At sinabi ko sa sarili: kailangan kong mag-isip, ng makatuturang pag-iisip para muling pumili kung aling landas ang dapat tahakin. Bente-kuwatro anyos na ako nung huling Disyembre...bente kwatro at marami pa rin ang nagsasabing bata pa ako, marami pang mangyayaring mas maaayos kung pipiliin ko.
Ayaw ko pang tumanda, pero gusto ko nang makita kung ano ang kahihinatnan ko. (Lalo, kung ang tutuparin ng mga guhit ko sa palad ang ambisyon na makapgsulat, habambuhay?)
(PS -as in PaiStorbo- kanina pa nagtetext saken ang mga putakteng kumpanya ng langis para lang sabihing magtataas na naman sila habambuhay ng kanilang mga presyo)
Maraming umaasam maging batang muli kahit imposible. Wala kasing katulad ang murang isipan, ang pag-iisip na naguumpisa pa lang. Kung sa panahon ngayon, mahirap na ang maging bata. Hindi umuurong ang panahon, ang pagunlad samantala ay tila may sariling isip na gustong magbigti.
Bente-kuwatro at bumibilang pa. Ilang taon pa ba ng pag-iisip para sa finale?
Ang sabi ng ate, masyado daw akong nag-iisip, bente kuwatro pero hindi akma ang mga sentimyento sa buhay. Ito ang nakukuha ko sa pagiging laid back, imbes na magpahinga at tumunganga, ay namamaga ang isip sa kakagana. Kung may sense ba naman, aywan na lang.
Pero, gusto kong magsilbi. Ng walang inaasahang kapalit. Yun lang piryud. Sa paanong paraan? Iniisip ko pa.
Pwede ninyong panoorin yung motocycle diaries, inspirasyon ng sentimyentong ito
Gusto kong arukin ang kabuluhan ng pag-aalay ng buhay. Bawat hibla ng araw ay ilalaan para sa mga laging nawawalan. Walang oras ang masasayang.
Paano at kailan, saan?
Gusto kong maging doktor o nurse ngayon na. Para may lisensya akong dumama sa sakit, ramdamin kahit ang hinanakit.
Husto ba ang maging manunulat? Sa ngayon, tila kulang pa. Dahil siguro'y bubot pa kahit ang kakayahan at karanasan ko. Sa malaot madali, wala akong makitang sinag at liwanag (usapin ng sino at para kanino ang babasa) sa dulo ng buhay ng may buhay na sinulat...
Masarap pansamantala ang mag-isip, sa dulo nitong tila walang katapusan, umaasa ang pusong may maramdaman naman at kumilala ng ibang nilalang.
No comments:
Post a Comment