Wednesday, February 22, 2006

Sense, meron ba?

Siguro mas pipiliin ko na lang magsulat sa Filipino.Naman kasi, marami nang nagsusulat sa Ingles.At ang toxic na trabaho ko, ang moda ay Ingles so, bakit pako mag-i-ingles?O aminin ko na lang na kahit sa UP pako nag-aral, bobo din naman talaga ako sa dayuhang salita gaya ng maraming Pilipino na umaasang umasenso sa simpleng paggamit ng Ingles.

Antagal tagal ko nang gustong magsulat.Yung ganto lang.Walang pakialam dahil sigurado ako wala din namang makikialam.Gusto ko at para sa akin, malalim na dahilan yun para tayo magpatuloy.

Galit nga ko minsang sumulat.Paano, pakiramdam ko nauubusan nako ng panahon, maraming factor sa totoo lang.Nawawalan ako ng panahon,o wala nang panahon sa akin ang pagsusulat.Parang ggrr.Alam mong kulong pero hindi mo kaya sa ngayong pakawalan.Alin ba kasi?Yun na.Hindi mo kilala ang demonyong kung tawagin ay angst.O angas.

(Hala,siguro mas maraming angas sakin ang taong lumikha ng blog.Okey kung ganun.At nagpapasalamat ako sa kanya.)

Hay,baka lang kasi, lamunin ng gulo ng Maynila ang lahat ng masarap sa pagsusulat.Kahit pa sabihing ang Maynila ay gubat, ang maruming dagat kung saan ang lahat ng karumal-dumal ay may lugar para sa pagsusulat.Tulad ko?At lahat ng batang manunulat ng ating panahon.

Pero may pero.Sa kabilang banda,wala namang masama na patuloy na umasa.Wala din namang masama na piliin ang pagsuko, kung ito ang talagang kahahantungan nito.Ang mabuti,may paraan, at may magagawa.

Hindi pa naman huli.Ang lahat ay darating sa huli pero hindi sa ngayon.

No comments: