Hanap ko'y...simpleng buhay. Na parang napakahirap abutin. Panahon, paghihintay, tiyaga...tiyaga at marami pang tiyaga. Kailan kaya maihahaing ang nilaga?
Masarap ngang balikan ang maging bata ano? Ang maging musmos sa buhay, tingin ng isang batang ignorante sa mga bagay-bagay? Magtanong kung ano iyon at para saan, saka laro ulit.
Dumadating yata ako sa punto ng aking buhay na, nagsisimula pa lang, parang hapung-hapo na. Tumatanaw pa lang sa pupuntahan ay parang bibigay na.
Pero ang alam ko, makakaabot din ako doon dahil nagmamahal ako. Siguro'y naiinip lang ako sa isang yugto ng buhay at sa papel na dapat, ay buong kaseyosohan ko nang ginagampanan, nang buong-buong-buo.
Hindi bale, darating din iyon. Pagdating nuon, alam kong para akong batang magsisimula ulit, na parang sinisilaban ang buntot sa hindi mahintay-hintay na pagsisimula ng tumbang-preso.#
No comments:
Post a Comment