Kasi, mabilis lumipas ang mga araw.
Kahapon lang, mag-isa ako. Ngayon, magiging tatlo na kami, ng aking mahal, ng aking magiging panganay. Noon lang bente singko akong tao na nasa kalagitnaan ng buhay, noong nakaraang araw lang bente-syete na ako.
Ah, wala akong reklamo. Pagkat ginawa ko naman ang mga pinakamabuti, at maayos din ang naging mga kapalit. Wala naman akong mahihiling pa sa aking present, siguro lang ang patuloy na makaagapay sa araw-araw hanggang maabot ang mga pangarap.
'Di ako umaasa sa pinaka, hindi ako magpapakahirap na abutin ito, gaya ng ibang mga Pilipino dito sa kabilang mundo. Hindi ko sila masisisi, dahil sila'y nangangarap din lang. Ang pangarap ko naman, simple lang. Maging nars, maging mabuting asawa, maging matatag na tatay.
Oo, ang maging nars. Oo, dahil "in-demand". Oo, dahil sa kabilang banda, alam kong magiging mahusay akong bantay para sa aking panganay, asawa, ina at tatay, mga kapatid ko, at ibang mga tao.
Dati pa, alam ko na ang kakaibang kaligayahang nakukuha sa pakikisama, sa kanilang mga walang-wala. Masarap din naman ang magsulat tungkol sa kanilang mga istorya. Hindi ko naman iwinawaglit ang propesyung ito.
Siguro lang, kailangan ding gamutin ang mga sakit na dulot ng kalam ng kanilang sikmura, gaya ng matagalang-gamutan na kailangan sa ugat ng kanilang problema. Kasabay ng pagmumulat sa kanila sa kanilang kalagayan, ang pansamantalang lunas na maaring ibigay sa sari-sari nilang karamdaman sa katawan.
Higit pa rin ang lunas na maibibigay ng habambuhay na pagkamulat, pero doble ito kung maisasalba ang katawang bibigay na sa kahirapan.#
Tuesday, December 30, 2008
Monday, December 08, 2008
Saturday, November 22, 2008
Taguan
Friday, November 07, 2008
Muling Pagkikita
Ang totoo, pangalawang beses ka pa lang naming nakita anak. Pero gusto kong malaman mo na noon ka pa namin minahal.
Isang buwan pa lang ang lumipas, pero malaki na ang ipinagbago mo. Madalas na rin naming nararamdaman ang mga pagkislot mo.
Buong-buo ka na, kaunting paglaki na lamang at maaari ka na naming ipakilala sa mundo. Alam na rin naming, magiging junior ka ng ating pamilya. :)
Hayan, sana'y maging maayos ang paglaki mo. Eksayted na yata ang buong mundo sa pagdating mo!
Wednesday, September 03, 2008
Unang Sulyap
Ngayo'y nakita ka na namin, anak.
Pakiramdam ko'y napansin mo kaming nakatingin sa iyo ng iyong nanay, pagkat kumislot kang parang sumipa o dumuyan, parang sinasabi mong "Tatay! Nanay!"
Mga mumunti mong daliri, sa kamay at paa. Ang munti mong katawan. Ang pintig ng iyong puso.
Magkikita tayo ulit, bunso :)

Tuesday, August 05, 2008
Muntig Pintig
Mahal kita nang tanang buhay ko, ngayon pa lang, anak.
Dumating kang parang tala, na sa impis mong liwanag, parang luminaw ang buo kong mundo, ang mundo namin ng iyong nanay.
Ang nanay mo, umaarumbang sa magkakahalong kaba, saya at pagkalito. Maraming nagaganap sa kanya na dala ng iyong pagdating. Mga tanda na may isang ikaw, na magiging bahagi ng aming mundo pagkalipas ng siyam na buwan.
Anak, naiba ang pagtingin ko sa mundo una pa lamang malaman naming paparating ka. Na buhay ako, na bahagi ako ng mundo, na magiging tatay na ako.
Lagi kitang kinukumusta kay nanay mo, sana nadadama mo ang bawat haplos ko sa tuwing hinahaplos ko ang tiyan ng iyong nanay. Sinasabi kong mag-iingat ka anak.
Sa ngayon, siguro'y magdadalawang-buwan ka na. Kung maari lang tuusin ang buo mong edad pero hindi. Pagkat minu-minuto o bawat segundo pa nga, ay lumalaki ka sa milyun-milyong selula na magiging mong mata, ilong, labi, tenga, paa't mga kamay.
Pero alam mo bang nauunang pumintig ang maliit mong puso?
Magpagkatatag ka anak. Ngayong ga-bubot ka pa'y gusto kong malaman mong masaya kami ng iyong nanay sa iyong pagdating.#

Friday, July 25, 2008
Saturday, June 21, 2008
Pulang pamilya
Gusto ko pa ring magtayo ng mulat na pamilya. Salamat sa aking mahal, at ibinalik niya sa piktyur ng mga pangarap namin na makapagpundar ng isang pamilyang pula.
Dati kasi, buhat nang dumating ako dito sa ibang bansa, hindi ko man lamang napansin, na kasabay nang nabago ng mga sitwasyon ang pangarap kong iyon. Basta't kumportableng buhay may-pamilya, ayos na sa akin ang simpleng ganuon lang. Na lahat-lahat ng ginagawa ko sa present, ay dahil sa ganuon na nga, ideal family.
Salamat naman, at muling binuhay ng pulang kasabihang, "simpleng pamumuhay, puspusang pakikibaka," sa isip ko ang pagbubuo ng ibang uri ng pamilya.
Nakikita ko naman sila ate, de-bahay, de-kotse, ubos-yaman para sa kanilang mga anak. Parang klasrum din pala ang pagpapamilya. Kailangang tumingin sa bintana, lumabas kung kailangan, para makita na ang ganitong isip sa pagpapamilya ay bunga din ng 'di matuwid na sistema.
Kasi 'di ba nga naman, parang sinasabi na upang maging masaya ang pamilya, kailangang isandaang porsyento ng lakas ang gugugulin para maging kumportable. Kung salat sa materyal na pangangailangan, parang hindi na makakatayo ito. Paano naman kaya ang pag-igpaw sa sarili para sa iba, ang pagpapalaki ng mga anak na may malasakit sa kapwa at sariling bayan?
Tayo pa namang mga Pilipino, dahil sanay sa hirap, handang kalimutan ang lahat ng kinalakhan, masabi lang sa bandang huli, na tayo'y nakaangat.
Masaya namang tignan ang pamilya nila ate. Mukhang fulfilled naman sila bilang mga magulang. Pati mga asawa nila'y pawang mga perfect husband. Nahahawa din sila ng aming pagka-Pinoy pagkat nasasanay na nakikisalo sa isang malaking pamilya.
Masaya na nga siguro sila sa ganuon lang..
Sino nga naman ako para magsalita? Ako nga'y narito at nagpapaka-lasing sa hatid na oportunidad ng ibang bansa. Sa katunayan, parehong daan din naman ang tatahakin ko para maihanda ang sarili sa pagtatayo ng sarili kong pamilya.
Pero lagi namang may lugar ang mapulang digma para sa mga gusto pang mag-alay. Lalo pa kung sa oras na iyon, ang punla ay naipasa na sa susunod pang henerasyon. #

Friday, June 13, 2008
Babae sa Lunsod*
Siguro'y hindi niya alam ang pupuntahan, o paano ito puntahan, kaya't palinga-linga siyang tila nawawala, isang matinis na araw sa kahabaan ng kalye Espanya.
No. 4 Sisa St., Espanya, Manila. ang palantandaan ng bahay ay berdeng gate at ang mismong tahanan ay bungad ng pasikot na looban. Magtanong siya kung kailangan, lalo kung abutan siya ng hapon. Babala na karaniwan sa isang bagong salta, mag-ingat sa lunsod.
Ang lunsod sa kanyang paningin ay mas mabait kaysa sa kuwento ng mga bumalik sa kanilang baryo. Niknik ng tao, sala-salabid ang daan, ang hulas ng sasakyan ay tila 'di mapatid na linya ng langgam. Mabaho ang daan, bahain, may dumi ng asong nagkalat sa maraming kanto at ang polusyon ng hangin. Ngunit iba ang dating sa kanya ng Maynila. Isa itong bagong paraiso kumpara sa payak na buhay sa baryo.
Ang kanyang pag-alis ay hindi bago sa kanilang lugar. Sa totoo lang, kilala ang kanilang lugar sa dami ng mga kababaihan at kalalakihang lumuluwas upang magtrabaho bilang kargador, katulong, sales girl, promo girl, at may kilala din siyang pumasok na sa prostitusyon.
Tiyak na hindi siya ang pinakahuli. Na'ron pa sa Minda, ang kababata niya na nagbabalak ding umalis at napangakuan niyang tutulungan oras na maiayos ang buhay sa Maynila.
Namimitig na ang kanyang kalamnan sa likod, sa batok at sa piye. Hawak niya ang isang sobre na naglalaman ng address ng bahay kung saan siya mangangatulong. Lukot pa iyon buhat nang magkapaalaman sa kanyang pamilyang iiwanan. Kahit memoryado niya'y gusto niyang makatiyak.
II.
Gusto na niyang layasan ang pagiging alila kina Mrs. Mijabr, ang bumbay na amo. Sukang-suka na siya, lalo na ang kanyang punong tainga, sa pagluluto ng mga maanghang na pagkain. At magmula nang dumating siya'y hindi pa siya nasusuwelduhan, lumipas ang limang buwan.
Alibugha ang kanyang among babae. Mausisa sa bawat gawin niya, inuungkat maging gawa-gawang kuwento o mga personal niyang lakad. Pinagdududahan ang paglapit-lapit sa kanya ng kanyang mister na talaga namang kaduda-duda, sa agwat pa lang ng kanilang edad na halos beynte.
Naaaliw siya samantala, sa palabirong mga anak ng kanyang amo. Kapwa mabibilog ang kanilang mga mata, kapwa may biloy at kapwa din makapal ang alun-along buhok. Masayahin ang mga bata. Kahit laging nasisigawan ng kanilang tunay na ina'y nakukuha pa ring masayang palipasin ang maghapon kasama siya.
Inihahatid niya sa iskwela ang panganay na walong taong gulang at ang kanyang ama ang sumusundo. Siya at among babae ang abalang naghahanda ng hapunan, upang pagdating ng dalawa'y kakain ang buong pamilya saka magpapahinga. Ngunit siya'y saka pa lamang makakakain matapos na mahugasan ang lahat ng kailangang hugasan mula platito hanggang pinaglutuan. Saka siya kakain ng pagkaing karaniwa'y tira.
Sabagay ayaw niya din naman ang pagkaing bumbay kahit lumipas na ang buwan na pare-parehong putahe ang kinakain ng pamilyang pinagsisilbihan.
III.
Inuuntag siya ni Nindong, matador sa palengkeng madalas niyang puntahan pagkatapos maihatid sa iskwela ang panganay na anak ng kanyang amo.
Sagutin na daw siya pagkat limang buwan na itong nanliligaw ngunit ni meryenda sa labas ay hindi ito mapa-oo. "Dahil ligaw-palengke ang alam mo!" ang lagi niyang isinisagot dito. Natuto na siya kahit paano ng buhay sa lunsod. Ayaw niya ng ligaw na dinadaan sa tawaran. Ayaw niyang isiping mababa na nga siya'y ganun pa rin sa larangan ng pakikipagmabutihan.
Niyayaya siya nitong mamasyal sila at kumain sa labas. Mag-out of town sa Baguio, Tagaytay o sa malapit n beach. O kahit magsimba na lang. Ngunit lagi siyang humihindi.
May isang araw na namalengke siya't muli siyang niyaya ni Nindong na magsimba sila. Kailangan daw niyang magpahinga naman, dahil tila wala itong day-off man lang. Sinabi niyang wala siyang perang magagamit kung lalabas sila. At mahigpit ang kanyang amo.
Subukan daw niya, pagkat birthday ni Nindong at sana'y mapagbigyan siya kahit man lang sa araw na yun. "Titignan ko pero 'di ako mangangako," sabi niya sa lalaking nangakong maghihintay sa isang kitaan.
Dumating ang Linggo ngunit hindi siya nakarating. Ayaw pumayag ng kanyang amo, pagkat araw daw iyon na naroon ang buong pamilya at kailangang nandun siya.
Sumunod na namalengke siya'y wala silang imikan ni Nindong. Ganundin nang sumunod pang araw. Hanggang iba na ang nagtinda sa kanya sa sumunod pang araw.
IV.
Martes ang araw ng kuhaan ng basura sa kalyeng iyon ng Maynila kaya't Lunes ng gabi pa lang ay inilalabas na niya ito.
Kung ilang araw na ring umuulan, laging nangungulimlim ang langit kahit sa gabi. Nagkalat sa estero ang mga basura, may mga asong laging nangangalkal sa mga ito, pala-alsa naman ang iba pang maliliit na dumi't nabubulok na materyal sa bahang nalilikha ng ulan.
Mabaho ang estero, mabaho ang mala-kumunoy na amoy na nanggagaling sa kaloob-looban ng tulad ng bahaging ito ng Maynila.
Sa ulanan niya inilabas ang mga basura. Hindi pa siya nakakalapit dito'y nagdilim ang kanyang paningin sa makapal, matipunong kamay na tumakip sa kanyang mukha, lumingkis sa kanyang mga bewang. Namamalisbis ang sasakyan.
Sinasakmal siya, nararamdaman niya ang bigat ng lalaki sa ibabaw niya. Nakatakip sa kanyang mata ang isang panyo, nakagapos ang kanyang mga kamay. May busal din ang kanyang bibig. Masakit sa likuran na nakasandig siya nang alangan sa malamig, sementadong dingding. Nakahubad siya't tila nalalapnos ang kanyang puwitan sa paulit-ulit na ginagawa ng lalaki.
Nalalasahan niya ang dugo ng kanyang dila sa busal sa pagtatangka niyang sumigaw. Napapaluha siya sa hindi niya maunawaang sakit, napapaigtad siya't sumisipa ang kanyang paa.
Dinadaluhong siya ng lalaki. Garalgal na ito't pagod sa paulit-ulit na ginagawa. Nang maramdamang siya'y nagkamalay ay mas mahigpit ang pagsakmal nito sa kanyang leeg. Kumaripas ang kamay sa mga bahagi ng maselang katawan ng babae. Nalalapnos ang bahaging iyon ng kanyang balat, dahil ngayo'y mas mabilis na dinadaluhong siya ng lalaki. Hanggang ito'y makaraos.
V.
Umaandap-andap ang ilaw sa paroo't parito ng matabang mukha ng doktor sa kailaliman ng gabi sa isang himpilan ng pulis sa Tondo.
Gusto niyang itanong sa doktor kung paano siya nakarating dito, pagkat makislot ang kanyang ala-ala. Magbaba siya ng tingin at nakikita niya ang kanyang mga sugat. Hindi matakpan ang mga iyon ng magulong ayos ng kanyang damit. Hindi siya umiiyak, ngunit panay ang labas ng sipon sa kanyang ilong.
Pinapahiga siya ng doktor, pilit tinitiyak na anuman ang gawin nito ay hindi siya masasaktan. May padaan-daang pulis sa labas ng maliit na klinik.
Natapos ang eksamen, saka siya binigyan ng pangunang-lunas sa kanyang mga sugat.
Nakatakas ba siya? Hindi niya alam. Ngunit naalala niyang pumapara siya ng mga sasakyan sa kahabaan ng C4. Bahagya siyang makalakad sa iniindang mga sakit sa katawan at mga tinamong galos. Nakikita niyang nakalugmok sa tulog ang ilang bata, o pamilya sa kalsadang iyon. Lugmok na tulad niya sa salaulang lunsod.
Hanggang lumuhod siya't tanging kamay na lamang ang bahagyang kumakaway sa lahat ng mapadaan. Nasisilaw siya sa mga sasakyan. Tila ito flash ng kamera na mabilis na nagpapakita ng nangyari.
Dumating ang mga nagpapatrolyang pulis at sumunod na kinunan siya ng statement sa himpilan at inalalayan sa kalapit na klinik upang ipatingin.
Dalawa hanggang tatlong araw pa bago lumabas ang resulta, habang nagsampa na ng kaso ang pulisya upang simulang hanapin ang gumawa noon sa kanya.
Gusto niyang umidlip. O uminom muna ng tubig bago umidlip. Pakiramdam niya'y noon lamang siya nauhaw nang sobra, sa pinakamahaba ring gabi ng kanyang tanang buhay.
VI.
Walong-libo't limandaan. Sahod niya sa anim na buwan nang pagpapa-alila kina Mrs. Mijabr.
Isa-isa niyang tinitiklop ang mga 'di naman gaanong nagamit na damit. Isinisilid niya sa maleta ang ilang bago-bagong piraso na galing sa kanyang amo. Mga ala-ala ng kanyang mga alaga. Samantala, maayos din niyang iiwan ang kuwarto, na pinagkasya lamang sa ilalim ng hagdan.
Isang linggo matapos ang nangyari sa kanya'y pinapaalis na siya ng kanyang mga amo. Alam niyang ayaw ng among lalaki ngunit mapilit lamang ang babae. Noong isang gabi'y naririnig niya silang nagtatalo. Malas umano ang babaeng napagsamantalahan ayon sa kanilang kultura. Walang magawa ang amo niyang lalaki pagkat maging siya'y tauhan lang din sa bahay na yun.
Dama niyang siya'y nakalaya, matapos ang limang buwan ng pagpapa-alila. Malilimutan din siya ng mga musmos pang alaga, pero siya'y hindi sa kanila. Marami siyang ibinilin sa panganay, na alagaan ang kapatid at maging matuwid sa aral. Piliting hindi muna makapangasawa, dahil sa maagang edad ay ipinareha na ng kanyang mga magulang sa kasosyo nila sa negosyo.
Ni hindi siya nalungkot sa pag-alis sa lugar na iyon. Ang mas malaking mundo ng Maynila ang hanap ngayon ng kanyang paa.
VII.
Walang gasinong tao sa terminal ng bus sa Cubao, maghahating-gabi ng Martes. Yakap-yakap niya ang lahat ng naipong gamit buhat nang lumuwas siya sa Maynila.
Nakangiti siya'ng nakatulala, pagkat unang beses siyang nakapamasyal kanina bago tuluyang nagpunta sa terminal. Namasyal siya sa Luneta at Manila Bay, kumain sa isang fast food sa Kalye Kalaw.
Bagong simoy ng hangin, na malaya niyang sinarili. Masigla ang kanyang lakad mula Kalaw hanggang maupo sa isang banda sa palibot ng lawa sa Luneta. Ah, masarap ikuyakoy ang mga paa, habang palinga-linga sa buong paligid. Magkakasintahan ang nakita niyang naroon, magkakapareha na may iisang tagpuan. May pami-pamilya at may tulad niyang nag-iisa lang.
Magaang ang kanyang pakiramdam, hanggang mapagmasdan ang paglubog ng araw sa daungan ng Maynila. Naluha siya, pagkat ngayon lamang niya naunawaan ang ilang bagay tungkol sa sarili. Na siya'y nag-iisang tumitindig sa kagubatan ng lunsod at siya'y lumaya.
Magiliw din ang lambong ng araw sa probinsya, sa isip niya. Alam niyang siya'y magbabalik sa kanilang bayan, nang walang pakialam kung siya ba'y nagtagumpay o hindi. Pagka't kahit paano'y naranasan niya ang ibang klase ng buhay kahit iyo'y 'di pangkaraniwan sa karanasan ng tulad niyang nanggaling sa nayon.
Malambing din naman ang paglubog ng araw sa kanyang bayan. Banayad ang hangin, at kumikislap na ginto ang dagat ng aanihing palay.
Doon niya sisimulan ang bagong buhay.
VIII.
Ang ngalan ng batang lalaki ay Manuel, siya ang ikalawang Manuel sa kanyang pamilya.
Ngunit siya'y naiiba sa unang Manuel na pangalan ng kanyang lolo. Matangos ang kanyang ilong, bilugin ang malalim na mga mata, alun-alon ang buhok at kayumanggi ang kanyang balat. Sa edad na trese ay kakatapos lamang sa elementarya at ngayo'y sa Maynila na magpapatuloy ng aral.
Dala siya ng kanyang ina sa biyahe. Humihilig siya sa kanyang balikat na parang sanggol ulit. Ayaw niyang iniiwan siya ng kanyang ina, maging sa CR tuwing humihinto ang bus.
Ang palikuran sa kanilang baryo, may tapis ng ginayak na kawayan at ang bubong ay pawid. Ngunit ang liguan ay sa ilog o kaya sa batis na inipon sa dike kung saan nakasuksok ang tubo ng kawayan---mga gawang-kamay ng kalalakihan sa kanilang baryo. Puwede ang sabay-sabay na paliligo nilang mga bata.
Ngayon, takot siyang mag-isa. Pinaghihintay niya sa labas ang kanyang ina, at binibilisan niya ang pag-ihi. Ngunit nang sumunod na paghinto ng bus, bumaba sila't muling umuhi, hindi niya nakita agad ang nanay paglabas. Namumula ang nangingitim niyang pisngi pagkat gustung-gusto na niya umiyak. Hindi siya umalis sa kanyang kinatayuan. Hanggang makita niya ang kanyang inang may bitbit na softdrink at nilagang saging.
Nangiti siya't tumakbo na tila sila'y papauwi.
IX.
Ang gusaling 3M ay matao, nakasagad sa maliit na tulay na nagpapakilala sa Quiapo. 3M na ang ibig sabihin ay Mijabr Mini-mart.
Kanina pa inip na inip si Manuel habang hinihintay ang kanyang ina na ngayo'y nakikipag-usap sa guwardiya kung maaari siyang papasukin sa opisina ng may-ari. Ayaw pumayag ng guwardiya, wala umano siyang appointment sa kanilang amo. Itinuturo siya ng kanyang ina, na kanyang sinamantala upang agad na pumasok sa opisina ng may-ari.
Lumipas ang ilang sandali at lumabas ang isang bumbay at kanyang ina. Hindi niya naunawaan ang sinabi ng lalaki, ngunit mahigpit ang hawak nito sa munti niyang mga kamay. Litong mukha ang nakikita niya sa kanyang harapan. Idinikit nito sa kanyang mukha ang kamay ng batang lalaki. Tila sila'y pinagbiyak na bunga at ang agwat lamang ay ilang taon.
Ngayo'y bitbit siyang papasok sa opisina, kasunod ang kanyang nanay. Nalilingunan niya sa likod ang inang nakangiti. Dala-dala ng guwardiya ang kanilang gamit.
Sa loob ng opisina, naratnan niya ang iba pang kahawig niya. Sing-kulay niya't sing-bilog ng kanyang mga mata. Dalawang batang babae kasama ng kanilang ina. Nakangiti sila lahat maliban sa ina, na nakamata lamang sa kanya at parang maiiyak.
Tila sila isang buong pamilya at siya ang bunso, ang hindi lamang kasali ay kanyang sariling ina.
X.
Nadidinig pa niya ang mahinay na yapak pababa ng hagdan, huminto sa tapat ng pinto ng kuwartong iyon na ipinagkasya lamang sa ilalim ng hagdan.
Pabulong na tinatawag ang kanyang pangalan, "Luella? Luella?" sa boses na tila kinakabahan. Nagtakip siya ng manipis na suot pantulog at pinagbuksan ang kanyang amo.
Nagpaubaya siya, sa masikip na kuwartong iyon sa ilalim ng hagdan. Naghahagilap siya ng dahilan ngunit ang tangi niyang naiisip ay alam niyang walang mangyayari sa isinampang kaso ng pulisya, alam niyang matatabunan lamang iyon sa kangkungan ng mga krimen sa lunsod.
Magiliw siyang itinatahan ng papalubog na araw. Hindi niya mapigilang umiyak habang nasa bus papauwi.
Nakikita niya saan man siya tumingin ang mukha ng kanyang anak. Tama ba ang naging pasya niya? Magkikita sila ni Manuel, buwanan siyang dadalaw upang matingnan kung okey ba ang anak. Mahusay ding magsulat ang anak, anuman ang mangyari ay magkukuwento ito sa mga nangyayari sa kanya.
Lalo sa mga unang gabi at araw na kapwa silang hirap makatulog sa kakaisip sa isa't isa.#
*Repost

Saturday, June 07, 2008
Pagsibol
Panay na panay ding umuulan ng mahinhin dito, ngayong panahon na ng "spring".
Nakakasenti din, lalo kong naalala ang mga panahon na ginugol ko sa Baguio. Halos magkasing-lamig dito, pero hindi kasing-kuntento sa Baguio. Masarap magkape, masarap mag-usap, masarap um-istambay, masarap mag-isip-isip.
Naisip ko tuloy na marami na rin narating ang malikot kong mga paa. Mga lugar na parang mga dating tahanan ko na.
Napalapit na din sa akin ang lugar na ito. Payak na buhay, tahimik na paligid. Malungkot sa malungkot, sanayan lang din siguro na nauuwi sa pagkagusto.
Lalo pa ngayong kasama ko na ang aking mahal...lalo akong panatag.
Napapadaan ang bus sa isang burol kung saan tanaw ang isang pisngi ng Red Deer, matapos kong ihatid si Aubrey sa trabaho. Napapangiti ako't dahil narito ako.
Saka ko naiisip na sa kabila ng lahat, pansamantala lamang naman ang lahat ng ito. Uuwi pa rin naman ako, kami, sa dati naming tahanan. At iyo'y isang malapit-malayo pang paglalakbay.#
Monday, May 12, 2008
Panganay
Sana makita mo, anak, kung gaano ko pinaghandaan ang pagdating ng mama mo dito, sa kabilang mundo.
Akala mo madali, pero nadadaan sa pagtitiyaga ang lahat. Saka..konting guts.
Kabadong-kabado ako, gaya nung una akong umuwi sa'ten, nang una kaming magkahiwalay ng milya-milya. Siyempre kasi, ilang buwan ko ding hindi nakasama ang nanay mo. Nagkikita kami at nagkakausap sa tinatawag ngayong, cyberspace.
Naalala kong una niyang sinabing, long hair daw ako. Parang nuong una akong nagpunta sa bahay nila't at sabi ng iyong lola Bebe, na mahaba nga daw ang aking buhok. Kinabukasan ay pinaggupitan ko kaagad, sa sobra kong pagkapahiya.
Kahit magkaganong magkalayo kami, hindi nagbago ang aming pagtingin. Para kaming nagkalayo, kahapon lang. Ng ilang dyip lang ang sakay. Ng ilang oras lang ang lumipas.
Masarap sa buhay, ang pag-uumpisa, mula sa wala. Gusto kong malaman mo yan, pagka't baka dito ka lumaki sa dayuhang bansa, na sagana sa materyal na mga bagay.
Sana makita mo ang aming pag-uumpisa ng iyong mama. Lagi kong inaalo ang mama mo, dangan kasi lagi siyang nag-aalala. Ewan ko ba, kasama naman niya ako. Baka kaya.
O sige, mahimbing ka na. Maya-maya parating na ang iyong mama.
:)

Wednesday, March 05, 2008
Aking Mahal,
Paano ko pa ba sasabihin sa'yong
Ikaw ang aking mundo?
Kung daang-daang tao na ang paulit-ulit
Na nakapagsabi nito?
Walang sapat na salita, alam mo ba?
Kung maari lang sukatin
Sa pamamagitan ng gatang
At sa milyun-milyong butil ng bigas
Ang aking pagmamahal
O baka naman kayang sahurin
Ng ilang timba't galon
Itong pag-ibig, tila tubig!
Na walang pagsidlan
O daanin sa metro ng taksi
Kung gaano kalayo na ang narating
Nitong pagsuyo natin
Ngunit paano kung 'di mapara ang damdamin?
Markahan kaya natin
Ang mga araw sa kalendaryo?
Pero wala sa kahapon, ngayon at bukas
Ang sagot sa bugtong.
Ah, walang sapat na sukat
Walang lapat na dangkal.
Mahal kita, mahal na mahal
Iyong lang, wala nang iba pa.#
Thursday, February 28, 2008
Sunday, February 24, 2008
Kahit paano, siguro naman, may nararating itong paunti-unting
paggaod. Pagkat ang pampang naman ay malapit-lapit lang.
Pero habang daan, marahas ang ilog. Matutulis ang mga bato.
Tila malalim sa pusod ng ilog.
Dumadaloy sa isip ko:
"Nais ko lamang ay mamangka. Wala akong inaasahan,
marahan man o marahas ang ilog...
Takot lamang akong mag-isa."

Thursday, February 21, 2008
Saturday, January 26, 2008
"Kumusta naman ang misis mo?" tanong ni JR, bagong kakilala ko dito.
"Ayos naman," sabay kuwento kong kamakalawa ay sumulat ang embassy. Ipinadala na daw sa Pinas ang papeles namin at siguro,tatlong buwan lang ay kasunod na ang bisa ni Aubrey.
"'Buti ka pa," sabi niya. Kasi, humindi raw ang embahada sa papeles ng kanyang tito at tita na makapagtrabaho dito. Sa tulong niya,nakapagpasa ng papel, nakakuha ng medikal eksam, etsetera ang kanyang tito at tita, pero pagdating sa embahada, hindi pa rin pumasa.
Dalawang tig-bente singko mil din ang naipadala niya.
Sabi ni Marea, ka-trabaho ko sa retail store, bakit daw ganun tayong mga Pilipino? Kapatid, magulang, tito, tita, mula sa kalapit at kalayong pinsan, kapag hiningan ng tulong, kahit paano'y parang hindi, mahindi-an.
'Di man masama iyon, sabi ko. Pagkat tayo, parang buhay natin ang pamilya. Palibahasa, malalaki ang mga pamilya sa bayan natin. Magkakalapit, magkakalayo, pero hiningahan ng tulong, kahit paano, tutulong din.
Hindi rin natin alam kung saan punto bang pwedeng sabihing, hindi na puwede.
Si Iyong, kapatid kong bunso, gusto daw mag-aral. Nauna pang nakapag-asawa sa akin, tatlo na nga ang anak, pero ngayon lang nakapag-isip-isip na baka may pag-asa din siya sa buhay.
Nung bago nga siyang makapag-kolehiyo sa isang vocational school, sabi pa niya, "Kuya tulungan mo akong mag-aral, gusto ko ding makatapos para makapunta ako diyan." Sa Canada.
Sabi ko ulit sa isang ka-trabaho sa call center, "If there would have been better opportunities in my country, I wouldn't want to come here and work."
Sa kabilang banda, blessing-in-disguise na din siguro ito. Siguro ang usapin, anong klaseng bukas ang naghihintay? Sa iyo at sa iyong mga anak? Ang kaso'y makasarili itong pagpapasya.
Kung sa dulo ng kadulu-duluhan, tila mas masaya pa rin ang mabuhay, magmahal at makipaglaban para sa bukas,sa sariling bayan.#

Wednesday, January 16, 2008
Tumbang-preso
Hanap ko'y...simpleng buhay. Na parang napakahirap abutin. Panahon, paghihintay, tiyaga...tiyaga at marami pang tiyaga. Kailan kaya maihahaing ang nilaga?
Masarap ngang balikan ang maging bata ano? Ang maging musmos sa buhay, tingin ng isang batang ignorante sa mga bagay-bagay? Magtanong kung ano iyon at para saan, saka laro ulit.
Dumadating yata ako sa punto ng aking buhay na, nagsisimula pa lang, parang hapung-hapo na. Tumatanaw pa lang sa pupuntahan ay parang bibigay na.
Pero ang alam ko, makakaabot din ako doon dahil nagmamahal ako. Siguro'y naiinip lang ako sa isang yugto ng buhay at sa papel na dapat, ay buong kaseyosohan ko nang ginagampanan, nang buong-buong-buo.
Hindi bale, darating din iyon. Pagdating nuon, alam kong para akong batang magsisimula ulit, na parang sinisilaban ang buntot sa hindi mahintay-hintay na pagsisimula ng tumbang-preso.#

Tuesday, January 08, 2008
Haircut session
Tuesday, January 01, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)