Awiwang – ang tahimik na pananatili ng bangka sa dagat – ang bago kong likhang salita.
Ang bentahe ng Pilipinong gumagamit sa sariling salita, mkalikha ng sandaa’t sanlibong salita mula sa tumpok ng mga lingwahe sa tinubuang lupa.
Ang pakiramdam na nasa dagat ka. Sa isang pisngi ng mundo, sumasalubong sa mga daluyong ang pangamba – na baka tangayin ka sa ilaya at hindi na makabalik pa sa pampang. Sa isang kumpol ng pino, madalas magaspang, itim at mas aliw na puting dalampasigan ng buhangin, ay naron ka’t bahagi ng isang-tinakpan.
Hindi mo ito pag-aari, o ng iba kahit sabihing may papel ang iba para sa patunayan ang kanilang pag-angkin.
Ang mas matindi, pangamba na kitlin ka ng hindi mo nakikita pagsapit mo sa pusod ng dagat. May isang araw, o maraming oras ka upang ariin ang isang malaking tipak ng langit, pero dahil hindi ito ultimo iyo, may ibang malayang makakagamit nito.
Malaya ka sa isang wagas ng pagtatampisaw. Malaya sa tila walang wakas na pag-iyak. Malaya ka sa isang isla.
May pagpipilian sa kabila ng lahat. Ang manatili sa bangka, at hayaang lunurin ng awiwang – awit na karugtong ay payak, tahimik na pahinga sa pusod ng dagat at mundo. Kung yari sa papel ang bangka’y may maliliit na lungkot na puwedeng paandarin at hayaang lunurin sa malalim na dagat.
Kakambal ng awiwang ay ‘di mahagip na sikat ng araw, ang bato’t tila hininga ng higanteng mulalang hangin ng dagat at ang magiliw na imik ng tubig-dagat. Lahat ay mahimbing na umiindayog sa tugtugin ng awiwang.
Panatag at masaya, yan ang pakiramdam ko ngayon. Mas simple ang mga bagay, mas taimtim ang pahinga at mas may paraang upang humanap ng kabuluhan sa mundo.
Yan ako, pansamantala.
Friday, June 23, 2006
Sunday, June 11, 2006
Pag-antabay
At sinabi ko sa sarili: kailangan kong mag-isip, ng makatuturang pag-iisip para muling pumili kung aling landas ang dapat tahakin. Bente-kuwatro anyos na ako nung huling Disyembre...bente kwatro at marami pa rin ang nagsasabing bata pa ako, marami pang mangyayaring mas maaayos kung pipiliin ko.
Ayaw ko pang tumanda, pero gusto ko nang makita kung ano ang kahihinatnan ko. (Lalo, kung ang tutuparin ng mga guhit ko sa palad ang ambisyon na makapgsulat, habambuhay?)
(PS -as in PaiStorbo- kanina pa nagtetext saken ang mga putakteng kumpanya ng langis para lang sabihing magtataas na naman sila habambuhay ng kanilang mga presyo)
Maraming umaasam maging batang muli kahit imposible. Wala kasing katulad ang murang isipan, ang pag-iisip na naguumpisa pa lang. Kung sa panahon ngayon, mahirap na ang maging bata. Hindi umuurong ang panahon, ang pagunlad samantala ay tila may sariling isip na gustong magbigti.
Bente-kuwatro at bumibilang pa. Ilang taon pa ba ng pag-iisip para sa finale?
Ang sabi ng ate, masyado daw akong nag-iisip, bente kuwatro pero hindi akma ang mga sentimyento sa buhay. Ito ang nakukuha ko sa pagiging laid back, imbes na magpahinga at tumunganga, ay namamaga ang isip sa kakagana. Kung may sense ba naman, aywan na lang.
Pero, gusto kong magsilbi. Ng walang inaasahang kapalit. Yun lang piryud. Sa paanong paraan? Iniisip ko pa.
Pwede ninyong panoorin yung motocycle diaries, inspirasyon ng sentimyentong ito
Gusto kong arukin ang kabuluhan ng pag-aalay ng buhay. Bawat hibla ng araw ay ilalaan para sa mga laging nawawalan. Walang oras ang masasayang.
Paano at kailan, saan?
Gusto kong maging doktor o nurse ngayon na. Para may lisensya akong dumama sa sakit, ramdamin kahit ang hinanakit.
Husto ba ang maging manunulat? Sa ngayon, tila kulang pa. Dahil siguro'y bubot pa kahit ang kakayahan at karanasan ko. Sa malaot madali, wala akong makitang sinag at liwanag (usapin ng sino at para kanino ang babasa) sa dulo ng buhay ng may buhay na sinulat...
Masarap pansamantala ang mag-isip, sa dulo nitong tila walang katapusan, umaasa ang pusong may maramdaman naman at kumilala ng ibang nilalang.

Subscribe to:
Posts (Atom)