag-aari ng isang Intsik
Ang ngiti at kaunting konsiderasyon, hindi na kayang hingin ngayon ang kapirasong paper clip na halos P.07 lang ang presyo...(100 piraso sa halagang P7 isang kahon, alangan namang bilhin ko pa ang buong kahon)
Palagay ko'y hindi siya tutulong kahit sa kapatid, kahit isang milyong piraso pa ng clip ang kapalit.
No comments:
Post a Comment