Thursday, February 22, 2007

Pocketbook Project (Intro)

May isang bahagi sa sarili niya na gustong baguhin ng lahat ng tao. May kakaiba sa kanya na umaakit sa kanila at kumportable siya sa kaibhang iyon. Papauwi siya galing ng Maynila at tila gusto niyang maiyak. Kapag bumibiyahe siya'y nakakadama siya ng lungkot, ngunit tinitiyak niyang masaya naman ang kanyang naiwanan. Hindi siya nawala nang tuluyan kundi, tila nagbakasyon lang.

Humahagulgol na siya maya-maya at nagmumura. Sinisipa ang upuan sa harap niya. "Put-ang ina...put--ang ina..." Maraming nangyari bago siya umalis at hindi niya maisa-isa pa. Hindi niya alam ang dadatnan sa kanyang pupuntahan ngunit mas handa siyang harapin ito kaysa sa kanyang naiwan.

Magmamadaling-araw, ayon sa sigabo ng kalat-kalat na sinag ng araw. Hindi na siya nakatulog buhat sa Maynila. Si Milena ang babaeng gusto niyang sumalubong sa kanya pagkatapos ng biyahe, ngunit wala ang babae sa pupuntahan. Hindi bale na, naisip niya, maghihintay ang panahon kung siya'y talagang para sa kanya.


itutuloy.

Sunday, February 11, 2007

Hindi ko maintindihan ang sarili ko nitong mga nakaraang araw.

Paikot-ikot sa utak ko ang ganito: There’s more to life…there’s more to life…

Kesa sa aking present. Hindi ako sanay sa rutinaryong buhay. Nasasawa din naman ako sa panay na walang ginagawa. Hindi ko maipirmi ang sarili ko.

Pero, totoong there’s more to life. Kaya mahirap ang tumatanda, dahil kailangang magplano ng bawat oras. Ngunit hindi sarili ang nagdidikta ng kahihinatnan sa bandang huli.

Tinititigan ka ng mata sa mata ng buong mundo: Ika’y isa din lamang nilalang na walag pinagkaiba sa lahat. Mamumuhay kang parang bulag, dahil kumbinsido ka na sa dapat mong kapulutan.

Mamumuhay kang de-kuwerdas ng oras. May signature ang bawat mong gamit. Ilang buwan lang ay magkaka-kotse ka na. At magkakabahay. Kumportable ang iyong buhay.

There’s more to this fucking life. I’m restless and I’m feeling tired getting so, old. I wish this part of my time will soon pass away, fade away. I want to wake up on the day when I could sense life itself. Or make sense of it, at least.