jhong,
saang probinsya? baguio--summer resort yon a : )
kung pakinggan kita, napaka-apologetic mo sa sitwasyon mo. parang ibang-iba ka sa karaniwan, e ang dami namang mahirap na filipino. kung writers naman, at lalo pa nga ba sa filipino, lalo ka nang ordinaryo. kung babasahin mo ang bakgrawn ng maraming manunulat, sa katunayan ay ang major writers sa filipino--edgar reyes, dominador mirasol, atbp.--mga ordinaryong pamilya ang pinagmulan. kahit si f. sionil jose, paborito niyang ikuwento, noong bata pa siya, para lang makapagbasa sa gabi, sa ilaw ng poste siya. etc., etc.
yang pagsusulat, kung talagang gusto, maidaraos iyan. may sinusulat na itatago muna. puwedeng balikan, rebisahin. puwedeng matapos, puwedeng hindi na. posibleng mag-umpisa ng bago--na matatapos at magugustuhan. paulit-ulit ang proseso. puwedeng magustuhan mo, na ikaw lang pala. puwedeng magustuhan ng iba.
maglathala. sumali sa kontes. may kontes na ikaw lang ang may pakontes, ikaw rin ang kasali. kung hindi ggawin ang pagsusulat, paano mapapraktis? paano magiging manunulat.
sa totoo lang, madaling maging manunulat. mas ayoko, mas mahihirapan akong maging sundalo. o embalsamador (mahina ang sikmura ko, at matatakutin ako). maging kargador. maging matadero. maging prosti--mahirap magka-aids.
naroromantisays din naman natin ang pagsusulat, ang maging manunulat. iniuugnay natin sa kahirapan. pero may iba rin namang trabaho, propesyon na kaugnay rin ng kahirapan. hal., metro aide. mas mahirap ang magkalkal sa payatas.
ang sarap ngang magsulat e. syempre, panahon ngayon ng laptop. pero ako, wala akong makinilya sa unang dalawang kuwento ko. kaya sulat-kamay lang.
nitong manalo ako sa manila critics circle, may isang young writer from ust, siya ang nanalo sa novel, english. nangiti ako, dala-dala niya ang notebooks, ordinary lahat, ipinakita niya sa audience. iyon ang kanyang nobela! kuwento niya sa acceptance speech, sa klase niya sa ust, bored na bored siya sa isang subject, at sa subject na iyon, wala siyang ginawa kundi magsulat sa notbuk ng kanyang nobela!
interesting, di ba? iniisip ko, paano kaya hindi siya nahalata ng prof niya? at ang tiyaga niya, sulat-kamay sa panahon ng computer at laptop?!
si rizal, sinulat ang nobela niya malayo sa convenience ng ancestral house nila sa laguna--wala na siyang pera, walang heater ang kuwarto niya sa europe. napunta na ako sa europe, at kahit may heater, ginaw na ginaw ako, kaya alam ko ang feeling ng isang filipino na hindi sanay sa pamatay na winter, kung paano magyelo ang dugo sa isang kuwartong walang heater.
kung tutuusin, sa akin, madaling magsulat, kaysa maging isang sundalong kailangang pumatay ng tao, etsetera, etsetera...
kumusta?
ms fanny/mam fanny : )
No comments:
Post a Comment