"Kumusta naman ang misis mo?" tanong ni JR, bagong kakilala ko dito.
"Ayos naman," sabay kuwento kong kamakalawa ay sumulat ang embassy. Ipinadala na daw sa Pinas ang papeles namin at siguro,tatlong buwan lang ay kasunod na ang bisa ni Aubrey.
"'Buti ka pa," sabi niya. Kasi, humindi raw ang embahada sa papeles ng kanyang tito at tita na makapagtrabaho dito. Sa tulong niya,nakapagpasa ng papel, nakakuha ng medikal eksam, etsetera ang kanyang tito at tita, pero pagdating sa embahada, hindi pa rin pumasa.
Dalawang tig-bente singko mil din ang naipadala niya.
Sabi ni Marea, ka-trabaho ko sa retail store, bakit daw ganun tayong mga Pilipino? Kapatid, magulang, tito, tita, mula sa kalapit at kalayong pinsan, kapag hiningan ng tulong, kahit paano'y parang hindi, mahindi-an.
'Di man masama iyon, sabi ko. Pagkat tayo, parang buhay natin ang pamilya. Palibahasa, malalaki ang mga pamilya sa bayan natin. Magkakalapit, magkakalayo, pero hiningahan ng tulong, kahit paano, tutulong din.
Hindi rin natin alam kung saan punto bang pwedeng sabihing, hindi na puwede.
Si Iyong, kapatid kong bunso, gusto daw mag-aral. Nauna pang nakapag-asawa sa akin, tatlo na nga ang anak, pero ngayon lang nakapag-isip-isip na baka may pag-asa din siya sa buhay.
Nung bago nga siyang makapag-kolehiyo sa isang vocational school, sabi pa niya, "Kuya tulungan mo akong mag-aral, gusto ko ding makatapos para makapunta ako diyan." Sa Canada.
Sabi ko ulit sa isang ka-trabaho sa call center, "If there would have been better opportunities in my country, I wouldn't want to come here and work."
Sa kabilang banda, blessing-in-disguise na din siguro ito. Siguro ang usapin, anong klaseng bukas ang naghihintay? Sa iyo at sa iyong mga anak? Ang kaso'y makasarili itong pagpapasya.
Kung sa dulo ng kadulu-duluhan, tila mas masaya pa rin ang mabuhay, magmahal at makipaglaban para sa bukas,sa sariling bayan.#
Saturday, January 26, 2008
Wednesday, January 16, 2008
Tumbang-preso
Hanap ko'y...simpleng buhay. Na parang napakahirap abutin. Panahon, paghihintay, tiyaga...tiyaga at marami pang tiyaga. Kailan kaya maihahaing ang nilaga?
Masarap ngang balikan ang maging bata ano? Ang maging musmos sa buhay, tingin ng isang batang ignorante sa mga bagay-bagay? Magtanong kung ano iyon at para saan, saka laro ulit.
Dumadating yata ako sa punto ng aking buhay na, nagsisimula pa lang, parang hapung-hapo na. Tumatanaw pa lang sa pupuntahan ay parang bibigay na.
Pero ang alam ko, makakaabot din ako doon dahil nagmamahal ako. Siguro'y naiinip lang ako sa isang yugto ng buhay at sa papel na dapat, ay buong kaseyosohan ko nang ginagampanan, nang buong-buong-buo.
Hindi bale, darating din iyon. Pagdating nuon, alam kong para akong batang magsisimula ulit, na parang sinisilaban ang buntot sa hindi mahintay-hintay na pagsisimula ng tumbang-preso.#

Tuesday, January 08, 2008
Haircut session
Tuesday, January 01, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)