Thursday, August 02, 2007

Biyaheng Pauwi


Kasimbilis lang ng hangin ang panahon. Para pa akong nawawala nung una, ngayo'y ako'y pabalik na.

Hindi ko na kayang tapusin ang isang taon, gusto nang bumalik ng aking mga paa. Mas malalaki na din sila, kaya nang
tawirin ang magkabilang panig ng mundo. Higit lalo ngayong sanay na sanay sila sa hirap, at may alam nang kahit paano
sa buhay.

Bi-biyahe na akong pauwi. Pasalubong ko ay ngiti sa labi.

Ngingitian ko ang mga bagong manong na tindero sa tabi, pagkat wala niyan dito. Silang mababait na tangi lamang gusto
ay, rumaos sa isang araw. Ngingitian ko sila manang, na malambing pa sa lutong-bahay ang ngiting pabalik.

Nakukunsensya din akong sa sarili ko'y alam ko na ang ibig sabihin ng kumportableng buhay. Baka hindi ko na sila mabalikan.
Baka maiwanan ko sila sa aking biyahe. Hindi ko pa masabi.

Pansamantala, ako'y pauwi na. Hindi na ako mag-iisa.