Wednesday, January 31, 2007

Haywey


Gaano ba kasimple ang buhay dati?

Naalala kong umuuwi akong may hawak-hawak na supot ng coke at inihaw na mais, kahit maalikabok ang daan. Enjoy ako, lalo kapag tag-init at ma-trapik. Ang mga mukha ng mga taong pagod sa biyahe, nakasilip sa akin na inggit na inggit.

Inggit silang pagmasdan mula sa bus o sa dyip na may isang taong naglalakad lang at tila alang pakialam sa init at alikabok. Ang daan na yun, halos 30 metro ang layo mula palengke hanggang sa krus-na-kalye, na tagpuan ng mga biyahero mula norte patungong Maynila.

Maraming maliliit na tindahan na nagsara na, dahil lalakihan daw ang lapad ng kalye. Makitid kasi ito kung tutuusin, kasya lang ang isa’t kalahating sasakyan. Tama, ang isa’y kalahati lamang dahil ang kalahati nito ay nakatagilid at halos mahulog na. Ito ang pangunahing daan sa munting lunsod.

Inabot ng isang taong nagtitiis ang mga tao, lalo ang mga biyahero, sa nilalagareng daan. Kapag nagsisikip na ang trapik dito, parang parada naman ng mga taong bumababa para maglakad na lang. Sayang ang limampisong pamasahe!

Sa maliit naming bayan, maraming maraming maraming traysikel. Pagta-traysikel ang pinakabatayang trabaho dito, lalo ng mga nagbibinatang ayaw nang mag-aral, o mga tatay na hindi naman nakapag-aral. Ang traysikel din ang nagsisilbing, ‘kotse’ ng mga pamilya. Gamit sa araw-araw na pamamalengke, panunood ng sine, pamamasyal sa beach.

Sa katunayan, dalawang henerasyon sa pamilya namin ang nagta-traysikel. Dalawang tito, at si tatay, ang nagtraysikel. Si tatay, huminto nang maging kabo sa jueteng. Si uncle Eddie ay bumibiyahe pa rin, maging nuong pumalaot ang tita Lourdes, at hindi na nagbalik pa, sampung taon na ang lumipas. Si uncle Od naman, ay hindi na nagdadalas bumiyahe, matapos na magpunta sa Japan si Mailyn, malapit kong pinsan.

Ikalawang henerasyon ang bunso naming kapatid at isa ko pang pinsan, si Onyor. Si Iyong kapatid ko, binigyan ng pagkakataong makapaghanapbuhay ng mga ate sa pamamagitan ng traysikel, ngunit dalawang taon lang ata nagtraysikel, huminto dahil sa kapabayaan. Iyon na lang ang tangi niya sanang sandalan, kung natuto lamang siya.

Ako, kuntento na akong maglakad lang. Hah! Simpleng simple lang ang kaligayahan. Uulitin ko pa rin yun, ang kaibhan nga lang ay tiyak na wala na ang alikabuking daan. Ang maganda'y naroon pa rin ang trapik, at mga tindero ng mais sa daan.#

Thursday, January 25, 2007

Excerpt from Stabilo's song Rain Awhile
------------------
And I want my pain back
And I want the world to see
There’s nothing you can choose
Nothing you can lose
Except your free will to be...

So believe in yourself
Don’t wait for ground to break
Wait for ground

It's ok to feel alone
It's ok to feel not strong
Once in a while


'Cause I keep telling myself what to feel
I play make believe until it's real
Oh most of the time
Because time was never too friendly to me
Somehow change just avoided to greet me
No, oh completely
And so when reality's taken its toll
Just pretend that you are not in control
Oh complacency
And so no

It's okay feel alone
It's okay to feel not strong
Oh once in a while

Wednesday, January 17, 2007


Mahal Kita Ng Higit Pa sa Buhay Ko
Gusto kitang batiin mahal ko Sa ispesyal nating araw At sa maraming-marami pang araw Na ganito tayo kasaya;Magkalayo't magkalapit Dumalaw at humupa ang bagyo Lumabo man ang paningin IKAW-At wala nang iba pa-Ang Tangi Kong Mamahalin

Sunday, January 14, 2007

Korning entri

Minsan gusto mo sana ibang klase ng buhay ang meron ka.

Sana wala akong internet connection, dahil nauubos ang oras ko sa walang saysay na pag su-surf.

Pero nito lang, sinusubukang kong mag-sketch. Pero hindi lagi, siyempre kapag may ibang tao kang iisipin, o conscious ka na hindi mo pag-aari ang mundo, medyo may pag-aalangan kang ituluy-tuloy hanggang matapos.

Kasi sa sketch, kailangang dun lang ang oras mo, talaga. Kailangan kasing makita mo alin ang kailangang diliman, o diinan o alin ang may bahagyang anino.

Ang nakakatuwa, lumilipad ang isip mo habang nagsketch. Nakatalalang parang nakaduyan lang. Lumilipad din ang oras nang ‘di mo napapansin.

Minsan, gusto ko ding umiyak. Dahil hindi ko masarili ang kalayaan ko. Kaya mas gusto kong lumalabas, kasi sa labas, wala namang nakakakilala sa’yo.

Puwede mong gawin ang lahat ng gusto mong gawin, puwera lang ang maging, mas masaya nang konti, sana kung may kaibigan kang kakuwentuhan tungkol sa buhay.

Saka uuwi kayo, pagkatapos ng lakad, kanya-kanya na muna ng buhay.

Hindi ko tuloy alam, kung masaya, ba yung may sarili kang mundo.

Pero ang totoo, malungkot ngang mag-isa. Masarap ang may sariling kalayaan, pero malungkot pa rin sa pagtatapos ng araw.

Ang pakiramdam, kapag nakahiga, at nakatitig sa kisame, sana matapos na ang araw. Kapag kinabukasan na naman, sana matapos na ang araw na ito.

Para dumating na yung araw, na may makakasama na akong, yung hinding-hindi ako iiwan. Yung maghihintay sa akin at hihintayin ko tuwing may lakad, yung hindi magsasawa sa akin.

Gustung gusto kong dumating yung oras na, nasa matter-of-death ang problema niya, at, ako yung unang taong gusto niyang tumulong.

Ah, kailangan ko ng totoong kaibigan, kung hindi, mababaliw na ako talaga. Masarap mag-isa, pero kung lagi, nakakarindi.

Mahirap nga talagang humanap ng kaibigan no? Yung puwede mong kau-kausap, yung maiintindihan ka, yung parang walang pakialam sa kumplikado mong buhay pero kapag nasa bingit ka, o kailangan mong uminom, hinding hinding hindi siya hihindi sa’yo.

Hay, siguro yung ibang nagbabasa nito, iniisip na, ambabaw ko naman. Na mas madaming puwedeng problemahin sa mundo.

E ano naman? Siguro nga, e mababaw lang naman ang pangangailangan ko, ang may makasama sa kalokohan, etc.

Hala! Bente-singko na ako, pero parang hindi pa ako nagma-mature. Sa totoo lang, hindi ko yata kayang ganun-ganun na lang ako magma-mature.

Mahirap kayang maging seryoso, nakow! Nakakabaliw. Parang kang tangang nagpapaka-engot sa buhay.

Sana, sana. Bago ako tumandang tumanda, makahanap ako ng bestfriend talaga, yung pang habambuhay na bestfriend.

Siguro nga, hindi naman mahirap humanap ng kaibigan. Ang talagang mahirap, yung humanap ng ideyal sa'yong makakaibigan. O pareho. Haha :)

Hindi ba, okey yun? Haha, ang korni ng entry na ‘to. Hindi ko nga pinag-isipan mabuti, dahil ayoko munang mag-isip, gusto ko lang magsulat tungkol sa isip ko.

Mabuti na lang, nakakasulat ako. Aha! Siguro, ang pagsusulat, ang kasing-katulad ng bestfriend…

Okay, sobrang korni na neto. (Buntung-hininga)..

O, e di okey na ako, next time ulit :)

Tuesday, January 09, 2007

Tula para kay Gloria

O U S T.
Sabi ko na nga ba't
'Di ka mapagkakatiwalaan
Pangalan mo pa lang
Ulam na
Ng mga buwaya,
Ganid na imperyalista.

Pero hayan ka't nagdiriwang
Sa peke mong pangalan
Pagkat ika'y presidente ika mo
Eh kung bumaba ka kaya
Sa iyong puno?
Ah, hindi.
Higit ka pa
Sa kapit-tuko.


Takot kang sa iyong pagbaba
Malusaw kang parang kandila
Sa apoy na nalikha
Ng muhing bayan.

Sunday, January 07, 2007

Drowing Pad


Na-miss ko bigla ang pag-sketch. Nakahiligan ko ito dati pa, ngunit dahil alang gamit, alang oras, ngayon ko lang muling nasubukan. Si Justin ito, pamangkin ko.

Nami-miss ko din magsulat ng mga entring pam-blog, pang-senti. Ngayon, hindi ako makapagsulat. Mas nakaka-engganyo ang mag-sketch. Mas nakaka-relaks sa pag-iisip.

Nag-se-serf din ako sa internet, kung paano ang charcoal sketching. Isang ka-trabaho din ang nagpayo sa akin, unang gawin ay gumuhit ng awtlayn para sa mukha. Bilugan, oblong o parihaba depende sa mukhang iguguhit. Saka gumuhit ng mas manipis na oblong para sa mata, isa pa para sa bibig. Mula taas, gumuhit naman ng oblong sa gitna, pababa, para sa ilong.

Tignang maigi kung nasaan ang madidilim na parte ng referens, yun ang iguhit at hindi ang mga linya. Ang mga bahaging nasisinagan o nakukublihan ng liwanag, yun ang bigyan ng higit na pansin. Kung saan nanggagaling ang liwanag, yun ang gawing punto-de-bista.

Sa internet naman, iguhit ang ulo kung saan ito naka-kiling. Gawing mas malaki ito kesa sa nakikita. Saka gumuhit ng malaking T, saka krus sa gitnang bahagi ng T, at isa pang mas maliit na krus. Ang itaas ang magsisilbing di-markasyon o kilay, sa pagitan ng noo at mata. Ang dalawang maliit na krus ang magsisilbing ilong at bibig.

Unang iguhit ang mata, ang puti ng mata ay hindi puti. Ang itim na bilog ay hindi rin panay na itim. May maliit na kudlit, o tala, sa gitna ng mata. Ang talang ito ang palatandaan ng saya, o lungkot. Unti-unting nawawala daw ang talang ito sa isang taong naka-durog.

Ang itim, ang abuhin, ang puti, iyon ang lilikha ng sketch. Meron kayang salitang Filipino sa sketch? O sketching? O sketches?

Nami-miss ko tuloy ang magsulat.#

Wednesday, January 03, 2007

Keh-na-duh




Kuha sa telepono, Setyembre, 2006. Gaya ng halumigmig na sumalubong sa aming pagdating, kahit sa malayo ay mukhang yelo na ang tanawing ito. Magandang bansa ang Canada.