Alam kong mag-aalala pa rin ako,alam kong dadalawin pa rin ako ng mga pangamba.
Ang sabi ko sa sarili,kung kaya mong harapin ang katotohanan, right smack in my face tatalunin ko ang mga ito.
Nay, pasensya ka na't hindi muna kita mauuwian ng gusto kong coffee set para sa'yo,magtiis muna tayo sa luma mong takure at mga pingaw na tasa, masaya tayo kahit kulang ang asukal at matapang ang kape, dahil mainit naman ang tubig na husto lang para tayo makapag-agahan...
Tay, huwag ka munang umasa na mabibigyan kita ng pampusta mo sa iyong panabong,o maibili ka man ng inumin sa gabi-gabing dinadalaw ka rin ng alalahanin at gusto mong magpakalunod sa alak upang mahimbing kapagka...
Panatag ka, ate. Matatag na sandalan ni nanay at ng iyong sarili.Kahit palagi kang humihiling,alam mong dalawa tayong magpupuno sa mga bagay na kaya at gusto natin..
Kapatid ko,may malaki akong pagkukulang sa'yo.Hindi kita magabayan bilang kuya,dahil kasi'y nasanay din akong manginig, matakot ngunit magtiwala sa kapangyarihan ng kuya nating pumanaw na.Pero alalahanin mong nandito lang ako,para sa iyo at sa iyong si...
Mikaela,pamangkin ko.Kahit wala ka pang malay,alam mo nang masaya ang mabuhay sa mundo.Pagbibigyan kita,hanggang sa aking makakaya.Hindi kita matitiis,hindi kita matitikis...
At sa'yo mahal ko,higit kitang kailangan katumbas ng pagpapahalagang ipinapakita mo sa akin.Kaysa sa inaaakala mo,lalong kaparis ka ng kaliwang bahagi ng buhay ko.Tandaan mong nasa tabi mo ako,kailangan mo man o hindi...
Nariyan lang ang pangamba,pero nariyan din kayo...
Isang bukas na liham
Friday, May 26, 2006
Wednesday, May 24, 2006
Hinde
Maaga akong nagising kanina, maski na makislot ang simula ng tulog ko ng nakaraang gabi. Hindi sa problema, tingin ko'y maayos akong bumangon upang humarap sa bagong araw.
'Di katulad ng dati, "stress free" ang umagang iyon. Ang kailangan ko lang gawin, magkape, maligo at pagkatapos ay lumarga. Walang pag-alaala, walang pagmamadali, kahit buntong hininga ay inilibre sa isang araw na hindi kailangang makipagkarera sa oras at trabaho.
Pagkat, wala na akong trabaho. Noong biyernes lang, malungkot na hindi, ang importante'y habang wala pa akong trabaho, ako'y "malaya" sa sarili kong paraan at depinisyon.
Kanina sa counter ng isang maliit na shop sa Philcoa ay tumangging ipamigay ng libre ng ale ang isa piraso ng paper clip, para sa mga papeles na tiket ko upang makahanap ng trabaho... "Baka po mabilang ng kostumer na bibili, makukulangan po ng isa" ang sabi niyang nakangiti. Wala siyang pakialam pagkat siya'y may sariling trabahong inaasikaso at iyo'y siguruhing walang na-'shop lift' sa kanyang mga paninda,na pag-aari ng isang Intsik
Ang ngiti at kaunting konsiderasyon, hindi na kayang hingin ngayon ang kapirasong paper clip na halos P.07 lang ang presyo...(100 piraso sa halagang P7 isang kahon, alangan namang bilhin ko pa ang buong kahon)
Palagay ko'y hindi siya tutulong kahit sa kapatid, kahit isang milyong piraso pa ng clip ang kapalit.

Saturday, May 20, 2006
Alipato*
*gusto ko sanang gamitin ang titulong ito isang araw na masaya akong bumibiyahe pauwi sa amin, kung kailan panatag ang ilaya at masuyo ang paglubog ng araw sa silangan. kahit pa, kailangan ko itong gamitin ngayon, hindi bukas o sa ibang panahon. Pagkat ito'y alipato ng kahapon...
Bagama't buhay ay sumasanib sa dilim ang buhay na mayron ako sa salaulang lunsod.
Mabuti pa nga ang alipato, may tiyak na lugar paitaas, kahit man na sa dulo ng kanilang buhay ay hanggang doon lamang sa aninag ng maikli nilang ningas. Tinatangay sila ng hangin, sa direksyon na wala silang pakialam.
Noon pa'y itinuring ko nang therapy ang biyahe. Malapit o malayo, maligalig o payapa, kahit sandali ay gusto kong naiiwan sa pagitan ng mga singit ng puno, sa madidilim na eskinita, sa mabalukbok na kalyehon, sa banig ng palayan ang mga alalahanin.
Mas madalas kong maisip ang tungkol sa future. Isang bukas na panahong walang sinuman ang eksaktong nakakakita. Sa biyahe, ang alaala ay winawalis at pilit na winawaglit kung masakit, at kasing-linaw ng masayang imahe sa salamin kung maaaliwalas. Sa biyahe, marami tayong mga what if, at sana.
Pero sa dulo ng mundo, ang pagbibiyahe ay may sariling mapa na hindi maiiwasan. Paano kung dead end? O kaya'y bangin? Kung gayon, sa malao't madali, ito ang kanyang direksyon.
May magagawa sa kabilang banda. Lagi't lagi, may hatid na pag-asa ang liwanag na nagmumula sa mga alipato, kahit ito'y pansamantala...
Dala na rin ng kapaguran, gusto ko muna sanang magpahinga. Pero umaasa din akong muling makapagsimula sa isang mas bago, mas makabuluhang mundo. Ano ba kasi sa Filipino ang superficial? Plastik? Sa mas madali, kasinungalingan.
Marangya ito, at nabulag ako. Kung uumpisahan ko sa pinaka, mahabang magulong kuwento. Ang masasabi ko lang, muntik na akong malunod sa isang biyaheng bagama't mapaglaro, maluho ay nakakalunod. At ayokong sa kalaunan ay matangay ako sa isang biyaheng walang saysay, sa aking panahon.
Magulo 'no? Basta.
Go alipato!
(lagom: natapos na sa nakalipas na anim na buwan ang nakakawindang na trabaho bilang business reporter. ngayon ako'y magsisimula ulit, NGAYON na, ngunit hindi sa umpisa.)

Saturday, May 13, 2006
Dear angel...
Friday, May 12, 2006
...at tapos?
sunset 2
Sa istasyon ng MRT, mula Ayala ay naalala kong bumagsak ang unang mga patak ng ulan ng Mayo sa Quezon Avenue. Naalala kong kabilang ako sa mga nagmamadali, sa mga nakipagsiksikan papalabas ng MRT nang ang mahinhing patak ay naging silakbo, pamatay na pananda ng tag-ulan.
Ilan ang nakapayong ngunit mas marami ang hindi handa, na kasama kong lumilim pa muna upang maghintay sa pagkatagal-tagal (habambuhay?)...
Yun na, tapos na nga ang tag-araw, ang pinakamahal ko sa lahat ng panahon. Lumipas nang hindi man lang napansin, umalis nang hindi man lang tinapos ang seryeng ito tungkol sa kanya.
At bago pa tumila, nagdesisyon akong siluin ang ngayo'y mabining ambon, gamit ang isang folder bilang salakot.
Hindi bale, malapit na ang Disyembre.

Subscribe to:
Posts (Atom)