kapag nakatanaw ako sa labas ng pinto ng dyip, alam kong gusto ko ang nakikita ko.kuntento ako kahit anuman ang maabutan ng aking tingin.dahil may pamilyar, masarap na pakiramdam na nasa pusod ako ng lugar na malapit saken.
ang ragasa ng tao, sa dyip, sa bus, sa mrt, sa SM, sa UP, sa Recto, sa Quiapo, ang araw-araw na hulas ng kanilang mundo. ng aking mundo. tang 'na maraming tao sa Maynila, niknik ng mga tao sa Maynila, iba iba, pare-parehong mukha. gusto kong sabihin na lahat sila'y may pamilyar na mukha ng taghirap.
nadidinig ko ang iyak ng aking tsinelas dati, kapag nasa UP ako.sasakay ako mula Pantranco, magbabayad ng diyes pesos, madadaanan ang maraming sosyal na putahan, isang mall, ilang botika, at lumalaki na nagiging higante ang mga billboards. unti-unting maninikip sa may parang u-turn sa quezon av kung saan walang Jollibee at nagkalat ang ukayan.kapag umuulan, humuhulas ang patak mula sa itaas ng matarik na overpass.dadaanan ang ilang opisina ng gubyerno na nabubukbok, di maikaila na kahit sila'y inaanay ng mismo nilang pinagsisilbihan.Napocor, children's center, national housing, agri dept, dar, q city hall.
hay philcoa na.ilang saglit pa'y alam mong nasa UP ka na.dati, may masarap na pakiramdam ang pagpasok pasok sa UP.kung saan, alam mong libre ka, welkam ka.wala kang ipag-aalala sa iisipin ng ibang tao.malaya kang sabihin ang isip mo, masigla ang debate na umaabot sa puntong may kanya-kanyang kahon ang mga tao.ang usapin ng malayang isipan, idinudugtong kaagad sa pagiging rebelde.na siyang mali.
maraming masarap gawin sa UP.ang totoo, balak kong mag-aral pagbalik ko 2 taon mula ngayon.kating kati na ako sa maaari kong matutunan, na labas sa kahon.
kapag nakatunganga ako sa kisame bago matulog, dun ako relaks na relaks.nakalapat kasi ang likod sa matigas na sapin sa sahig na kinumutan ng regalong malong.magiging abala ang electric fan maya-maya, dahil masarap ang alinsangan kahit hanggang madaling araw.wala akong pakialam, pero kakanta ako sa saliw ng aking gitara.nagugutom ako pero wala ding pakialam ang aking sikmura pagkat, nasa alapaap ako.
alapaap, wala hindi hihindi sa eraserheads.paulit-ulit man, sa computer, sa gitara, sa banyo o sa kuwarto, masarap pa ring awitin ang etc.
iba't ibang mukha ng taghirap, walang ibang magsusulat tungkol sa kanila kundi kami.kaming pinili na bigyan ng espesyal na espasyo ang kanilang usapin.ah, masarap silang kasalo sa rally o martsa.hindi mo sila kilala, pero ipinakikilala nila sayo ang kanilang digma.nakangiti ka sa kanila, dahil masarap ang ngiting pabalik na nagmula sa walang-wala.yun na lang kasi ang kaya nilang ibigay, at ikaw, kahit walang-wala ka din ay magbibigay ka ng lahat ng iyong lakas, pagod, iyak, frustrations, at saya.
ang totoo, sa sarili mo, nagdududa ka talaga kung matutulungan mo ba sila.kung may patutunguhan ba talaga ang paulit-ulit mong ipinapaliwanag sa kanila.kung hanggang kailan mo kayang balikatin ang hirap ng pinili mong desisyon.pero sa dulo ng mga bagay-bagay, hindi mo sila maiiwan.
hay, magtatapos na ang araw.pero hindi pa ang pakikibaka.sa pansariling buhay at buhay ng iba.gusto ko pa rin namang maniwala,pagkat ano nga ba ang saysay ng nakahubad na si Oble kundi pag-aalay at pag-aalay?
3 comments:
hi misty,
nice to know sumone's reading my blog.haven't seen world travel blog.hmm
i shantaria.yup, by all means hook me up. :) tnx
hey, stop bugging meif you aint really reading my blog.get away
Post a Comment