Wednesday, September 21, 2011




Inosente

Makinang, ginintuan ang korte
Ng iyong katawang parang ngumingiti
Sumasabay, kumakampay sa alon
Ng iyong kamusmusan

Huwag ka muna sanang magtanong
Basta't magtampisaw ka, makipag-ulayaw
Walang muwang din naman sila
Dagat, hangin, araw

Sige anak, damhin sana
Ng iyong kamay, mata't, paa
Walang malay, walang takot
Ang iyong kainosentehan.

1 comment:

Kat said...

En nami-miss kita. Kailan ang uwi nyo? At kumusta? Sulatan mo ako. (-: