Wednesday, February 22, 2006

Tekat

Syeyring (?) kami ni ate kat(rina acupanda) ng mga angas sa 'di matuluy-tuloy, di matupad-tupad na mangarap na maging fiction writer.Laman sa pagitan ng aming kulitan ang pangako at walang kapararakang pag-asam na makapagsulat.

Pero ngayon, siguro'y pakabang ginagalugad ng kanyang sinakyang eroplano ang Vegas. Ilang taon na di naman sabi niya, na hindi sila nagkikita ng tatay niya at ngayong nabigyan ng pagkakataon, bakit hindi?

Ang isang bagong lugar, kapwa mabigat na pasanin at factor para piliin natin na umalis,maglakbay,bumalik,umalis ulit at humanap pa ng ibang masisilungan.

Malawak ang mapa ng Amerika, o Las Vegas na lang kung ikukumpara sa mapang nabuo niya sa sarili: isang buwan munang makikipagtitigan sa buhay na meron sa isang dayuhang lugar,saka siya magdedesisyon ano ang kayang gawin sa hindi.Ang tiyak, mahusay siyang magsulat at pinaghandaan na niya ang mga materyal dito pa lang.Isang portfolio para sa sarili na sisikapin niya matapos sa dulo ng kanyang pakikipagbuno sa Amerika.

(Siguro'y...siya at si Aubrey lamang ang dalawa mga babaeng napagbubuksan ko ng malupit na pangarap na makapagsulat.Ng lalim kung paanong sairin ako ng mga pagkakataon at panahon sa paghahanao ng oras na harapin ito.)

Maiiyak siya at matatawa, pero alam niyang tama sa ngayon, na pumalaot para makapiling ang ama.Sa takot marahil,bahagi ng kanyang biyahe ang dalawang-isip na tumuloy pa.Naghihintay man ang Amerika,alam niyang matagal na rin siyang hinihintay sa sariling bansa, ng isang tulirong panahong umuungol ng pagbabago.

Ang pag-alis at pagbabalik ay dalawa sa maraming bagay na mahirap asahan at madalas kaysa hindi, masakit sa isip at sa puso ang tama.Tuloy,nagiging paborito ko ang linyang So what's the glory in living...Doesn't anybody ever stay together anymore...And if love never lasts forever Tell me what's forever for...

Wala namang nagsabing may habambuhay talaga.May pangakong napapako pero may pangako ring natutupad.Sa sarili at sa mahal,buhay man ang katumbas.

2 comments:

Kat said...

EN! naiyak ako anubayan.

Misyu.

en en said...

ingat ate misyu din :)