Tuesday, December 30, 2008

Sipat

Kasi, mabilis lumipas ang mga araw.

Kahapon lang, mag-isa ako. Ngayon, magiging tatlo na kami, ng aking mahal, ng aking magiging panganay. Noon lang bente singko akong tao na nasa kalagitnaan ng buhay, noong nakaraang araw lang bente-syete na ako.

Ah, wala akong reklamo. Pagkat ginawa ko naman ang mga pinakamabuti, at maayos din ang naging mga kapalit. Wala naman akong mahihiling pa sa aking present, siguro lang ang patuloy na makaagapay sa araw-araw hanggang maabot ang mga pangarap.

'Di ako umaasa sa pinaka, hindi ako magpapakahirap na abutin ito, gaya ng ibang mga Pilipino dito sa kabilang mundo. Hindi ko sila masisisi, dahil sila'y nangangarap din lang. Ang pangarap ko naman, simple lang. Maging nars, maging mabuting asawa, maging matatag na tatay.

Oo, ang maging nars. Oo, dahil "in-demand". Oo, dahil sa kabilang banda, alam kong magiging mahusay akong bantay para sa aking panganay, asawa, ina at tatay, mga kapatid ko, at ibang mga tao.

Dati pa, alam ko na ang kakaibang kaligayahang nakukuha sa pakikisama, sa kanilang mga walang-wala. Masarap din naman ang magsulat tungkol sa kanilang mga istorya. Hindi ko naman iwinawaglit ang propesyung ito.

Siguro lang, kailangan ding gamutin ang mga sakit na dulot ng kalam ng kanilang sikmura, gaya ng matagalang-gamutan na kailangan sa ugat ng kanilang problema. Kasabay ng pagmumulat sa kanila sa kanilang kalagayan, ang pansamantalang lunas na maaring ibigay sa sari-sari nilang karamdaman sa katawan.

Higit pa rin ang lunas na maibibigay ng habambuhay na pagkamulat, pero doble ito kung maisasalba ang katawang bibigay na sa kahirapan.#

Monday, December 08, 2008