Maayos naman ako, wag kang mag-alala
Kung tatanungin mo ako, okey naman. Siguro.
Marami-rami namang nabago sa’ken. Kahit papaano.
Hindi pa rin ako nakakapagsulat ng kuwento.
Pero alam mo kung ano?
Meron saking nabago.
Litrato.
Kasi nahihiya ako.
Hindi naman ako magaling, at para akong tange.
Nagmamagaling kunware.
Kung aling anggulo ang makate
Sa lente ng aking kamera.
Anu-ano naman ang mga pinagkukunan mo?
Kahit anu-ano. Lang. Muna. Sa ngayon.
Pero wag kang mag-alala.
Ang pangarap kong
I-aanggulo
Ay ang kining sa kanilang mga mata
Ang dayukdok nilang pag-asa
Ang magdamag nilang paglikha
Ang munti nilang saya
At kanilang pakikibaka.
Hindi na nga sila makapaghintay, alam ko.
(Paano ko ba sasabihing pasensya muna?)
No comments:
Post a Comment